Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Chapter 1

101 8 2
                                        

"Mahal na hari! Ipagpaumanhin po ninyo, pero ang mga taksil sa ating kaharian ay nakatakas!" Bigkas ng isang utusan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mahal na hari! Ipagpaumanhin po ninyo, pero ang mga taksil sa ating kaharian ay nakatakas!" Bigkas ng isang utusan.

"Ano? Hinayaan niyong makatakas ang mga pahasang iyon? Mga wala kayong kuwenta! Magsilayas kayo sa harapan ko ngayon na, at dalhin ninyo dito si Augurus!" Bulalas ng haring nagmumugtong sa galit.

"Masusunod po kamahalan." Bigkas ng utusan at dali daling nagpunta sa mapanganib na kagubatan upang hanapin ang pinakamagaling na mahikero at manghuhula sa buong kaharian. Tinungo niya ang mapanganib na kagubatan upang marating lang si Augurus at sabihin na pinapatawag siya ng hari.

Habang tinatahak niya ang kalaliman nito, natanaw na niya ang isang maliit at gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kahoy na tirahan ni Augurus. Dali dali niya itong kinatok at tinawag.

"Augurus! Augurus! Buksan mo itong pinto at papasukin mo ako." Bigkas niya habang kumakatok.

"At ano naman ang pakay mo at hinamak mo pang mapadpad sa mapanganib na lugar na ito?." Rinig niyang bulalas ni Augurus sa likod ng pinto.

"Ipinapatawag ka ng hari! At nagmumugtong na naman siya sa galit kaya magiingat ka." Bigkas ng utusan ng hari at biglang bumukas ang pinto at hinila siya nito papasok.

Bumungad sa kaniya ang lalaking nakasuot na itim na kapa at may hawak itong isang patpat sa kaniyang kamay na nagliliwanag. Hinawakan naman siya nito sa balikat at tinitigan.

"Halika na at magpunta na tayo sa kaharian." Ikinampas ng lalaki ang kaniyang hawak na patpat sa ere at binalot sila ng liwanag at nagsimulang makita niya ang hari na nasa kanilang harapan na nakatitig ng masama.

"Kamahalan." Bigkas ni Augurus na sinabayan ng pagyuko ng ulo na simbolo ng paggalang.

"Ipinapatawag niyo raw ho ako?" Bigkas ni Augurus.

"Mabuti naman at dumating ka na Augurus dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga pangahasang iyon!" Sigaw ng hari.

"Kumalma muna po kayo kamahalan at baka makasama pa sainyo ang pagiisip ng mga bagay na iyan." Mahinahong bigkas ni Augurus sa hari.

"Kumalma? At makasama? May mas sasama pa ba sa nangyari ngayong araw? Nakatakas ang mga taksil sa kaharian at hindi ko makakayang ipagsawalang bahala na lamang ang sitwasyon na ito!" Bulalas ng hari kay Augurus na nanatiling mahinahon.

"Kung ganoon kamahalan? Ano pong sadya niyo saakin? At bakit niyo po ako ipinatawag?" Mahinahong bigkas ni Augurus sa hari.

"Kilala ko kung sino ang namumuno sa mga taksil. Isa ko siyang matalik na kaibigan dati, kaya't napagisipisipan ko na kung hindi ko man siya mapaparusahan ng pisikal. Dudungisan ko na lamang ang kaniyang dignidad at pagsisihan niya lahat ng ginawa niya sa aking kaharian!" Bulalas ng hari kay Augurus.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FORAYStories to obsess over. Discover now