Mas kinabahan si althea dahil sila na lang dalawa ni oscar ang naiwan

Althea salamat pinaunlakan mo ako. Alam ko na busy ka din.

Ok lang po dada.

Althea siguro nagtataka ka kung bakit bigla kita pinapunta dito at wala din si jade

Napangiti si althea. Pero kinakabahan pa din siya.

Dada ano po ba yung sasabihin niyo? May problema po ba?tanong ni althea

Anak alam mo naman na medyo hindi na ako gaanong maayos. Kita mo naman hindi na talaga ok si dada mo. Althea kaya kita pinatawag dito kasi gusto ko sana ibigay sayo ito.. (May inabot na envelope si oscar kay althea binuksan ito ni althea at binasa ang papeles na nasa loob nito, nagulat si althea sa nabasa)

Dada..

Althea tanggapin mo yan anak. Napag usapan na namin yan ng mama mo at ahya gab mo. Hindi ko pa nasasabi kay jade pero alam ko naman na ok lang yan sa kanya.

Dada sobra sobra na po kasi mga ginagawa niyo para kay miggy. Tapos..

Althea apo ko si miggy.. At nararapat lang sa kanya na maging parte ng pamilya. At mas lalo na ikaw anak.

Bumalik na ulit si amanda kasama ang isang maid at may dala dalang merienda

O mah merienda muna kayo. Althea anak tanggapin mo yan. Para sayo yan at kay miggy. Ngiting sabi ni amanda

Mama kasi masyado pong malaki ito.. At hindi pa po ito alam ni jade..

Biglang may nagsalita

Ehem.. Mukhang may  meeting na hindi ako nasabi ah..

Iha.. Sabi ni oscar

Anak buti nandito ka na.. Tapos na mga meeting mo?

Opo mama( nagmano ito sa dada at mama niya)

Dada bakit hindi ko alam na may meeting dito at (tingin kay althea)

Bakit wala kan sinabi na may date pala kayo ng dada? Sabay lapit kay althea at halik dito sa pisngi

Eh kasi busy ka sa meetings mo kanina.. Ayaw ko naman na disturbohin ka. Paliwanag ni althea sa ngayo'y nakatayong nobya sa tabi niya

Napangiti naman si jade

Ok lang yun lab ok nga ito at may bonding kayo nila dada eh..

Bakit ka pala nandito jade? Hindi naman kita inimbita sa meeting na ito (pilit na pagseseryoso ni oscar na kahit gusto niya na matawa)

Dada ha.. Nakakatampo ha.. Sabi ni jade

Napangiti naman si amanda

Nako oscar ikaw talaga.

Jade anak pinapunta ni dada mo si althea dito kasi may binigay lang ito kay althea..

Tinignan ni jade si althea at inabot naman ni althea kay jade ang envelope, kinuha ito ni jade at binuksan, binasa niya ito, napangiti ito..

Trmd 2 (My Own Version)Where stories live. Discover now