Chapter 34: Officially

Começar do início
                                    

'Ma, I'm so sorry but can you take me home nalang?'

'I am taking you home Alli..' pagtatakang sagot ni mama.

'I mean.. take me to Zach ma!' Taas-kilay akong nilingon ni mama pero nakangiti siya bago niya kinabig ang manibela pabalik.

'Okay na ba ang mga sugat mo?' She then asked, 'are you taking your meds?'

'Yes ma..' huminto kami sa harap ng building. 'Thank you mama. I'm so sorry for disturbing you tonight.'

'Oh hija, I'd love to serve my daughter. Sige na at baka tulog na iyon' i kissed her goodbye before I went out, huminga ako ng malalim bago pumasok sa elevator. I realized that I'm being stubborn and childish, hindi naman kasi dapat ako nagpapadalus-dalos dahil lahat naman ginagawa ni Zach para sakin. Para samin. I bit my lower lip when I opened the door, siguro tulog na siya. Didiretso na sana ako sa kwarto ng marinig ko ang paglapag ng baso sa glass table kaya nilingon ko ang dining area.

'Alli...' kahit dim ang light ay naaaninag ko parin ang maamo at gwapo niyang mukha at ang pamumungay ng mga mata niya.

'I'm sorry Zach' I eyed the bottle of wine in the table kaya hindi ko na napansin ang mabilis na paglalakad ni Zach papunta sakin. 'I di-' It was too late to explain, he claimed my lips and I allowed him. The kiss is full of hunger and frustrations, he pulled me closer to him like it was the first time that he felt my lips.

'I'm sorry Alli..' he muttered, I stared at him knowing that only him can make me feel all these familiar feelings. I should have been more patient, I should be more careful of my actions. Hindi na ako papayag na mangyari ang nangyari noon. Hindi ko hahayaan ang pagseselos ko kay Inggrid ang sumira samin, I'm marrying him and he chose me. Yun lang ang importante. 'Please don't leave me babe..'

'I'm not leaving Zach.. I'll stay! No matter what happen, kahit ilang beses pa tayong magtalo. I'll stay.' Paninigurado ko sa kanya.

Mahimbing ang naging tulog ko dahil yakap yakap ako ni Zach, yung yakap na para bang takot siyang mawala ako sa kanya. 'Good morning..' Nakangiti niyang bungad sakin na may dalang tray na may lamang breakfast. 'Breakfast in bed..' Ay? Para naman akong teenager kung kiligin. 'And flowers..' binigyan niya rin ako ng bouquet of roses, I took the bouquet and smelled it.

'Thank you Zach..'

Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. 'All for you babe.. everything for you.'

Maaga kaming umalis para sa fitting ng gagamitin kong gown at tuxedo naman sa kanya para sa birthday ng mommy nya at pagkatapos ay dumiretso na muna kami sa kompanya niya dahil may kukunin daw siya.

'Hi Zach.' Bati agad ng secretary niya. 'Miss Esquibelle..' nginitian ko rin si Trina at nang magsimula na siyang idiscuss ang mga kontratang dapat pirmahan ni Zach ay nanatili lang ako sa couch at nagbabasa ng magazine, maya't maya ang pagchicheck ni Zach sakin. 'By the way Zach, dumaan dito si Inggrid' This time, Zach stared at me for long before he flexed his shoulder.

'And?'

'Akala niya kasi maaga ka daw pupunta but anyway pinabibigay niya tong envelope' Napako ang tingin ko sa brown envelope pero imbes na tanggapin ni Zach ay ibinalik niya ito sa drawer tapos pinagpatuloy niya ang ginagawa, hindi maganda ang kutob ko sa envelope na iyon pero hindi na ulit ako makikipagtalo kay Zach. May tiwala ako sa kanya at hindi masisira ni Inggrid ang relasyon namin. Halos isang oras din ang itinagal ng ginawa ni Zach kaya nakatulog ako at ng magising ay nasa kotse na kami ulit at nagmamaneho na siya.

'Nakatulog pala ako?' Nginitian niya lang ako, saka ko lang napansin ang daan. 'Where are we going Zach?' I asked when I noticed that we're not going home.

'It's a surprise babe..' Familiar sakin ang dinaanan namin, we're off to Batangas. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mapansing papunta kami sa resort nila kung saan niya ako dinala noon. Inalalayan niya akong makababa but I couldn't hide my excitement, it's been forever since the last time he brought me here. This place brought back a lot of memories, wala sa sariling hinubad ko ang sapatos ko at naglakad patungo sa dalampasigan. Nakasunod lang siya sakin habang sinasalubong ng mukha ko ang malamig na simoy ng hangin, my heart is at peace while hearing the waves. 'Happy?' I heard him asked..

'Yes.. thank you for bringing me back here' hinarap ko siya at niyakap, tulad noon, gugustohin ko paring manirahan dito kasama siya.

'Alli..' Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. 'We had a not so good start.. Alam kong nabigla ka sa lahat ng nangyari and you felt betrayed lalo na nang alukin kita ng kasal kapalit ng pagtulong ko sa kompanya niyo but I want you to know that I only did that to make sure that you'll end up with me and i know that's not the kind of proposal you have in mind..' hindi ko na halos marinig ang mga sinabi niya dahil sa lakas ng pintig ng puso ko kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan..'that's why we're here.. That's why I'm here..' napatakip ako sa bibig ko ng magsimula na siyang lumuhod sa harap ko.

'O my God, Zach..' namumuo ang luha sa mga mata ko lalo na ng maglabas siya ng puting box mula sa bulsa niya.

'Now I wanna ask you officially Miss Esquibelle..' binuksan niya ang box at bumungad sakin ang kumikinang na singsing na binalot ng ginto at may diamond sa gitna. 'Will you marry me Alliyah?' Tuluyan ng bumagsak ang mga pinipigilan kong luha hanggang sa hagulgol at tango nalang ang naging sagot ko sa tanong niya, nanginginig pa ang kamay ko ng isinout niya ang singsing sa daliri ko. 'I love you so much Alli..' Tears fell from his eyes before he hugged me..

'I love you more Zach..'

LOVE ME AGAINOnde histórias criam vida. Descubra agora