Chapter 12.2 [ Its Cleaning Time ]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hmm.. Ganito na lang. Ikaw sa baba ako sa taas. Kapag hindi ka pa tapos sa baba at ako ay tapos na. Tutulungan na kita. Okay ba yun?" 

Dali-dali kaming kumain. Dadalhin ko na sana yung mga pinggan sa lababo ng kinuha sa akin ni Nam. "Uy wait! Ako na dyan. Magstart ka na sa salas" Pero nagpumilit pa rin siya.

"Ako na! Gusto ko din matutong maghugas ng pinggan." Eeeii! Baka kaya mabasag niya iyon. "Wag kang magalala, kahit papano marunong din naman ako." Sige na nga pagbigyan at magstart na ako sa taas.

Linis dito, linis doon. Hays ang hirap maglinis ng ganito kalaking bahay. Mas gusto ko pa yung maliit na bahay ko, madaling linisin. Nagpunta ako sa kwarto ko at inalis ang mga kurtina, sabi kasi ni Mr. Ventura, matagal na daw hindi iyon nadadalaw ng mga housekeeper kaya madumi na rin. Nag-vacuum ng carpet tapos naglinis ng cr. Hays, kakapagod. Kamusta na kaya si Nam sa baba? Mapuntahan nga.

Pagbaba  ko, nakita ko si Nam na may sinisilip sa ilalim ng sofa. Bale nakaluhod siya na parang nakatuwad. Nagyon ko lang napansin na maikli pala yung short na suot niya. 

O.O Waah! Wag kang tumingin Shone! Masama yan. Tsk. Pano ko sasabihin yan? Baka magalit siya sa akin kapag sinabi ko naman. Wag na lang kaya pero paano naman ako? Mabait naman ako kahit papano! Tsk. Sige.sige! Sasabihin na!

"Ah eh! Nam. Yung.. Yung.. Yung ano mo! Nakikita na?" Nakatingin ako malayo sa kanya, baka sabihin niya naninilip ako. Mukhang mahina pa ata pagkakasabi ko, hindi kasi siya natitinag, busying busy sa ginagawa niya! "NAM! YUNG KUYUKOT MO KITA NA!"

Dali-dali siyang tumayo at halos masubsob na sa kakamadali. Naumpog tuloy siya sa may mesa. "Aray! Bakit ngayon mo lang sinabi? Psh." Aba! ako pa sinisi ha? Ayos rin itong babaeng ito ha?

"Nasabi ko na kaya! Kaso masyado kang busy sa ginagawa mo. Teka? Dapat nga magthank you ka pa  nga eh!" 

"Eh di Thank you!" Sabay walk out.

"Magdadamit ka ng ganyan, ayaw mo pa lang may nakikita?" Pabulong ko lang sinabi yun habang nakapout.

"Anong sabi mo?" Ang lakas naman ng pandinig ng taong to!

"Wala! Sabi ko maganda ka!" Haha. Sarap rin kasing asarin. Paano nauna kasi siya? Nagmagandang loob na ng ako eh.

"Tse!" Sabay walk out na naman. Bahala nga siya, maglilinis na lang ako ng bahay. Hindi pa naman ako tapos sa ginagawa ko sa taas. Tatapusin ko muna yun.

TIME: 12:30 PM

Katatapos lang naming dalawa, nakakain na rin. Hays, kapagod! Pero ang katabi ko parang walang kapaguran. "Uy! Shone! Nood tayo ng Anime!" Hmm. Ano bang magandang anime? Ah! Naruto!

"Sige! Basta naruto ha?" Naghanap siya ng naruto na cd. Nang makahanap sinalang niya kaagad at umupo na rin sa tabi ko. Ang ingay niyang manood nung nasa scene na kami na naglalaban si Pain at Hinata eh lalo siyang umingay.

"G@go ka talaga pain! kapag si Naruto nakatayo dyan. Lagot ka!" May pasuntok suntok pa siyang nalalaman. Haha. She's very annoying but somehow she looks cute! ^___^

Tapos nung nasaksak si Hinata, umiiyak naman siya. "Huhu! Walanghiya ka talaga pain! TT.TT" Hagulgol talaga kung hagulgol! Nakakabingi ang iyak niya. Ganito ba talaga umiyak ang mga babae? Ganito ba talaga Ms. Author?

( HAHA! Ewan ko? Naisip ko lang yan eh! Sorry po, epal lang ^___^V)

Umalis muna ako sa sala, may gagawin pa pala akong written report. Kailangan ko kasing tapusin yun.  Baka kagalitan ako ng mga groupmates ko. Actually, inako ko na lang lahat para magkapera rin ako. Hehe.

Mga alas-tres na yata ako natapos. Hindi ko na rin naririnig si Nam. Hays, buti na lang at tumigil na siya sa kakatili. Bumaba na rin ako baka kasi napano na yun hindi ko lang alam. Pagbaba ko, nakita ko siyang nakahiga sa sofa. Hmm. Ang himbing ng tulog niya ha? Napagod siguro kanina.

"Hmm.. Kaya mo yan Naruto! " Haha pati ba naman sa panaginip si Naruto pa rin ang napanaginipan Kakaiba talaga siya. Para siyang bata kung kumilos. Nakakapagtaka nga kung bakit naging playgirl siya eh. Binuhat ko na siya papuntang kwarto niya para makatulog ng maayos, ako na lang bahala sa pagluluto mamaya.

==========

TIME: 7:00

Nam's POV

Hmm.. Ang sarap namang matulog at ang lambot pa ng sofa. Teka? Bakit parang mas lumamig? Nagmulat ako ng mata. Nasa kwarto na pala ako? Sino kaya nagdala sa akin dito? Imposible namang mag-lakad ako ng nagiisa. ^___^V

Haish.. Kumukulo na tyan ko. Nagugutom na ako. Nakaluto na kaya si Shone? Kung hindi pa. Maghihintay pa ako. Arggh! Gutom na ako. Makababa na nga para matulungan na si Shone. 

Paglabas ko ng kwarto, pinuntahan ko yung kwarto ni Shone. Baka kasi nandun siya. "Shone!? Shone!?" Katok ako ng katok pero wala pa ring sumasagot. Hmm. Baka nasa baba siya. Pagdating ko sa may hagdan may narinig akong kumakanta.

♪♫♪♫♪

Sa lamig ng gabi

May pupuno ng puwang sa 'yong tabi

Pagmamahal ang tanging hatid

Patitingkarin ang 'yong kislap sa dilim

Malayo man, maihahatid din ng hangin

Ang mga hangarin ng puno ng pag-ibig

Si Shone kaya yun? Ang ganda talaga ng boses niya. Ang lamig pa rin katulad nung kinantahan niya ako sa may elevator nung nastock kami. Hays, di ako makapaniwala na makikita ko rin siya in person.

Ang pangarap ko'y para sa 'yo, nag-iisang bituin

Laman ng puso at damdamin ko, nag-iisang bituin

Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin

Dahil tayo'y nakatitik, sa iisang bituin.

Hindi ata niya ako napapansin. Tuloy pa rin kasi siya sa pagkanta. Grabe! Kakainlove talaga ang boses niya! *u*

Tanging hiling ng puso ko'y

Tibayan and loob sa 'yong mga pagsubok

Malayo man, maihahatid din ng hangin

Ang mga hangarin ng puno ng pag-ibig

Ang pangarap ko'y para sa 'yo, nag-iisang bituin

Laman ng puso at damdamin ko, nag-iisang bituin

Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin

Dahil tayo'y nakatitik, sa iisang bituin.

Hindi ko napansin na sumasabay na pala ako sa pagkanta niya, wala ng paki kung nawawala na ako sa tono. Basta gusto kong kumanta. Tumabi na rin ako sa tabi niya.

"Pfftt.." Narinig kong tawa niya. Wapakels! Gusto kong kumanta. Nung napansin niyang seryoso ako. Pinagpatuloy niya rin ang pagkanta. 

Hays, ang sarap ng ganito. Katabi mo ang taong mahalaga sa iyo. Hindi ko man alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon pero sigurado akong masaya yun! ^__^

=========

Happy Mother's Day to all mommies out there! :DD

A Playgirl Under My RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon