Chapter Three

5.4K 184 112
                                    


NAGISING si Clair dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone. Naroon na siya sa kanyang kuwarto. May tumatawag sa cellphone niya na unregistered number. Baka importante kaya sinagot niya.

"Hello?" aniya.

"Clair? Si Jamil 'to. Hindi ko nai-lock ang pinto sa sala. Hindi pa kasi umuuwi si Jereck," sagot ni Jamil.

Paano kaya nito nakuha ang number niya? Tiningnan niya ang oras sa orasan. Pasado alas-nuwebe na ng gabi.

"Ah, umuwi ka na ba? Nasaan ba si Jereck?" pagkuwa'y tanong niya.

"Nandito ako sa hotel. Babalik ako d'yan mamaya. D'yan ako magde-dinner. Tinatawagan ko si Jereck, hindi sumasagot."

"Gano'n ba? Sige, iinitin ko ang ulam. Anong oras ka ba babalik?"

"Mayama konti. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko. Paki-save itong number ko, para hindi ako magmukhang stranger sa 'yo."

Natawa siya. "Sige. Paano mo ba nakuha number ko?"

"Kinopya ko sa phone mo. Tatawagan ko ulit si Jereck. Magala talaga ang batang 'yon kapag walang pasok. Baka nasa barkada niya. Sige, see you after a minute. Bye!" Pinutol na nito ang linya.

Bumalikwas ng bangon si Clair at nagtungo sa kusina. Pinainit niya ng sinigang at kanin. Nag-aalala na siya kay Jereck. Gabing-gabi na nasa galaan pa rin ito. Inihanda na rin niya ang mga kobyerto sa mesa.

Pagkalipas ng tatlong minuto ay may kumatok sa pinto. Patakbong tinungo niya ang pinto at binuksan. Mali ang iniisip niya, hindi si Jamil o si Jereck ang dumating. Nakilala kaagad niya ang ginang. Si Aling Helda, na ina ni Jamil. May bitbit itong itim na maleta.

"Sino ka? Bakit narito ka sa kuwarto ng apo ko?" masungit na tanong nito.

Naunahan na siya ng kaba. Paano ba niya sisimulang ipaliwanag rito kung sino siya? Tamang-tama naman ang dating ni Jereck.

"Lola!" Sinalubong nito ng yakap ang ginang saka nagmano.

"Sandali, Jereck, sino itong babae?" hindi mapakaling tanong ng ginang sa apo.

"Si mommy po!" masayang sagot ni Jereck.

Pinukol ng ginang ng manghang tingin si Clair. Binuksan niya ng tuluyan ang pinto para papasukin ang maglola. Pakiramdam ni Clair ay hindi pa rin siya tanggap ng ginang.

"Sinong mommy ang sinasabi mo, Jereck? Pinagluluko mo ba ako?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Aling Helda sa apo.

Dumating na rin si Jamil. Nagsipasok na ang lahat at mukhang hindi nagkakaintindihan. Si Jamil na ang kumausap sa naha-high blood nitong ina.

"SIYA si Clair?!" bulalas ng mommy ni Jamil, matapos niyang ipakilala rito si Clair.

May isang dekada na atang hindi nababanggit sa kanya ni kanyang ina ang tungkol kay Clair. Malamang nakalimutan na nito ang ina ng anak niya. Nanlisik ang mga mata nito habang pabaling-baling ang tingin s akanilang dalawa ni Clair. Nakaupo silang tatlo sa sofa sa sala. Magkatabi sila ni Clair, habang kaharap nila ang ginang. Nag-hysterical ang ginang. Tila hindi komporme na naroon si Clair.

"Aba, after fourteen years, naisipan mo pang magpakita sa anak mo, Clair? Kahit noong nagdalaga ka at nagkatrabaho, bakit hindi noon mo pa naisip na makita ang anak mo? Hindi porque kami ang nagpalaki sa anak mo, puwede mo nang balewalain ang anak mo. Hinihintay ko na ikaw ang gumawa ng hakbang para makasama ang anak mo. Pero nasaan ka?" palatak ng ginang.

Nagulat si Jamil sa mga sinabi ng kanyang ina. Nag-interrupt kaagad siya. Tumayo siya at hinila ang ginang. Sa kusina sila nag-usap.

"Ma, puwede ba, maghulos-dili kayo? Huwag n'yong huhusgahan si Clair dahil hindi niya ginusto na ilayo sa kanya si Jereck," sabi niya.

BESTFRIENDS WITH BENEFITS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon