UNEXPECTED FIRST MEET

3 0 0
                                    

[Leanzi's POV]

Uuuugh yung mukhang bagong gising na may laway pa sa bibig.

"Nalowbat ata ako"
"Ohhh! nooooo!"
"Saan ba yung charger ko?"
"Bwesiiiit ah!"

At yun nachacharge ko na talaga ang phone koooo yehey.

Pagkatapos nito ay maliligo nanaman ako para fresh ako.

Ilangggggg minuto nang lumipas...

Tapos na lahat ginawa ko at handang handa na ako sa fiesta ng bayan.

I try to turn on my phone na and get ready to ride in my aunt's car.

Handang-handa na akong kakain while nagtra-travel kami sa destination namin ng biglang nagnotify yung phone ko at nagpop- up ang message ng lalaki kachat ko kagabii.

Sabi nya sa akin, "PWIDI BA KITANG IDADATE?"

"Gosssssh! ano raw?"
"Seryoso ba siya??!"
"Ako idadate niya? omg!"
"Baka wrong send lang to"
"Ibang lalaki to ah sinubukan talaga ako wtf"
"Di ata ako makahinga sa sinabi niya"
"Ghad diko siya type po"
"Baka gutom lang to"

Inferness grabi talaga yung reaction ko sa sinasabi niya parang di ata kapani-paniwala eh.

Nireplayan ko nalang ng "OO" dahil sanay na ako sa mga ganitong moves ng mga kalalakihan ngayon.

"Parang gusto niya atang maisali sa pinapaasa ko na list"
"Echoss pagsubok lang yan bes"
"Siya lang yan kaya go na et"

Ay ilan sa mga salitang inisip ko habang tumakbo ang sinakyan namin at habang ako'y ngumiti ng parang evil.

Ano batoooo!? gossh ang nasa isip ko na ay ang pagkain at siya.

Nang kami ay umabot sa distinasyon namin, ako talaga yung unang lumabas sa sasakyan upang ako'y kakain.

Nakapasok na kami sa bahay at habang ako'y na aliw sa mga pagkain di ko akalain may reply na pala si Ryrie.

[Ryrie's POV]

Nagising ako sa panaginip kong mala- teleserye.

Unang-una sa lahat talaga ang gawin ko sa pag-gising ko sa umaga ay ang pagche-check ng phone ko.

"Aba! may notification ata phone ko ngayon ah"
"Baka si idol na ito"
"Siyaaa nga! HOWAW!"
"YESSSSSSS!"

Waking up with her reply on my chat is such a very good day for me. Di ko ini-expect na marereplayan ng idol ko.

Kahit "OO" lang niya masaya na ako.

Hindi ako mapakali sa nababasa ko.

Sabi ko sa kanya, "So when will it be? and where?"

5 minutes agoooo na ang lumipas wala pa siyang reply kaya naliligo muna ako at nag almusal.

After sa lahat pumunta ako sa bed upang makahiga ang tamad na katawan ko at biglang nagrereply na si idol ng buhay ko.

Sabi niya, "Oh well, it can be today. I'm in Loay right now and if you wan't to meet me just come over here"

So nireplyan ko naman siya ng, "Okay idol just wait me there po hehehe"

"Oops kung gusto mo talagang makapunta dito just chat my friend, Cyle. She knows where I am right now and just be with her until you arrive here", sabi niya.

Ilang oras na nagdaan at kasama ko na kaibigan niya upang pumunta sa kinaroroonan niya.

Di ko talaga mahintay ang unang pagkikita nami ni idol. Todo ayos ako sa sarili ko upang maaapreciate niya.

[Leanzi's POV]

Enjoy ako at biglang napasok sa isip ko ang pagiging childish ko.

Alam mo ba ginawa ko? HAHA

Yun ay ang pagpalit ng outfit of the day na kasing ganda ko sa outfit na pang bahay na di bagay sa beauty ko.

Ayaw ko kasing pagandahan ang lalaking di ko naman mahal at hindi ko natutunan mahalin.

Gusto ko lang ng friendship hindi yung magpapasakit ulit sa puso ko tulad ng 2 years and 4 months na ex-boyfriend ko.

Matapos ko nang magbihis ay kumain ulit ako kasi baboying mode ako, at biglang may nagnotify sa phone ko kaya I check it kung ano nanaman iyon.

Chat pala ni Ryrie ang notification na yun.

Nasa labas nadaw sila at handang-handa nadaw siyang makita ako kaya lumabas ako at iniwan ko ang kinain ko para lang masundo ang unknown na someone sa buhay ko at ang friend ko sa labas ng bahay ng aunt ko.

Nagkita-kita na kami at biglang ngumiti siya ngunit parang natuturn-off siya sa style ng pananamit ko kasi nagchi-childish mode ako eh.

Parang na-aamaze ako sa mukha niya kasi ang gwapo niya at maputing lalaki aba parang nagglu-glutation.

Naitaas ko naman pride ko sa pagiging playgirl ko at sinabi ko sa sarili ko, "Wala lang to mapunta parin to sa pinapaasa list ko, gwapo lang kasi nagdalan sa lalaking to!".

Pinapasok ko sila at pinakain sa kabila ay naiisip ko ang mga nagawa ko sa ibang lalaki noon baka magagawa ko rin sa kanya.

Pagkatapos sa kainan session namin ay nagchi-chika kami at kantahan sabay na may inuman.

At biglang naisipan kong ipasyal sila sa lugar na may malinaw at magandang tanawin sa town ng Loay.

Wala kaming masasakyan kasi busy lahat ng tao sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita kaya naglakad nalang kami papunta doon.

Paglakad namin nafe-feel ko talaga na may intensyon siya sa friend ko kaya wala lang ako dahil di ko naman siya type eh.

Nag-eenjoy ako na paglaruan siya upang di niya ako magustohan.

Umabot na kami sa distinasyon namin at nagtagal kami doon ng ilang oras.

Gusto na nilang umuwi baka maabotan sila ng gabi kaya pinapasakay ko nalang sila dahil wala naman kasi gusto ko na ring magbeauty rest para sa susunod na bisita ko.

Gustong-gusto ko na talagang magbihis ng magandang damit at nagmamake-up ako para more fresh ang tingin nila sakin at upang maisuprisa ko susunod na bisita ko.

-----------------------------------------------------------
Omayghad guys! Sino kaya ang pinagagandahan ni Leanzi sa fiesta ng bayan? Salamat sa pagbabasa nito sa next chapter na naman po 😃 Godbless!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY PRESENT, MY FUTUREWhere stories live. Discover now