“Teka lang, Mamerto,” pigil niya.

Tumigil sila sa paglalakad. “Bakit?” tanong nito.

“Pwede bang bitiwan mo a-ang k-kamay ko,” sabi niya.

Agad naman itong sumunod sa kanya at nagsimula na silang maglakad ulit. Mabagal lang ang mga hakbang nila.

“Bumalik na ba ang Nanay mo?” pagkaraan ay tanong nito.

“Hindi pa, bakit?

“Wala naman, napansin ko kasi na wala siya sa inyo nitong nakaraang dalawang araw.”

Tumango-tango lang siya. Biglang sumeryoso yata ang aura nito. Bakit kaya? Dahil ba sa sinabi niyang bitiwan siya nito?

“Bilisan mo maglakad, Ferel,” sabi ulit nito.

“A-ah, oo,” tugon niya at agad niyang binilisan ang mga hakbang niya. Ganoon din ang ginawa nito hanggang sa makarating na sila sa kubo na tinitirahan ng binata.

Pagpasok nila sa loob ay may nadatnan silang dalagita na parang inip na inip na sa paghihintay. Pero nang makita sila ay agad itong tumayo at lumapit sa kanila. Muluwag ang pagkakangiti nito na nakatingin sa kanya.

“Ate Ferel,” sabi nito na biglang yumapos sa kanya.

Nagulat siya. “A-ah,k- kumusta,” nasabi na lang niya sa pagkabigla.

Kumalas ito sa pagkakayapos sa kanya. Maganda ang dalagitang nasa harapan niya ngayon. Magkapareho sila ng mga mata ni Mamerto. Mahaba ang buhok nito na nakalugay lang. Hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, Ferel, hindi nangangagat yang kapatid ko,” sabi ni Mamerto.

Natawa si Ferel. Nakita niyang bumusangot ang mukha ng kapatid nito. “Anong pangalan mo?” tanong na lang niya.

“Dina,” sagot ng kapatid ni Mamerto na bumalik ang mga ngiti sa labi.

“Sana maging magkaibigan din tayo,” inilahad niya ang kanyang kamay rito.

“Siyempre naman,” masayang sabi nito at inabot ang kamay niya, “Ang ganda mo pala talaga sa malapitan, Ate Ferel,” dagdag nito.

Nanlaki naman ang mga mata niya, “Ako? Maganda?”

“Hindi pa ba nasasabi sa’yo ‘yon ni Kuya?”

Nilingon niya sa Mamerto.

“O, siya, siya, tama na ‘yan,” awat ni Mamerto.

Hindi na rin siya umimik. Sinulyapan niya si Dina nakita niyang nakangiti na naman ito. Nakakatuwa. Parang hindi ito kakakitaan ng kahit anong negatibong bagay sa mukha.

ALAALAWhere stories live. Discover now