Chapter 7 [ Third Encounter ]

479 8 6
                                    

Dahil sa naiyak ako sa Voiceless ni Haveyouseenthisgirl kagabi at sa malawak na imhinasyon ni Aegyodaydreamer ay nainspired akong magupdate! Haha. :)) Haha . Update ulit! :)

------------------------------

Chapter 7

Nam's POV

Badtrip talaga! 2 days na akong grounded! Alam mo yun? G-R-O-U-N-D-E-D ! Grr.. Hindi ko naman ginustong mapaabot ako ng gabi dun sa elevator ah?! Argh.. Isa pa hindi man lang niya tinanong kung anong nangyare talaga sa akin? Amp. Ang baet niyang ama no? Nakakaasar.

Lutang akong naglalakad papuntang school paano kasi hindi na ako pinahatid ni daddy sa driver kaya ko na daw sarili ko. Ang init pa naman! My Gawd! Mamamatay ako sa kunsumisyon! 

TT.TT

You have a new message..

Sino naman to? Wag na wag akong aasarin ngayon at mukhang hindi ako magiging mabait ngayon. Tiningnan ko.

Fr: Tom

Can we meet Nam? I want to apologize? Please?!

Apologize? Dahil nga sa kanya kaya ako na grounded eh! Ano ba naman yan? Tapos ngayon patatawarin ko lang siya sa isang iglap lang at gusto pang magkita kami? Ano siya hello? 

O.o

Hindi ko siya nireplyan. Bahala siya sa buhay niya. We're through! At wala na dapat siyang asahan pa sa akin. 

Nakarating na ako sa tapat ng school. Argh! I'm so exhausted. Ngayon lang ako naging ganito sa tanang buhay ko. Grabe! Kung sino ata makatingin sa akin ngayon matatakot dahil sa hitsura ko. Namumula na ako sa init at sakit ng paa ko. 

Suddenly, may isang lalaking tumapat sa akin habang nagpapahinga ako. Tinitigan ko siya. Shocks! Ang gwapo. Bago kaya siya dito? Ngayon ko lang kasi siya nakita. Dahil tulala pa rin ako sa kanya, nahalata ata niya na nakatingin ako at tumingin din siya. 

Dug. Tug. Dug. Tug

Waah! Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Nakakahiya baka sabihing pinagnanasaan ko siya. Pero talagang gwapo talaga siya.

"Pftt.." Narinig kong nagchuckle siya. 

>//<

Ano ba? Wag mu naman akong pagtawanan. Sigaw ko sa isip ko. Namumula na siguro ako at lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. Mukha kaming tanga na nasa gitna ng daan nagpapahinga.

"Miss ok ka lang?" Tanong nung guy sa akin. Napansin ata niya na nagblublush ako.

"Ah eh! O-o. Ok lang talaga. Sige! " Pagkatapos kong sabihin yun. Tumakbo ako ng mabilis, as in mabilis talaga. Hinihingal na ako ng makapasok na ako sa room ko. Weird na kung weird! Basta nakatakas ako sa gwapong nilalang na yun. Nagpahinga ako sandali at dumating na rin si Ma'am Garcia. May sasabihin daw siya.

"Miss Ventura, mamaya pumunta ka sa office ni Dean. Ipapakilala daw niya ang bago mong tutor." Kaasar naman! Kailangan talaga sa buong klase? May galit ata to sa akin eh. Umoo na lang ako at ayaw kong mapaaway ngayon. Psh.

----------------------------------

After Class.

Papunta na sana ako sa office ng dean ng biglang humarang sa akin. Mga bata ni Troy!

"Anong kailangan niyo sa akin? Padaanin niyo nga ako. May pupuntahan pa ako." Nilagpasan ko sila. Hindi naman ako takot sa kanila. Bahag kaya buntot ng mga yan. Matapang lang yan kapag walang teacher pero kapag meron parang mga maamong tupa. 

A Playgirl Under My Roofحيث تعيش القصص. اكتشف الآن