BORING!
That's my life.
For the past 19 years wala pang nangyayare sa buhay ko na masasabi kong EXCITING!!!
Or I must say dahil sa kababasa ko ng kung anu anong stories in different genres nilalamon na ko ng Sistema. Nabubuhay ako sa mundo na okay lang saken walang boyfriend basta may kakikiligang Male lead character sa story na babasahin ko. Yung okay na saken na kahit di lumabas ng kuwarto basta hawak ko lang yung librong binabasa ko. Yung tipong mas mahaba pa yung oras ko ng pagbabasa ng stories kesa pagbabasa ng irereport ko sa klase or notes para sa quizzes or any kind of test na itetake ko. At matutulog ka na ng madaling araw kahit maaga ang pasok mo.
That's the scenario always happening in my everyday life.
"Okay class dismiss!" sabi ng professor ko. Nagulat pa ko kase tapos na pala yung klase?
"Maze! Ano? Tara na maraming tao sa Cafeteria mahirap makipagsiksikan kaya Dalian mo!" Sigaw ni Misha na akala mo mauubusan ng pagkain.
"Misha okay lang naman kahit wag na tayong dumiretso sa cafeteria sa labas nalang tayo kumain. Wala naman na tayong next na subject." Sabi ni Seff.
They are my friends Misha and Seff REAL friends at bakit ko nasabi yun?
Kase kapag may kapalpakan akong nagawa isisigaw talaga nila saken na ang tanga ko. At halos lahat na ng nakakainsultong salita sasabihin nila sa aken matauhan lang ako. Ganun naman talaga e. kung sino pa yung magsasabi sayo ng mga magagandang bagay yun pa yung di nagsasabi ng totoo tinatakpan lang nila ng filter yung mga bibig nila at kung sino yung mga taong madalas kang nilalait either biro lang sa kanila iyon o tinutulungan ka lang nilang magising sa katotohanan.
Since first year college magkakaklase na kame oh! By the way we are taking up Education, BSE English hindi dahil sa wala kaming maisip. kundi dahil nag isip kami! Hindi naman kase madali itong field na pinili namin.
"San tayo kakain?" Misha.
"Jollibee nalang?" tanong ko.
"Tara!" Seff.
Pumara na kame ng jeep para makapunta ng mall. At nang nasa mall na kame dumiretso agad kame sa Jollibee kase itong si Misha paran di pinapakaen sa kanila.
"Dapat pala nag inasal nalang tayo no?" Misha.
"Di ka parin busog ano bang Tiyan mer-" naputol ang sasabihin ko nang may tumawag sa phone ko. Sinenyasan ko naman sila Misha at Seff na sasagutin ko lang at wag sila gaanong maingay tumango naman sila.
Nang tingnan ko ang screen ng phone ko nakita kong si mama ang tumatawag.
"Ma bakit po?" tanong ko.
"Maze anak nasan ka? Diba wala ka ng pasok ngayon?" bungad saken ni mama parang may kakaiba sa boses niya parang galing sa iyak?
"Hmm. Opo ma kumain lang po kame nila Misha at Seff sa labas." Sagot ko.
"Ganun ba? Ahh.. pwede bang umuwi ka na ngayon may importante lang kase akong sasabihin?" Sabe ni mama. Kapag sinabe ni mama na importante she really mean it. Kaya parang kinabahan ako.
"Opo. Uuwi na po ako!" sagot ko at ibinaba na ni mama sa kabilang linya. "Girls! Kelangan ko ng umuwi may sasabihin daw si mama na importante kay byee!" I Kissed them on their cheeks at umalis na.
Pagkauwi ko sa bahay nagulat ako kase marami akong nakitang karton na nasa sala wala naren yung mga gamit na nakalagay sa mga Cabinet.
"Ma baket po nakakarton yung ibang gamit natin?" tanong ko kay mama na patuloy na nililigpit yung mga natira pang gamit.
YOU ARE READING
Chase
General FictionINTRODUCTION I am now looking at him... How I missed him! I want to hug him but I need to stop myself because it's very impossible... Because what we had in the past must stay in the past. This is a story of Maze and Venn on how they will love each...
