Sa isang siyudad may nakatirang babaeng nagngangalang Aling Thelma.Si Aling Thelma ay makalimuting babae.May isa siyang anak,si TonTon.Makulit itong bata kaya palaging naiirita sa kanya ang kanyang ina.
Nagsusuklay si Aling Thelma ng kulitin siya ng kanyang anak.Dahil sa pangyayari hinabol niya ang kanyang anak na si TonTon.Habang hinahabol ang anak,unti-unti na niyang nakalimutan ang suklay na nakapatong sa tkanyang ulo.Nang makuha ang pakay sa anak,namalengke na ito.
"Ang ganda naman ng suot niya!"Sambit ng isang babae.Nagtataka sila kung anong magandang bagay ang suot ni Aling Thelma.Dahil gusto ito ng mga kababaihan,naghanap sila ng ganoong bagay
Dahilan sa paghahanap ng mga tao,may mga negosyanteng nakaisip gumawa nito.Pumatok ito sa kanilang siyudad.
Namalengke muli si Aling Thelma at nagtaka din siya, kung ano ba itong patok sa kanilang lugar.Tinanong niya kung saan ito ginagamit.Sinabi ng tindero na sa ulo ito ginagamit." Nandito kalang pala!"Sambit niya ng makapa ang suklay sa kanyang ulo.
Simula noon ay naging kilala na ito,ang biyoneta na ang ibig sabihin ay pang hawi sa buhok
SANA NAGUSTUHAN NYO ANG KWENTO
