Chapter 25: Kurt's Plan

Start from the beginning
                                    

“Magandang gabi din pero wala dito si Princess. Kakaalis lang. Hindi ko nga alam kung san nagpunta. Nagmamadali, ayoko sanang payagan pero nakaalis na.”

“Hindi po si Louise ang sadya ko. Kayo posana.”

Bakas sa mukha sa Daddy ni Louise ang pagkagulat dahil sa sinabi ko pero ayoko ng magpaligoy ligoy pa.

“Mukhang importante iyang sasabihin mo dahil at hindi ka na talaga nakapag-intay ng umaga. Cge pasok ka.”

Buti nalang talaga at wala si Louise ngayon. Ayokong malaman niya kaagad ang mgaplanoko. Sinundan ko lang ang Dad ni Louise hanggang sa makarating kami sa porch swing nila sa may garden.

“Maupo ka.” Mahinang utos nito.

“Ano iyong sadya mo sa’kin?” tanong niya habang tinabihan ako sa swing.

“Alam ko po magugulat kayo sa sasabihin ko pero talagang ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Aminado po akong nasaktan ko po ang anak niyo pero ayoko lang sanang dumating ang panahon na maging huli na ang lahat.”

Hindi nakapagsalita ang Dad ni Louise dahil siguro sa hindi niya naintindihan ang lahat ng sinabi ko. Kaya nilakasan ko na ang loob ko at pinagpatuloy ang sadya ko.

 

“Gusto ko po sanang hingin ang permiso niyo para makapanligaw kay Louise. Alam ko po magiging mahirap para sa inyo iyon pero desidido po ako at alam ko pong mahal na mahal ko ang anak niyo. Sigurado po ako sa nararamdaman ko.”

Deretso kong sinabi sa Daddy ni Louise. Kung hindi kami nakaupo ngayon, malamang hindi na ako kayang suportahan ng mga tuhod ko dahil sa labis na pangangatog nito.

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya dahil sa walang ka ekspre-ekpresyon ang mukha ng Daddy ni Louise.

Please payagan niyo po ako.

 

Mom, make him say yes.

“Hahahahahahhahahahaha….”

Hindi ko alam kung anong parte ng sinabi ko ang nakakatawa.

“Alam mo Alexander, nong una palang kitang nakita alam ko ng may gusto ka sa anak ko. Hindi ko lang agad sinabi sa’yo. Kitang kita kasi sa mga mata mo ang nararamdaman mo. Ano naman sa tingin mo ang dahilan para…

Hindi ako pumayag?”

Pakiramdam ko biglang huminto ang tibok ng puso ko. Akala ko talaga hindi na papayag ang Daddy ni Louise.

“Kung iyong isang manliligaw nga ni Princess binigyan ko ng pagkakataon ikaw pa kaya? Dahil bias ako, bibigyan kita ng tip. Sigurado ako, mapapasagot mo ang Prinsesa ko pag ito ang gagawin mo.”

Bigla nalang inilapit ng Daddy ni Louise ang mukha niya sa tenga ko para ibulong sa’kin angplanoniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang ibulong iyon eh kaming dalawa lang naman ang andito sa may garden nila.

“Po? Sigurado ka po Sir? Nakakahiya naman iyon.”

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ng Daddy ni Louise. Sigurado ba siya don oh gusto niya lang ipahiya ako kay Louise?

“Kung ayaw mong tanggapin ang tip ko, ikaw ang bahala pero sigurado akong mapapasagot mo agad ang anak ko don.”

Nakakahiya talaga iyon. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang gawin iyon pero kung talaga iyon lang ang paraan para sagutin agad ako ni Louise, dapat siguro gawin ko.

“Sige po Sir. Gagawin ko po.Sanapo tulungan niyo ako.”

Mahina kong sabi sa Dad ni Louise.

“Good! That’s my boy! Huwag kang mag-alala tutulungan kita. Sagot kita eh.”

Nakangiting sabi nito habang tinapik tapik niya ang kanang balikat ko.

“Kukunin ko lang iyong mga gagamitin mo bukas. Sigurado akong magkakasya sa’yo iyon.”

Tumayo na agad ang Daddy ni Kurt at pumasok sa loob nila. Mga ilang minuto din ang lumipas bago ito lumabas ulit habang dala dala iyong prop na binulong niya sa’kin.

“Maniwala ka sa’kin boy ito and makakapagpapasagot kay Princess. Dahil dito, magpapasalat ka talaga sa’kin. Bilisan mo na at isakay mo na ito sa kotse mo bago pa dumating si Louise.”

Kinuha ko na iyong prop sa Daddy ni Louise saka nagpaalam sa kanya. Isinakay ko na iyong prop sa kotse ko sa ako umuwi ng bahay.

Kailangan ko ng gawin ito sa lalong madaling panahon bago pa ako maunahan ng kung sino man lang. Tinignan ko sa rearview mirror ko ang prop.

Ikaw na ba talaga ang susi para sagutin ako ni Louise?

 


 

 AN: Special thank you kay Yhan Yhan.. ^__^ :*

 

The Princess' Heart (Completed)Where stories live. Discover now