Chapter 4

38 0 0
                                    

Si Arthur, ang Time Master, dinala si Jonald sa nakaraan kung saan nakita ni Jonald ang sarili niya papasok sa Crystal land.

“Wait lang, ako yun ah.”

Sinundan niya ang sarili niya papasok sa Crystal land.

“Jo”

“Oh bakit, Arthur?”

“Panuurin mo ang sarili mo.”

“Yun na nga ang ginagawa ko. Tinitignan ko na nga yung sarili ko. Ang galling ko pala mag-swimming dati.”

“I know. Hintayin mo, pagahon mo, tignan mo yung mata mo.”

“Huh?”

“Ayan Jo, umahon ka na. Tignan mo yung mata mo kung saan ka nakatingin.”

Sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin ang kanyang sarili.

“Bakit ako nakatingin dun sa babae na iyon habang lumalangoy.”

Pagkaahon ng babae na iyon, nagulat siya sa sarili niya.

“Arthur, di ba siya yung babae lagi kong napapaginipan, yung babae sa istorya ko. Si…”

“Taeyeon. OO siya yun.”

“Huh? Bakit nakatingin ako sa kanya?”

“Ewan ko sa iyo.”

“Wow ang ganda pala niya.”

“Hala, ano itong sinasabi ko rito. Bakit ko sinabi sa sarili ko na maganda siya.”

“Ewan ko sa iyo kung bakit mo sinabi iyon. Balik na tayo ulit sa menu”

Pumalakpak si Arthur at bumalik na lahat sa dati.

“OK. Arthur. Paki-explain bakit ako ganun? Bakit kung makatitig ako kay Taeyeon, para bang gusto ko siya.”

“Jo, yan ang mission mo. Sa bawat tulog mo, mapupunta ka dito sa lugar ng Ice Cream house. Pag nakatulog ka at nandito ka sa lugar ng Ice Cream House, pindutin mo lang ang ‘Menu’ Button. Ngayon kailangan mo maalala lahat bago ang March 09.”

“Arthur, bakit bago mag March 09?”

“Jo, once na pinatong ko na itong palad ko sa ulo mo, magigising ka na at pag natulog ka ulit, di ka na makakapunta dito.”

“Arthur! Wait lang!”

At pinatong na ni Arthur ang palad niya sa ulo ni Jonald.

“SANDALI LANG !!!!!!”

At nagising na si Jonald mula sa pagkatulog niya.

“ARTHUR!”

Biglang nagring ang alarm clock niya.

“Huh? 8:00 p.m. na. Pupunta pa pala ako kay Dr. Tan”

Naligo, nagbihis at dumeretso na siya kay Dr. Tan.

“Good Evening po Dr. Tan”

“Jo. Sa wakas dumating ka rin. May ipapakilala ako sa iyo.”

“Huh? Sino po Doc?”

“Hogan!”

Lumabas si Hogan sa waiting room.

“Hogan!!! Musta na!!!”

“Jonald!”

At nag-shake hands silang dalawa.

“Aba, ang laki mo na pala. Ano? 4th Year ka na?”

“OO.”

“Aba laki na nang pinagbago mo. Bakit ngayon ka lang bumisita sa Clinic ni Doc.”

“Masyadong busy kasi sa mga school stuffs.”

My Unforgettable Love Story [ON-GOING]Where stories live. Discover now