Untitled part

3 0 0
                                    


     Naaalala ko pa rin ang mga matatamis na ala-ala ng kahapon. Mga ala-ala na gusto kong balikan, mga ala-ala na ayaw kong makalimutan.

     Naaalala ko ang mga panahon kung kalian ako nagkaroon ng mga tunay na kaibigan, tila dalawa lamang sila ngunit alam naming ang mga problema ng bawat isa at alam naming kung paano ito tutugunan. Alam kong nasa unang baiting palamang ako ng aking pag-aaral ngunit alam ko tuna yang pagkakaibigan naming at ang mga panahon na kami ay magkakasama ay ginto.

     Naaalala ko pa noong may mga guro pang labis ang tiwala at bilib sa akin. Mga guro na pinagmamalaki ako bilang estudyante nila. May guro na inaalala ako kahit na ako'y tumuntong nang sekondarya, may guro na labis ang tiwala sa akin na kahit na alam nyang may mas magaling sa akin ay ako pa rin ang pinili nya na irepresenta an gaming paaraln, at mayroon ding guro na sa kabila ng kagalingan ng iba ay ako pa rin ang ipinagmamalaki. Sila ang mga guro na sumuporta sa akin, sila ang nagbigay nang oportunidad na maaari naman nilang ibigay sa iba.

     Naaalala ko pa nung dumadayo ako sa iba't ibang paaralan upang lumaban sa iba't ibang asignatura. Dito nabuo ang ilan sa mga pinakamagagandang karanasan sa akin pagkabata, mga ala-ala na nabuo at kasiyahan na hindi matatawaran ng kahit nino at ng kahit ano. Naaalala ko pa noong araw-araw kaming nag-eensayo ni Kenneth sa matematika, naaalala ko pa noong lagi kaming naalis at inilalaban ang pangalan ng aming paaralan. Hindi man lagging pinapalad, alam pa rin naming sa sarili naming na malaking bagay ityo na dadalhin naming hanggang sa pagputi n gaming mga buhok.

     Naaalala ko pa noong tinitingala pa ako ng mga kapwa ko estudyante dahil sa aking husay. May mga panahon na lagi ka nilang pinipili bilang maging pinuno ng inyong pangkat, at minsan ay ikaw ang nagiging tanungan ng buong klase pagwala ang inyong guro. Ngunit ang hindi ko makakalimutan ay ang pakiramdam na nirerespeto ka at hinahangaan na kung minsan ay tatawagin ka pa nilang idol o boss at yung pagkatapos ng kada patimpalak na aking sinalihan o recognition may lalapit sa iyo at magtatanong kung nanalo ka aba, o kaya naman ay kakamustahin kanila, at papalapakan kung minsan.

     Ngunit wala na, mga ala-ala na lamang ang mga ito. Ala-alang malabo ang mangyari ulit o maibalik pa. Minsan napapaisip ako, bakit pa kailangang lumipas ang mga panahong ito? Bakit?

     Ngayon ay nasa ika-siyam na baiting na ako sa paaralng sekondarya at malyong malayo ang aking nararanasan ngayon sa mga ala-alang ito. Wala na akong maituturing na tunay na kaibigan. Tila pakiramdam ko na wala na ring guro ang nagtititwala sa akin. Tapos na ang mga araw na inilalaban ako, tanging journalism na lamang ang natitira kaya't hindi koi to sasayangin. At ang mas masakit, ang mga taong humahanga sa akin noon, puro lait na ang sinasabi sa akin ngayon.

     Isa na lamang akong ordinaryongestudyante. Isang estudyante na nagsisikap upang makapagtapos. Isang estudyantena patuloy pa ring nangagarap na babalik ang kanyang nakaraaan, nangangarap namranasan nya ulit ito. Isang estudyante na humuhiling n asana bumalik na lamang siya sa nakaraan at wag nangsayangin pa ito. Isang estudyante na umasa, at patuloy paring umaasa.   


*kung gusto nyo po mag-request ng new topic message nyo lang po ako and i will write it po, thank you 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Essays Of MeWhere stories live. Discover now