Si Mikael ay isang manunulat kung saan sumali sya sa isang patimpalak sa kanilang Eskwelahan.
Nang makapasok sya ay kinailangan nya pang maghanap ng inspirasyon.
INSPIRASYONG NAGBIGAY SA KANYA NG MOTIBASYON
PARA MAGKAPAGSULAT MULI.
@Jecleng
ALL RIGHTS RESERVED 2014
Started: 08-11-14
Completed: 11-22-14
Malamig ang simoy ng hangin na para bang may kapangyarihan itong magpayelo ng isang pusong sugatan,luhaan, duguan o mas magandang sabihin na lang natin na mga pusong sawi sa larangan ng pagibig.
Papalapit na naman ang pasko at sa tuwing sasapit ang pasko nagdiriwang ang bawat isa na bumubuo sa pamilya.
Pamilyang bumubuo at sumisimbolo naman ng pasko na kaarawaan ng ating panginoon.
Malamig naman ang klima ngayon na para bang uulan ng nyebe. Nyebeng magbibigay ng kulay sa darating na pasko.
