Chapter 37: Until now

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ito naman si kuya, 'di na mabiro. Sanay ka na kaya sa kakulitan ko. Pero seryoso, namiss talaga kita." He also smiled and he opened his arms for a hug. Niyakap ko siya at halos hindi ako makahinga nang higpitan niya ang pagyakap sa akin.

"We should go home already. You all need to take rest. Alam kong mga pagod kayo sa mahabang byahe."

"Hindi ba obvious kuya, duh! Ikaw kaya ang bumyahe galing ng Korea! Anong feeling mo sa 'min? Sumakay lang ng taxi na isang kilometro lang ang layo sa pupuntahan? Of course! Hindi 'di ba? Huwag mo ng itanong dahil obvious na."

"Tre---"

"I love you kuya. Hehe. Peace tayo. Zip na ako ng mouth." Pagputol ko sa pagbabanta niya. Napailing na lang siya at binuksan ang sasakyan.

"Suko na ako sayo."

Napatawa na lang ako na ikinatawa rin niya.

"You're already 22 but still you act like a child." Wika niya nang makapasok kami sa pinagmamalaki niyang sasakyan na bunga raw kuno ng paghihirap niya. Paghihirap niya, my foot!

"Eh ano ka na lang, 25 ka na pero ang KJ mo pa rin."

"At least I'm already happily married. How about you? Until now, single ka pa rin."

Oops! Foul na 'yon ah! That's not counted.

"Sorry not sorry. Hahaha." Dagdag pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalo lang napatawa ang mokong.

Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya dahil totoo naman talaga na single ako. Its better to be single than never.

Ano raw?

Parang It's better to be late than never lang eh.

"At least, hindi nagwawala kapag may nagpapakita ng interes sa asawa niya, right?"

Dahil sa sinabi kong iyon, natigilan siya at ako naman ngayon ang sinamaan niya ng tingin. Hanggang ngayon, seloso at possessive pa rin siya sa asawa niya. Palagi ko nga siyang niloloko eh. Hindi pa rin siya nasanay. Hindi naman siya iiwan ni Ate Yura kasi mahal na mahal din siya nun.

"Tumigil na nga kayong dalawa diyan. Kakakita niyo pa lang dalawa pero nag-aaway na agad kayo." Saway ni mommy sa amin nang mapansin ang namumuong tensyon sa aming dalawa.

"We're not fighting mom. Naglalambingan lang kaming dalawa."

Hindi kami nasagot ni mom dahil kinausap siya ng apo niya.

Hindi ulit pinansin.
Napatawa na lang kami ni kuya kahit walang nakakatawa, actually. Mga baliw lang talaga kami.

"He's doing well."

Awtomatikong nangunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang bigla niyang i-divert ang pinag-uusapan namin.

"Huh? Sino?"

Who is he talking about?

"Him."

Tiningnan niya lang ako ng makahulugan.

Nang makuha ko kung sino ang tinutukoy niya ay agad na bumilis ang tibok ng puso.

Malakas pa rin talaga ang epekto ng taong iyon sa buong pagkatao ko.

***

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa lalaking 'to. Nakakasawa kaya ang pagmumukha niyan." I hissed. Tinaasan ko ng kilay si Izzy at muling bumaling ng tingin kay Mikael.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Tinawagan ko kasi ang dalawa na makipagkita sa akin ngayon. Pumayag naman agad sila. Nagulat pa nga sila na nakauwi na pala ako. I didn't informed them just to surprise them. At first, they didn't believe that I got home. Nahirapan pa akong paniwalain sila. 

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon