At kanina habang nanghuhuli ako ng isda at gumagawa ng apoy alam kong kinukuhaan niya ako ng picture ng palihim pero umarte ako ng walang alam sa ginagawa niya. Baka kasi mailang kapag nag sabi ako. At ngaun, ginagawa ko naman ang ginagawa niya kanina. Ako naman ang kumukuha ng picture sa kanya ng palihim pero sinisigurado ko na hindi niya mahahalata. At alam kong di niya mahahalata yun kasi manhid siya. Sobrang manhid niya kaya wala siyang nararamdaman. Haha. 

Yves, may dala kabang extra shirt jan? Mag palit ka kasi basang basa ka ng pawis eh. Baka mag kasakit ka. " Sabi niya. May naiisip akong kalokohan. Haha. 

Wala akong extra shirt. Di ko naman kasi alam na maliligaw tayo dito. Pero kung ayaw mo mag kasakit ako pwede ko hubarin yung shirt ko ^________^ " sabi ko at siya naman biglang napatingin sakin at halatang gulat na gulat kasi nanlaki yung mata niya. Haha. 

H-hoy! Lalo kang magkakasakit nun no. Umayos ka nga! " sabi niya. Pero di ako nakinig sa kanya kasi tinanggal ko na yung shirt ko. Haha. Aasarin ko lang naman to kaya ko ginagawa to. 

Yves! Isuot mo uli yang damit mo. Nakakainis ka. Kita mong babae ako eh! " sigaw niya. Haha. Pero dahil nga pasaway ako di ko sinuot at lumapit pa ako sa kanya ng hindi niya alam kasi nakatalikod siya sakin. 

Magkakasakit ako kapag sinuot ko damit ko na basang basa sa pawis. Bahala ka. Tsaka mas okay na nakahubad ako ng shirt. " sabi ko sabay back hug sa kanya. Sorry, alam kong kasalanan tong ginagawa ko sayo Xandra pero di ko na matiis. Mahal lang talaga kita. Gusto ko sabihin sa kanya yan pero parang may pumipigil sakin. 

Xandra's POV

Nakayakap sakin si Xander mula sa likod ko. Kanina pinapaalis ko siya sa pagkakayakap niya sakin pero ang sabi niya hayaan ko daw siya muna kahit ngaun lang. At yung boses niya kasi parang nag mamakaawa talaga na wag ko alisin pagkkakayakap niya sakin. Tsk. Kaya ito, hinayaan ko siya. Pero sa part ko kinikilig ako. Haha. Pero shh lang kayo. Baka malaman nila Yiesha, aararin nanaman ako :3 At yung back hug yung pinakasweet na yakap sakin. Di ko alam kung bakit, pero yun talaga ang gustong gusto ko.

Nilalamig kaba? " sabi niya. 

Hindi. Pano naman ako lalamigin e yakap mo ko? Haha. " sabi ko. Habang nakahawak sa kamay niya. Yeah, kung titignan niyo kami parang ang sweet namin. At take note wala pa din siyang damit hanggang ngaun >.<

Sabagay. Masyado kasi akong hot eh. Haha. "

Ang hangiiiiiin! Haha. Parang nilamig ako bigla dun sa sinabi mo ah. " 

Ah, buti na lang nilamig kana. Haha. Ito gagawin ko para mawala lamig mo" pagsabi niya nun bigla niya hinigpitan yung yakap niya sakin. Xander, pinapahirap mo lang lalo ang sitwasyon. Tsk.

Inaantok kana ba? " sabi niya at ako tumango na lang. Inaantok na kasi talaga ako dala na din siguro ng pagod. 

Sige na, matulog kana. Babantayan kita hangga't sa makatulog ka" 

Pano ka, Yves? Kailangan mo din mag pahinga."

Mag papahinga ako kapag natulog kana, kaya sige na."

Okay, goodnight " sabi ko tsaka ko pinikit yung mata ko. Antok na antok na kasi talaga ako. Pero bago ako matuluyan sa pagtulog narinig ko pa siya na nag salita

Goodnight. Sana di na matapos tong gabi nato, Xandra. Namimiss ko na yung dating tayo kahit di naman naging tayo. Mahal pa din kita at sana pagkatapos nito walang magbago sa samahan natin. " sabi niya. Atsaka ako nakatulog.

-----------

Di ko alam kung saan ko napulot yung mga nilagay ko jan. Haha.

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now