C: "Denial queen ka rin pala eh!"

J: "Eh sa totoo lang, yung flirt lang naman ang totoo sa mga sinabi namin eh!"

Me: "Hey ano ba! I'm not up for a fight! Pwede ba!"

J: "If you aren't up for a fight, stay away from my Andrew!"

C: "And stay away from my Russell! Ang flirt mo!"

J: "Then we'll just see you around with Jacob?! My God sabit ka ng bayan!"

Me: "My God bakit ganyan ang mentality niyo! Do you even know what you're saying?!"

J: "Of course we do!"

C: "If we see you talking or even staying near our guys--"

Me: "What? What are you gonna do? Huh? Hurt me? Giving nonsense threats eh? Are you afraid Russell and Andrew like me?"

C: "How dare you!"

Sasabunutan na sana ako ni Cynelle pero bigla niya hinawakan yung sides ng eyes niya. Wrinkles! Hahaha! Naglakad na ako nang mabilis palayo sa kanila. Parang lakad na takbo. Basta ang bilis ko.

Yung dalawang babaeng yun, sa pagkakaalam ko mababait yung mga yun eh.

Kasi si Cynelle, classmate siya ng pinsan kong si Nicole Joy sa States. Oo nakita ko na siya before, pero hindi niya ako nakita nun. Program nila nun eh, tapos nanalo si Cynelle sa painting contest. Ang ganda nung artwork niyan!

Tapos si Jaevinne, kaibigan daw ni Cynelle yan sa States. Parang familiar nga siya sa akin eh. Hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan ko siya nakita. Basta she looks so familiar. Siguro pag napuntahan ko ulit yung place kung saan ko siya nakita, baka maalala ko.

Dumeretso na ako sa first subject ko. Room Service! Waaah yung bago yung prof namin! Waaaahh! Ano kaya pangalan nila? Gaganahan ako neto sa subj--

Wow may guwapo sa tapat ng Faculty room! My God gini-greet siya ng bawat student at teacher! Siya kaya yun? Yung bago kong prof? Pero.. Pero.. Masyadong..

Gwapo! At bata! Ampogi kaya! Waaah! Ampogi talaga! Ampogi pogi! Pogi!

"Huy!"

"Ay pogi! Susmiyo BFF papatayin mo ako sa atake sa puso!"

"Eh halos kusutin at punit-punitin mo na yang folder mo ah! Di yan lalaban teh! Patawarin! May kagat-labi ka pa diyan sige lumiyad ka tapos ibirit mo yung kanta ng Eat Bulaga."

"Oo na. Ikaw na mahadera. Daldal neto halika na nga!"

"Oh pumutok na naman butchi mo bakit ba? Sino ba tinitignan mo? Yang mga mata mo akala mo nakuryente na. Nag-s-spark!"

"Gwapo ba naman ang makita ko! Hoy babae may utang kang kwento sa akin! Anyare sa we're-out-on-a-date drama niyo ni Papa Jasper?"

"Hoy ikaw din may utang na kwento sa akin! Anyareh sa we're-out-on-a-date dramaluh niyo ng pamilya mo?"

"Oh halika magbayaran na tayo ng utang!"

"Cutting na!"

"Princess Diana--"

*PAK*

"Aray! Sabi ko Princess Dianne! Di pwede magcutting! May bagong prof! Sayang ang scent niya sisinghutin ko pa!"

"Gaga ka si Carlo ang ganyanin mo!"

T^T

"Oh? Bakit lumungkot ang fez mo?" Papunta na kami ngayon sa building namin. 6th floor. -_____- Sana pumasok naman sa kukote ng director ng school na to ang salitang 'elevator' o kahit 'escalator' man lang.

Ikaw Na. Ikaw Pa Rin. Ikaw Lang Talaga. (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon