Chapter 8: Pagpapakilala

Start from the beginning
                                    

Nasa may likuran si Hepe na nakikinig.

"Narito kami para tulungan kayo," dagdag ni Jules.

Napatayo si Kanor nang marinig ang salitang "tulong" at tumingin kay Hepe.

"Sabi sa 'yo, Hepe. Na nagsasabi ako ng tutoo! Itong mga taong ito ang magpapagaling kay Berta!"

Humakbang palapit sa kanila si Hepe.

"Ang kailangan ng bata ay madala sa ospital at matignan ng duktor," diin niya, at tinuro si Kanor. "At ikaw, dapat na kasuhan ka!"

"Kaya ba siya nakaposas?" may almang tanong ni Hannah.

"Hayup na 'yan," galit na sabi ng Hepe. "Kung makikita n'yo kalagayan nung bata..."

"Sir, naiintindihan namin ang reaksyon n'yo," paliwanag ni Jules. "Pero, hindi si Kanor ang me kagagawan..."

Nakadilat na tumango si Kanor.

"Hindi ko masasaktan anak ko!"

"At sinong nanakit sa bata? And dimonyo?" sabi ni Hepe, ridiculously.

"Sir..." malumanay na sabi ni Father Markus habang lumapit kay Hepe. "Pinapunta kami mismo ng kataas-taasang simbahang Katoliko para tulungan ang pamilyang ito. Alam kong mahirap paniwalaan, pero ang kailangan namin ay ang tiwala mo. Ako si Father Markus."

In-offer ng pari ang kanyang kamay at tinanggap iyon ni Hepe. Nang magkamay sila'y naramdaman ng pulis ang kakaibang sensasyon sa palad ng pari. Mahigpit ang grip nito at tila may magkahalong init at lamig ang naglakbay papunta sa kanyang bisig. Medyo na-mesmerize siya. Sa wari niya'y hindi ordinaryong tao ito.

"Lieutenant Padilla," ang mahinahong sabi ni Hepe. Tila nawala ang galit niya at nagkaroon ng kalma sa kanyang dibdib.

"Pwede ba naming makita si Berta?" tanong ni Father Markus.

Tumango si Hepe at sinenyas ang kuwarto.

"Doon."

Sa labas, nakaistambay si SP04 Rosales sa may patrol car, nagyoyosi at tahimik na binabantayan ang paligid. Kita niya si Wendell na tumigil na sa ginagawa, naupo malapit sa silong ng puno at nakikiramdam na lang.

Nakatayo si Jules, Hannah at Father Markus sa harap ng kuwarto. Sa likuran, nakaabang sina Hepe at Kanor. Humakbang papalapit ng pintuan si Father Markus, kita ang buga ng lamig sa kanyang hininga. Tumaas pa ang temperatura kaysa dati nang dumating ang tatlo. Kinuha ni Jules mula sa kanyang knapsack ang digital camera at pinindot ang "record". Nagkatinginan ang tatlo.

"Game," hudyat ni Jules.

Binuksan ni Father ang pinto at sila'y pumasok.

Hindi lang temperatura ang nagbago, pati ang kundisyon ng madilim na kuwarto. Ang sahig, wall at kisame ay nagpuputik na parang grasa. Sa parisukat na sulok nagsisipaggapangan ang mga ipis at alupihan. Ang hangin sa loob ay mas kumapal, lumagkit at may mabahong amoy na parang balat na naaagnas. Papasok din sana si Hepe pero biglang sumara ang pintuan at nag-lock at hindi niya mabuksan.

Nakaupo si Berta sa gitna ng kama na parang inaantay na sila. Nakayuko at natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha, ang mga kamay na kinalagan ni Hepe ay nakapatong sa kanyang mga hita.

"Berta..." tawag ni Father Markus.

Magkakahiwalay na tumayo sa kuwarto ang tatlo. Si Hannah at Jules sa magkabilang gilid habang si Father Markus ay sa gitna. Sa kanilang experience, mabuti na kalat sila sa kuwarto para nahahati rin ang atensyon ng possessed. Alam nila ang drill. Ito muna'y isang introduction. Isang pagpapakilala.

"Berta..." ulit ng pari.

Nakayuko pa rin ang bata, at biglang nagsalita sa boses ng garalgal na lalaki.

"Paulit-ulit ka, father," sabi niya. "Alam mo namang wala rito si Berta."

Kinunan muna ng video ni Jules ang buong kuwarto tapos ay finocus ang lens sa bata. Sa kabilang banda niya, si Hannah ay nagko-concentrate, pinapakiramdaman ang aura ng paligid.

"Kung wala si Berta, sinong kausap namin ngayon?" tanong ni Father.

Tumawa ang bata.

"Gusto mong malaman ang pangalan ko?"

"Oo," sagot ni father.

"Tawagin mo akong..."

Nagkatinginan sina Father, Jules at Hannah. Nagtataka. Ganoon na lang ba ito kadali? Anila sa sarili. Pagka't kapag nalaman na nila ang pangalan ng dimonyo na sumanib kay Berta ay mapapadali na kanilang misyon. Na kapag nalaman nila ang pangalan ng dimonyo ay maaari na nila itong pabalikin kung saang madilim na sulok ng impiyerno ito galing.

Nakatitig sila sa bata, inaantay ang sasabihin nito.

"Tawagin mo akong..."

Pangalan. Ang kailangan nila'y pangalan.

"...secret."

At biglang tumawa nang malakas ang dimonyo sa loob ni Berta. Sobrang lakas na ito'y dinig nila Hepe at Kanor sa labas ng kuwarto. Hindi mapakali ang dalawa sa kung anong nangyayari sa loob.

Napailing sina Father Markus, Jules at Hannah.

"Ano'ng akala n'yo sa akin? Tanga?" sabi ng dimonyo, at itinaas nitong ulo at nakita nila ang kagila-gilalas na hitsura ni Berta.

Nagpalakad-lakad sa harap ng kama si Father Markus.

"Tanga? Hindi naman," sabi ni Father sa dimonyo. "Gusto lang naman namin malaman kung sino'ng pipitsuging dimonyo ang kaharap namin ngayon."

"Oo nga, baka isa ka lang utusan," dagdag ni Jules. "Walang ranggo. Walang pangalan."

"Baka nagaaksaya lang kami dito ng oras," at dagdag pa ni Hannah, "sa dimonyong hindi naman kilala."

Sumimangot ang bata.

"Ako utusan? Walang ranggo? Hindi kilala?" galit nitong pahayag. "Isa akong Serpahim! Naroon ako nang masunog ang pakpak ni Lucifer! Naroon ako nang magrebelde sila ni Beelzebub! Naroon ako nang isabog ni Asmodeus ang libog sa buong mundo! Naroon ako nang... "

Natigilan ang dimonyo. Kita niyang tahimik lang na nakikinig sa kanya ang tatlo. Tumawang muli ang dimonyo at may naggapangang mga uuod sa sahig.

"'Di n'yo ko maiisahan," aniya.

"Okay," tango ni Father Markus. "Ano ba'ng gusto mong mangyari para iwan mo ang batang ito?"

"Malalaman mo, father," sagot ng dimonyo. "Malalaman n'yo. Pero, hindi muna ngayon."

"Kailan? Kailan namin..." natigilan si Father pagka't biglang lumutang sa ere ang bata, mga tatlong feet mula sa kama. Natulala rin sina Jules at Hannah. Pagkatapos ay bumagsak sa kama ang bata at kanilang nilapitan. At narinig nila si Berta na umiiyak. Nawala pansamantala ang dimonyo.

"T-tulungan n'yo po ako," pagmamakaawa ni Berta sa kanila.

Hinawakan ni Father Markus ang kamay ng bata.

"Huwag kang mag-alala, Berta," sabi ng pari. "Lalabanan natin ito. Pinapangako ko sa 'yo."

NEXT CHAPTER: "Game Plan"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now