Kabanata 1

6.5K 132 19
                                        

#UnexpectedStranger

      Sobra saya ko ngayong araw na 'to. Because finally naka tapos na rin ako sa college! Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga ng maganda ang lahat nang pinapaguran mo sa nakalipas na apat na taon. Oh my god ang sarap tumalon! Sabay sabay naming ihinagis ng mga co graduates ko ang graduation cap namin. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? E halos igapang ko na yung last year ko sa UP. Sobra nga ang iyak ni Nanay nung malaman niyang Cum Laude ako sa kursong Accountancy. Gift ko na 'to kay Nanay dahil sa angkan namin ako lang ang nakapagtapos ng college.

     "Congratulations Ate!" bati ni Mikee na bunso kong kapatid. Yinakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko naman.

     "Nay tara po group hug tayo!" pag-aya ko kay Nanay na nakatayo lang at pinagmamasdan kami ni Mikee. Nakijoin na rin si Nanay habang di niya mapigilan ang maiyak.

     "Sobrang proud ako sayo anak! Salamat at tinupad mo ang pangako mo."

     "Sabi ko naman Nay tiwala lang di ba?" sabi ko sa kanya at pinahid ang luha niya gamit ang hinlalaki ng daliri ko. Tumango siya at muli akong yinakap. Lumapad naman ang ngiti sa mukha ko nang makita ko nang paparating si Rj.

      "Oy Ate si Prince Charming mo paparating na." kilig na sabi ni Mikee. Di ko naman maitago ang kilig dahil sobra kong mahal ang lalaking papalapit sa amin ngayon. Ewan ko ba pero sobrang patay na patay ako kay Rj. Siya iyong first boyfriend ko at 3 years na rin kaming in a relationship.

     "Congratulations Babe!" sabi niya sabay abot ng flowers and he kiss me on my cheek. "Babe sorry nalate ako. Dinaanan ko pa kasi iyong gift ni Mama para sa atin." nakangiting sabi ni Rj. Nagtaka naman ako sa word na sa atin.

      "Thank you Babe. So tara sa house? Nagluto si Nanay ng pansit at biko."

      "Uhmm Nay Sonya pwede ko po munang isama si Jade? Uuwi din po kami agad? May gusto lang po sana akong ipakita sa kanya." napakunot ang noo ko nung ipaalam ako ni Rj kay Nanay.

      "Oo naman Rj basta umuwi kayo agad ah? Baka mapanis yung mga linuto ko." agad tumango si Rj at kinuha ang kamay ko.

      "Opo Nay!" tumingin sa akin si Rj at ngumiti. "Let's go Babe?" I nodded and he smiled. But somehow, something felt weird.

      Sumakay kami sa kotse niya at habang nagdidrive siya hindi maalis ang mga ngiti sa mukha niya. Rj was humming to his favorite song. Iyong Ikaw Ang Pangarap ni Ogie Alcasid. Grabe, simula nung maging kami kinakanta niya na talaga 'to.

     "Saan ba tayo pupunta?" i asked.

     "Secret." he said and smiled. "Babe gusto mo na bang kumain ng Italian pasta tapos uminom ng suisse mocha? Don sa paborito nating restaurant café, bago tayo pumunta don sa pupuntahan natin?" tumango nalang ako, kahit minsan pakiramdam ko nakakasawa na. Pero sa totoo lang paborito ko talaga yung Italian pasta tapos suisse mocha. For 3 years lagi na naming kinakain yon ni Rj after ng school hour. Wala namang pinagbago sa dati naming kinakain.

      Dumaan kami ni Rj sa café. Omorder agad siya habang ako naghanap na ng mesa na popwestuhan namin. While waiting to Rj, may pumukaw ng atensyon ko. Isang babae na tinapunan ng frappe sa dibdib niya. Galit na galit yung girl samantalang yung tinapunan chill lang. Grabe siya oh, parang walang nangyari.

      "How dare you! Ang kapal ng mukha mo para ipagpalit ako sa babaeng 'to!" pasigaw na sabi nung babae, so lesbian yung girl na sobrang chill lang. Grabe na talaga ang panahon ngayon, bumabaliktad at bumabaluktot pati mga babae. Halos pinagtitinginan na nga sila nung ibang tao sa loob ng resto, pero yung girl na tinapunan ng frappe parang patay na wala nang pakiramdam sa paligid niya.

UNEXPECTEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang