Prologue

7 2 0
                                        

Bzzz bzzzz bzzt bzz bzz

Ano ba yan. Ke aga aga di naman ako nagalarm. Huhu. Sino ba tong tumatawag.

"Helloooo"

"Miss. Don Enrique wants to talk to you over lunch around 12 noon. Importante. You need to come dito sa mansion miss." Sabi sa kabilang linya. Si butler john pala. Siya yung right hand man ni lolo enrique.

"Ahh. Sige po. Ill be right there." I ended the call at tinignan ang oras. 9am may oras pa ako.

Agad akong pumunta sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals ko. Di na ako nagbreakfast kasi tinatamad akong magluto. Matatagalan lang ako pag nagluto pa ako. Maaga pa naman kaya dadaan nlng ako sa isang fast food para kumain.

Pagkatapos kong kumain sumakay na ako sa kotse ko at tinahak ang daan papunta sa mansion ng lolo ko.

Hindi kami close ng lolo ko. Sa katunayan 2 years ago ni hindi ko nga siya kilala. Ang akala ko noon wala na akong pamilya pang natitira matapos mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente.

Naging ulila ako at the age of 11 years old. Naging orphan ako at nagtrabaho ako simula nuon para makapagaral. Nagtitinda ng sampaguita sa simbahan, magtinda ng juice at plastic bags nasubukan ko na. Nagtrabaho na din ako sa isang fastfood nung highschool ako para matuloy lang ang pagaaral ko. Naging athlete ako nung college para libre tuition ko pero patuloy pa rin pagtratrabaho ko kasi umalis na ako sa orphanage nuon at namuhay mag isa. Nag part time din ako sa coffee shop malapit sa school na pinapasukan ko noon. At ayun nakapagtapos naman ako ng pagaaral at nakapagtapos ako sa kursong BS Educ major in math.

Ahh. Ako pala si Dominique Alzate Montemayor. 21 years old. Brown eyed. 5 feet 11 inches ang height. Black hair. Ano pa ba? Maputi din ako.

Yung lolo ko ang pangalan niya ay Enrique Montemayor. Isa siya sa mga kilalang business man dito sa bansa. Two years ago nya lang ako nahanap nung pagkagraduate ko. Oh diba nakagrad na ako't lahat lahat saka lang siya darating sa buhay ko. Tsk.

Nalaman ko din na nagtanan sila mama at papa nuon at pinagtaguan si lolo kasi tutol ito nung ikinasal sila mama at papa.

Pero simula ng mahanap niya ako todo bigay siya ng lahat ng kailangan ko. Di niya na ako pinagtrabaho para daw makabawi siya at siya daw bubuhay muna sakin. Binigyan niya ako ng condo ko. Mga sasakyan at iba pang material na bagay. Noong makilala ko siya doon nagumpisa ang paglalaro ko ng video games at bihira lang ako kung lumabas ng bahay. In short, naging tamad ako sa lahat ng bagay.

Parang nawalan ng saysay yung buhay ko. Noon nag aral ako ng mabuti para magkaroon ng magandang trabaho at magandang buhay. Pero anong silbi nun ngayon diba? Nakuha ko na lahat ng gusto ko.

Nang nasa tapat na ako ng gate ng mansion agad naman akong pinagbuksan ng guard. Pinarada ko nalang ung sasakyan at bumaba. Nakita kong nagaabang na sa pinto si butler john sakin.

"Good afternoon Miss Dominique. Tayo na po sa dining area." Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Nakita kong nakaupo na si lolo sa hapag kainan.

"Hi Grandad" Grandad ang tawag ko sa kanya para naman daw kahit papano pang millenials yung tawag ko sa kanya. Nagmano ako at umupo sa tabi niya. "Ano yung importante nyong sasabihin sakin grandad?"

"Mamaya na natin pagusapan yun iha. Kumain muna tayo." Ani nito at nginitian ako.

Matapos naming kumain niyaya ako ni lolo mag golf sa likod ng mansion dahil may sarili siyang golf course dito.

"Grandad. Ano na yung sasabihin nyo sakin?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok ang tingin ko sa titirahin kong bola.

"Dominique, apo I want you to marry my business partner's daughter." Mahinahon nitong sabi. Natapon ko naman ang hawak kong golf club.

Yup. You read it right. Alam kasi ng lolo ko na babae ang gusto ko.

At least hindi lalaki right? Wika ng left brain ko.

"WHAT THE F-! Grandad bakit nyo naman gagawin sakin to?!" Sigaw ko sa kanya. Sorry di ko na natiis at naging bastos na ako dito.

"Huminahon ka apo at makinig ka sakin. Para naman sayo ito eh. I just want to have someone to take care of you other than me. Alam mo na iba pa rin ang kalinga ng isang asawa." Kalmado pa rin nitong sabi.

"But grandad! Ni hindi ko nga yan kilala. Ayaw ko nang isang arranged marriage Grandad! Gusto ko pag ikinasal ako sa babaeng mahal ko nang buong puso't isipan ko. Hindi yang kung sino sino lang na nahagilap niyo dahil sa isang business!" Katwiran ko dito.

"You already knew her apo and its final. You'll marry her after she graduates from her course." Sabi nito.

Akmang papasok na ito ng mansion nang lumingon ito sakin. "Oh before I forget iha her name is Katherene Paris ."

Anong pakealam ko sa pangalan nun. Tsk. Wait. What?!!!

Katherene Paris

Katherene Paris

Katherene Paris

Parang nablangko naman yung utak ko pagkarinig ng pangalan niya.

Ang nag iisang babaeng minahal ko ng totoo. Ang babaeng naging dahilan kung bakit muntik na akong hindi makagraduate ng highschool. Ang babaeng naging dahilan ng pagwasak ng puso ko. Bakit siya pa?

Flashback

"I can't love you. I will never love you! Isa ka lang kutong lupa. Wala kang patutunguhan! Mayaman kami mahirap ka lang. Di tayo bagay!  You're an eyesore and you know what I was just pretending to be nice to you because nakakaawa ka. You are just an annoying piece of trash!" Sigaw nito sakin sabay talikod at mabilis na naglakad paalis.

Napatunganga nalang ako sa sinabi  niya. Parang kelan lang nung ambait bait niya sakin. Kala ko may chance ako sa kanya kasi sweet siya and she showed me that she cared for me, that she loved me too. Kala ko balewala lang sa kanya yung estado ng buhay namin. Yun pala buong akala ko lang lahat.

I just assumed.

Sana hindi ko na sinabing mahal ko siya.

Kasalanan ko itong lahat.

I just stood there silently crying.

Remembering each and every hurtful words she told me, my heart broke into tiny pieces.

My Lazy FiancéeStories to obsess over. Discover now