1

11K 159 14
                                    

"Bernardo, Kathryn Chandria" 


Itinaas ko ang kamay ko para malaman nung facilitator na present ako. Tinignan naman ako nito at tumango. 


"Kapartner mo si Padilla, Daniel John" sabi nito habang nanghuhula lang ng kung sino mang makita niya sa class record niya.


Bumusangot nalang ako dahil hindi kami magkapartner ni Julia Montes. Bestfriend ko. Napatingin naman ako sakanya na inggit na inggit dahil crush niya 'tong si Daniel. Nagulat nga ako at napunta sa section namin yan eh. Lagi kasi siyang nasa highest section, kumbaga parati kami ni Julia nasa second section lang.

Simula grade seven kami naging magkaibigan ni Julia, nag transfer kasi ako ng school kasi lumipat kami ng bahay nila Mommy. Simula palang noon, sikat na rin yan si Daniel kaso hinding-hindi ko siya natype-an. Siguro kasi puro studies inaasikaso ko.

Lumipat na si Daniel sa tabi ko. Ang pangit ng pangalan. Daniel John? Tsk.


"Bakit halata sa mukha mong may sinasabi kang masama tungkol sakin?" pilyong sabi niya at mas lalo pang lumapit saakin.


Napalayo naman ako dahil dun. Yuck! Ang taas ng confidence sa sarili ha! "Eh kasi ayaw ko sayo." Diretsahang sabi ko. Ngumisi naman siya "Talaga lang ha?"


"Oo, talagang talaga!" inis na sabi ko. 


Napatingin yung ibang kaklase namin dahil napalakas ata yung boses ko kaya natahimik naman ako.


"Ang ganda mo sana eh kaso ang sungit mo." bolerong sabi niya at napairap naman ako dahil doon. 


Hanggang ngayon ganyan pa rin ang style ng mga lalaki? Kairita. "Wala na bang bago?"


"Ha?" tanong niya 


"Wala na bang---"


"Hatdog." sabi niya at tumawa


Napakagat ako sa ibabang labi ko at parang gusto ko siyang sampalin. Nakakainit ng dugo 'to si Padilla.


"Sagutan niyo 'tong mga questions after nyo matanong kapartner nyo tungkol sa mga sarili nila. According to your subject teacher, gumawa kayo ng scene base sa napili niyo sa choices na nakaproject at pag-isipan niyong mabuti dahil 50 points yung gagawin niyong project." pagpapaliwanag nung facilitator namin.


May ipinakita siya sa projector at halos gusto ko nalang iumpog sarili ko dahil mga impormasyon talaga na dapat para saakin lang, malalaman niya pa. Hindi ako friendly sa lalaki. Lalo na sakanya. 

Papaano ba naman kasi eh halos lahat na ata ng babae sinasamba siya at ayaw ko lang na maissue ako. 

Maingat ako sa reputasyon ko kahit na hindi naman ako sikat katulad nga ni Padilla at ng kaibigan kong si Julia. Si Julia rin kasi habulin ng mga lalaki. Parati yun nakakatanggap ng tsokolate at rosas araw araw. Minsan nga may mga nakikipagkaibigan saakin o di kaya chinachat ako para lang malaman yung number niya tsaka makausap siya eh.


Napapikit nalang ako ng mariin. 

Bakit nga ba ayaw ko sa lalaki? 

"San ka na? Layo na ng nilipad ng utak mo ha." rinig kong sabi ni Padilla at napailing nalang ako.


"Magsisimula na ba tayo o ano? Pakilala ka na." walang ganang sabi ko habang nakatingin sa kuko ko. 


Tumikhim muna siya bago magsalita. "Daniel John Padilla" 


Nag make face ako "Yun na yun?" 


"Mukhang gusto mo kong makilala ah?" 


"No thanks." sabi ko at inirapan siya.


"Ganto nalang, magkita tayo mamayang uwian. Dun tayo sa bahay tas gawin natin 'tong project na 'to as soon as possible para naman after nun, di na tayo mag usap. Deal?" inilahad niya pa yung kamay niya na para bang sobrang seryosong deal yung pinaguusapan namin. "Deal." sabi ko at maingat na hinawakan yung kamay niya.


"See you later, Bernardo." sabi niya at ngumisi bago matulog sa desk niya. 


Pagkatapos ng ilang oras, nagpaalam na ako kay Julia na may pupuntahan pa ako. Hindi ko sinabing sa bahay ng crush niya ako pupunta, sasabihin ko nalang pag tapos na project namin. Kung sasama kasi siya at makikigulo, wala kaming matatapos ni Daniel. 


Kahit mukhang sobrang girly at matino yan si Julia sa harapan ng lahat, sa totoo lang para siyang bata talaga. Baby yung turing ko dyan kasi halos ako na ata gumawa ng mga bagay bagay para sakanya. Binebaby rin kasi siya ng magulang niya samantalang ako tinuruan na ako pano maging independent. 

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at ichachat sana si Daniel pero dumating na siya. Naalala ko na hindi nga pala kami friends sa facebook kahit ilang taon na kami magkaklase.

"Sensya, kinausap ko lang mga tropa ko na di ako tuloy sa basketball namin." bungad niya saakin 


Tumango lang ako. "Tara na?" tanong niya. Um-oo naman ako at sabay na kaming naglakad. Malapit lang raw bahay niya kaya pwede ng lakarin. Sa totoo lang, ang galing din niya talaga. Varsity player siya ng basketball tas parati silang kumakalaban ng ibang schools or even universities pero namemaintain niya pa rin yung high grades niya kaya sobrang sikat niya sa school eh. 

Di ko lang masyado pinapansin kasi wala akong time para sakanya at para makichismis sa mga bagay bagay pero may alam naman ako kahit papaano.


"Ang tahimik mo pala," 


Napailing nalang ako sa sinabi niya. Maingay ako, sobra. Sadyang hindi lang ako madaldal kasi hindi tayo close pero syempre hindi ko sasabihin kasi baka maoffend siya. 


"Huy, salita ka naman" sabi niya at naglakad siya ng nakaharap saakin.


"Baka mapano ka pa" mahinang sabi ko


"Wow, concern!!" mapang-asar na sabi niya.


Nako, tama ba 'tong desisyon kong sumama dito kay Padilla? 


Nakakairita.

My HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon