Chapter 25: Kurt's Plan

Start from the beginning
                                    

 

 

..TPH..

 

 

“Sigurado ka ba dito pare?”

 

Tanong ko kay Andrey habang nasa loob kami ng petshop.

 

“Wala ka naman atang tiwala sa’kin pre. Syempre kapatid ko iyon kaya alam ko kung anong makakapagpasaya sa kanya. At isa pa, titigan mo ng mabuti ang pusa. Hindi ba may kamukha siya?”

 

Sabi ni Andrey habang tinituro niya iyong mukha ng pusa. Inilapit ko naman ang mukha ko para makita ng maayos ang mukha ng pusa. Iyong tipong  naka eye to eye contact na kami.

 

“May kamukha ba siya? Baka iyong kapatid niya ding pusa kung sakali mang may kapatid siya.”

 

Sagot ko habang hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa pusa.

 

“Hahaha.. Titigan mo ng maayos. Kamukha ni Princess. Hahaha..”

 

Ang lakas ng tawa ni Andrey. Halos mabiyak na ang pader ng shop dahil sa lakas ng tawa niya at nakahawak pa talaga siya sa tiyan niya.

 

Tinitigan ko ulit iyong pusa.

 

“Kamukha mo ba talaga si Louise?”

 

*Meow*

 

“O sabi sa’yo eh..hahaha”

 

Dahil nga sa mas alam ni Andrey ang gusto ng kapatid niya, binili ko na iyong pusa para ibigay kay Louise.

 

“Oh tinulungan na kita ha. Sigurado ako sasagutin ka din non. Dahan dahan ka lang sa panliligaw mo para hindi mabigla iyon.”

 

Dahil sa tulong ni Andrey, sinamahan ko na muna siya para bumili din ng regalo para kay Eli. Babalikan nalang namin iyong pusa mamaya pero pagbalik ko, hindi ko inasahan na makikita ko si Louise don. Hindi sana sa ganung paraan ko gustong ibigay si Misha pero talagang inatake ako ng kaba ko at nangatog na iyong mga binti ko.

 

 

 

 

..TPH..

 

 

“Oh Alexander bakit andito ka?”

Pinagbuksan ako ng gate ng Dad ni Louise pagkatapos kong mag doorbell ng dalawang beses.

“Magandang gabi po Sir.”

Bati ko sa kanya habang iniyuko ko ang ulo ko.

The Princess' Heart (Completed)Where stories live. Discover now