Chapter 5: Another Mystery to Unfold

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinayaan kami ng air goddess na uminom sa bukal. Kahit nagtataka sina Akira at Xavier ay sinunod nila ang air goddess. Unti-unting naghilom ang mga sugat namin sa katawan. Maging ang pananakit ng likod ko ay nawala na rin. Halata sa mga mukha nina Akira ang pagkagulat. Napangiti ako sa reaksiyon nila at marahang napailing.

Ibinaling ko ang paningin sa air goddess na marahang nakangiti sa'min.

"Pwede na po ba naming malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Selene?" pakiusap ko sa air goddess. Unti-unting lumungkot ang ekspresiyon ng mukha ng air goddess. Sinenyasan niya kami na sumunod sa kanya. Kinakabahang nagkatinginan kami nina Xavier at Akira. Sana maging malinaw na sa'min ang lahat.

Nang makabalik kami sa kinaroroonan nina Clauss, tuwang-tuwang nilalaro nina Claudette at Felicity ang mga baby dragons. Seryoso namang napalingon sa'min si Clauss na nakaupo lang sa isang malapad na bato.

"I'm sorry for what happened to Selene," bungad ng god of nothingness. "Hindi namin inaasahang makukuha siya mula sa pangangalaga namin."

"Ano po ang nangyari? You told me that you will do your best to save her. That I have to give you time because you don't know if she can still be revived from death," Akira frustratedly said. Akira looked at the earth god asking for an acceptable answer. Halatang kinokontrol niya ang galit na nararamdaman niya dahil inirerespeto pa rin niya ang mga gods.

Napabuntong-hininga ang earth god. "Hindi namin ginusto ang nangyari. We didn't expect that someone was planning to take away Selene from our territory."

Nagsalita ang air goddess kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Hayaan niyong ipaliwanag ko sa inyong lahat ang mga nangyari. We brought the baby dragons here in the island with Selene. We have to revive her because the water goddess was trapped inside her soul. Kailangan naming maibalik ang water goddess para magkaroon ng balanse ang bawat elemento sa buong mundo. Inilagay namin ang bangkay ni Selene sa sacred house ng water goddess na nasa gitna ng teritoryo nito para sa mabilis niyang pagkabuhay."

Mataman kaming nakikinig sa sinasabi ng air goddess. Walang nagtatangkang magsalita o magtanong ni isa man sa'min. Napatigil na rin sa paglalaro ang mga dragons at sina Claudette. 

"We successfully restored Selene's body with our combined power but not her spirit and the water goddess. Her heart was not beating. Halos isang taon na pero wala pa ring nangyayari. Hindi namin alam kung ano ang kulang sa paraang ginagawa namin. Unti-unti na rin kaming nawawalan ng pag-asa na mabubuhay pa namin siya. Nag-aalala na rin kami dahil unti-unti nang natutuyo ang tubig sa teritoryo ng water goddess. Tiyak na malapit nang maaapektuhan ang mundo sa nangyayari. Because there's no time left for us to save her, we check all the spirits containing magical powers to revive her. We realized that the electomagnetic pulses from Jigger's power can restore her heartbeat. Mabuti na lang nakuha namin lahat ng magical spirits mula sa mga tao. Nakikita niyo naman siguro ang mga kumikislap na liwanag sa buong paligid. Sila ang mga magical spirits na tinutukoy ko," paliwanag ng air goddess.

Kaya pala may mga munting liwanag na umiikot sa buong paligid. Sila pala ang mga magical spirits.

"We used the electromagnetic pulses that were enough to revive her heartbeat. Natuwa kami nang makita namin ang unti-unting paggalaw ng mga daliri niya pero hindi pa siya tuluyang nagigising. Alam namin na buhay na siya at may pag-asang magising muli ang water goddess. Alam din namin na hindi agad makaka-recover ang katawan niya kaya kailangan pa niya nang mahabang panahon para maayos na makakilos. Hinayaan namin na bantayan siya ng mga magical spirits na tutulong sa kanya sa mabilis na paggaling," patuloy na kwento ng air goddess. 

Saglit na tumigil sa pagkukwento ang air goddess. Kami naman ay naghihintay na nang sunod niyang sasabihin. Napabuntong-hininga muna ang air goddess bago niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "It was in the middle of the night when the magical spirits panicked. Hindi namin alam kung bakit sila nagkakagulo basta iginigiya lang nila kami patungo sa sacred house ng water goddess. Nakita namin si Selene na nakalubog na ang halos buo niyang katawan sa isang black hole na hindi namin alam kung saan nanggaling. May mga magical spirits na gumagamit na ng mga kapangyarihan nila pero hindi tumatalab dahil kinakain lang ito ng black hole. Nang akmang hihilahin na namin siya palayo sa black hole, nawala na itong parang bula kasama si Selene," pagtatapos ng air goddess sa kwento niya. Naisip ko agad na si Jeanne marahil ang kumuha kay Selene.

Nagsalita ang earth god kaya hindi na kami nakapagsalita pa. "Noong una, may hinala na kami kung sino ang kumuha kay Selene. Ang hinala namin, kagagawan ito ng King of Darkness. Naisip namin na gumaganti siya dahil sa nangyari sa King of Death na isa sa mga nasasakupan ng kapangyarihan niya. Ang katotohanan, hindi pa patay ang King of Death. It is impossible to kill someone who's already the king of the deads. He's a spirit but his power was already sealed. Hindi na siya makakapaghasik ng kasamaan sa mundo. Maaari na lang niyang gamitin ang kapangyarihan niya sa teritoryo niya na nasa kabilang buhay. Dahil kailangan naming mabawi ang water goddess, binalak naming bigyan kayo ng misyon. Pero nang malaman namin ang tungkol sa isang babae na nagtataglay ng kapangyarihan ng kadiliman at kasama pa si Selene, napagpasyahan naming ipasundo kayo sa mga dragon. Hindi namin inaasahang mapapasabak agad kayo sa isang labanan, mabuti na lang nautusan agad namin ang mga dragon na hanapin kayo."

Lahat kami naguluhan at nagulat sa sinabi niya. Ang akala ko, wala na ang King of Death. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi na niya magagamit ang kapangyarihan niya sa mga tao. Ang bumabagabag sa isip ko ngayon ay tungkol sa King of Darkness na nabanggit ng earth god. Kung sakop ng kapangyarihan nito ang King of Death, ibig sabihin mas mahirap itong kalabanin!

Nagsalita ang fire god na lalong gumulo sa utak namin. "It's funny that there are people from the future who want to mess with someone else's past," naiiling at makahulugang wika ng fire god. Tahimik lang ang mga gods sa sinabi niya. Tila sumasang-ayon ang mga ito sa kanya.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin na tao mula sa hinaharap? Naguguluhang napalingon ako kay Clauss na tila nag-iisip nang malalim. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Marami pang hindi sinasabi ang mga gods sa'min na kailangan naming malaman.

"Now, we will give you a mission to bring back the water goddess. Unti-unti na kasing nasisira ang balanse ng mga elemento sa mundo. Kailangan natin siya para hindi matuyo iba't ibang bahagi ng tubig na kailangan ng mga tao para mabuhay. Hindi pa siya nagigising nang lubusan dahil mula sa evil water goddess ang kapangyarihang kinokontrol ni Selene ngayon. Don't be confused. You must know that everyone has good and evil sides residing in themselves," seryosong wika ng god of nothingness.

------------------------------

IMPORTANT NOTE: 

I'm reviewng for the board exam this September. Medyo nabawasan ang internet activities. Maging ang mga updates ko, mabagal na. I need to focus. Mahirap din kasi ang board exam. Haha! Pasensya na kung hindi mabilis ang UD. Sobrang busy lang talaga. Bear with me, please.

Thanks nga pala sa lahat ng nagbabasa ng WMA and other stories ko. Ingat kayong lahat. God Bless ^^

P.S. 

I'm not sure kung magugustuhan niyo ang update ko. But I hope so.. 

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon