Chapter 1

1.9K 18 9
                                    

halata ang panginginig ng babaeng nakaluhod sa harapan ko. 

"Ang kapal-kapal na nga ng salamin mong tanga ka!  hindi mo pa ko nakita" taas kilay kong saad sa kanya.  hindi ko alam kung tanga siya o tanga lang talaga siya!  Ang daming puwedeng banggain ako pa talaga ang napili niya!  ang lagkit ko tuloy! tangang to!  sana binato niya na lang sakin yung cake na hawak niya!  Uggh! 

"H-hindi ko talaga sinasadya bayolet!patawarin mo ako" saad niya na nginginig pa ang boses.  What a loser! 

"So kasalanan ko?" I sarcastically asked.

I don't care kung lahat ng tao ngayon sa cafeteria samin nakatingin.

"K-kasalanan ko!  kasalanan ko sorry talaga!"
Kitang kita ang takot sa mukha niya.

pathetic loser.

Mga taong katulad niya ang pinaka ayoko sa lahat. Mga taong hindi kayang ipaglaban ang mga sarili Yung mas gugustuhin na kaawaan kaysa lumaban. 

Dinampot ko yung cake sa sahig sabay laglag sa ulo niya.  Nakakairita yung buhok niya eh!  naka braid pa.  talagang kinarir niya pagiging nerd looking niya.  Ang sakit niya sa mata!

"Shuu!" I said sabay sipa sa kanya.  Not so hard naman,  medyo lang.  Tumingin ako sa paligid ko.  "Tapos na yung show" taas noong sabi ko bago lumabas sa cafeteria. 

Inis na tinatanggal ko ang icecing sa uniform ko habang naglalakad.  Badtrip! sinira niya ang umaga ako! 

"OMG V!  What happened to you?" kumunot ang noo ko.  Sino to? 

"Go away bitch. " Nilagpasan ko siya.  Feeling close I don't even know her. basta classmate ko siya and Onetime nakasama ko siya sa isang party I think.  I don't remember.  I don't care naman kase. 

Marami akong friends.  Fake friends though. mga dumidikit lang saken kase mayaman ako at ayaw maging kaaway ko. 

well!  kame lang naman ang may ari ng school na to at number 1 bully ako dito.  kahit mga teacher dito walang palag sakin. Walang kayang kumalaban sa isang VIOLET OXFORD no! 

"Wait V!  San ka pupunta?  hindi pa tapos class natin ha!" habol pa niya.

"Mind your own fucking business. "  I said without looking back. 

Gusto kong mag shower ngayon,  So I decided to go home.  Sana lang wala ang daddy ko sa bahay.  kontrabida yon eh! Pero pagdating sa brother ko di naman siya mahigpit di tulad ng pag hihigpit at pag control niya sa buhay ko.

Pero as if naman macocontrol niya ko! 

Lahat ng ginagawa ko lagi siyang may say!  nakakairita! 

Sinenyasan ko ang driver ko ng makita ko siya. 

"Let's go home." tumango siya then pinaandar na ang sasakyan. 

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan tapos pinikit ko ang mata ko.  Last year pa bumukod si kuya green pagkatapos nilang makagraduate ni grey.  Siya na rin ang humahawak ngayon sa company ni daddy.  Dalawa lang kame mag kapatid kaya siya talaga lahat ang hahawak non.  Poor him,  ang bata pa niya pero tinali na siya ni daddy sa malaking responsibility. ako kaya Anong plano niya sa buhay---

"What the fuck!" sigaw ko sa biglang pag preno niya. buti na lang papalabas pa lang kame ng gate sa school kaya medyo mabagal pa ang andar namin.

"M-maam may nabangga yata ako" namumutla yung mukha niya habang nakatingin sakin. 

"Tsk!  tignan mo kung buhay pa." iritang sabi ko sabay sandal ulit.  "Dalian mo!  gusto ko ng mag shower. " pipikit na sana ako ng magsalita ulit siya. 

"P-paano po kung patay na maam?  ayokong makulong may mga anak ako maam na sakin lang umaasa,  Dyosko po maam anong gagawin ko"

"Letche kuya!  papalibing ko!" Pero mukhang wala pa rin siyang balak umabas ng sasakyan.  Padabog akong lumabas ng sasakyan. 

Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa sahig malapit sa bumper ng sasakyan. nakatingin siya sa siko niyang may sugat. Tinignan ko ang driver ko sabay senyas na lumabas sa sasakyan pero ang walangya todo iling sakin.   tinignan ko siya ng masama tapos binalik ang tingin sa lalaking nabangga niya.

"Get up.  hinaharangan mo ang daanan" umangat ang tingin niya sakin tapos pinasingkit niya ang mata niya.

"Okay lang ako bayolet" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.  Bayolet?  Inangat niya ang salamin niyang may crack then he smile.

"I don't care So get the fuck up.  nakaharang ka"

"Ahh,  Sorry!" mabilis siyang tumayo tapos pinagpagan ang pants niya bago umalis sa harapan ng car ko.  Bakit ba nakangiti  ang tangang to?  tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.  nakasuot siya ng uniform katulad sa school ko. 

Nag isang linya ang lips ko tapos bumalik ako sa sasakyan. Uso ba nerd today at puro nerd ang nababangga ko?  umiling ako. 

"Let's go. " I said.

"O-okay lang ba siya maam? hindi ba natin siya kailangan dadalhin sa hospital? " tarantang tanong ng driver ko.  tinignan ko siya.

"Kapag hindi mo pa pinaandar ang sasakyan ikaw ang dadalhin ko sa hospital."

"Y-yes maam!"

nakita ko sa gilid ng mata ko na kumakaway yung lalaking nabangga namin sakin bago namin siya malagpasan.

Siguro tinamaan namin ang ulo niya nang mabangga namin siya.  baliw eh!  uggh!  Sinayang niya oras ko! 

 

Pagpasok ko sa mansion namin katahimikan ang bumungad sakin.  Ang ganda tignan pero napaboring ng bahay na to. kung hindi lang maliwanag puwede ng pang horror movie. 

Nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.
"Bakit andito ka?  diba dapat nasa school ka pa? " kahit hindi ako lumingon alam ko na kung sino yon sa tono pa lang ng boses niya.

Great! 

nilagpasan niya ako bago humarap sakin Tinignan niya ang maruming uniform ko. I hate it when he is looking at me.  kitang-kita kase sa mata niya ang disappointment sakin.  kahit nga wala akong gawin ganon pa rin ang pinapakita niya sakin. 

"Not feeling well,  Dad. " sagot ko akmang aalis na ko ng muli siyang magsalita.

"May pag-uusapan tayo, Sumunod ka sakin." utos niya. akmang aalis na siya pero napahinto rin ng sumagot ako.

"Later dad" 

"Now. "

Binaliwala ko ang sinabi niya at dumiretso paakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko. Ayoko siya kausapin!  everytime na naguusap kami nag aaway lang kami Walang time na hindi kami nagbabanggaan ng matandang yon.  Ayaw magpatalo eh!  ugggh! 

hindi ba puwede na Bahala siya sa buhay niya at bahala ako sa buhay ko? basic!


















-----


















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VIOLET (TheBadAssBITCH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon