"Eh kasi.. Hindi na nagpaparamdam si Carlo.."

"Huwat?!?!"

"Si BFF wagas palagi!"

"Bakit? Anong nangyari dun? Wala na ba kayo?"

"Syempre kami pa! Walang official breakup! And I'm not looking forward to that. Ewan dun. Pupuntahan ko nga siya mamaya eh."

"Ganun? Ewan mo na lang? Ganun na lang yun? Ookrayin ko talaga yun! Gusto mo samahan kita?"

"Sige!"

"Gusto mo siopao?" Aww. T^T Kahit kelan talaga, alam ni BFF ang magpapakalma at magpapasaya sa akin. Ang pinakamamahal kong siopao. ^____^ Ganun din siya eh. Si BFF kapag malungkot yan pinapadeliveran ko kaagad ng cheeseburger ng restau namin kahit nasaan siya. ^_____^

"Sus wag na. Bubundatin mo lang ako eh. Okay na ako..." Tapos hinug ko siya. ^___^ Feels so good to have a bestfriend.

Tapos pumunta na kami sa room namin.

"Good morning class. I'm Mr. Lope Salazar and I will be--"

Nikki: "Such accent!"

Whole class: "Hahahahahhahahahahaha!"

Nyaks nakakahiya si classmate! Sumigaw ba naman sa buong class! Pati si Sir Pogi napatigil wahahaha! Kahiya! Ayun napatakbo na lang siya sa CR. Tsk tsk tsk.

"A-ah. Ehem. I'm Lope Salazar and I will be your new professor for your subject Room Service."

Ang pogi ni Sir! Ayun nag-discuss lang siya nang nag-discuss. Lively na lively ang meeting namin! Starstruck talaga kami!

Sumapit ang 3:00pm na bagot na bagot ako sa mga subjects ko! Except sa subject ni Sir Lope syemperz! Pati nga si Ma'am Chloe nastarstruck eh!

Nung dismissal na, nagpunta kami dun sa soccer field ni BFF. Madaming puno dun eh. Kinwento niya sa akin lahat ng nangyari sa date nila ni Jasper, tapos ako kinwento ko sa kanya yung engagement namin ni Jacob. Gulat na gulat nga daw siya eh! Kasi magiging magpinsan daw kami! Kasi sabi ni Jasper pinsan niya daw si Jacob.

Binatukan ko nga.

Tapos eto na naman! Tsk. Andito na naman ang mahahaderang Cynelle at Jaevinne na to. >O< Eh kasi kanina nakasalubong lang naman namin sina Russell at Andrew sa cafeteria. Nagngitian lang naman kami masama ba yun?

(A/N: Diba readers hindi naman? Diba diba?)

Sorry naman sumesegway lang.

C: "Ang flirt niyo talaga noh?"

J: "How many times do we have to tell you to stay away from--"

"Bunny!"

"Ayt? Stay away from bunny? Hahahaha bopols naman yun!" Yung words naman ni BFF dalisay.

Bigla lang namang dumating si "Fiancee". Hingal na hingal. Bakit kaya?

*GASP*

Eh kasi susunduin nga daw pala niya ako! Shiz I forgot!

C & J: "Hi Jacob!"

Nagroll na lang ako ng eyes. Tsk. Buti naman umalis na sila.

"Nan.. Dito.. Ka lang.. Pala.. Haaaaaah.. Haaaaaah.."

"Ah, eh.."

"I O U.. Oo nga.. Vowels yun.. Haaaaah!"

"Eh, teka bakit ka ba nandito? Dismissal niyo na ah. Umuwi ka na."

Tapos hinawakan niya ako sa kamay. Now our hands are intertwined. >////<

"T-teka saan tayo pupunta?"

"Diba sabi ko sayo susunduin kita?" Parang ang lungkot yata ni Jacob?

"May pupuntahan pa kami ni BFF eh."

"Eh di sasamahan! Nga pala BFF e-este Dianne ay ano ba yan! Dianne si Jasper hinahanap ka."

Nyaks namula naman si bessie! Tapos bigla nagring yung phone niya, si Jasper daw! *u* Magkikita na naman tong dalawang to. Harut! Hahaha! Umalis na si BFF, kami na lang ni Jacob dito sa ilalim ng puno.

Teka! Paano yung pupuntahan namin ni BFF?!

Hahabulin ko sana siya kaso malayo na siya. (__ __ ")

"Saan ba yung pupuntahan mo Fiancee?" Ay nakahawak pa pala to sa akin. Aish Jacob ayan ka na naman!

"Ah, kay.. Kay.."

"Ang tanong ko pala dapat ay 'Sino ang pupuntahan mo'."

"Si Carlo."

"Sino naman yun?"

"Kung Fiancee kita, boyfriend ko siya."

Tapos mas lumungkot yung hitsura niya. Bakit kaya?

-------------------------

Ang aga ko nagsulat hehehe. Bilang pasasalamat sa mga taong nakikita ko sa news feed ko na naglalagay ng story ko sa RL nila, at sa mga fans. Salamat po talaga! <3

Ayan pwede na po magvote. PERO! Kung nagustuhan lang po. Okidoki?

Ikaw Na. Ikaw Pa Rin. Ikaw Lang Talaga. (Slow Update)Where stories live. Discover now