Ikaw at ako

29 0 0
                                    

Ikaw at ako ang aking hiling noong wala pang tayo. Ang hiling na sanay akoy mahalin mo. Naalala ko noon nong ikaw ay ikaw at ako ay ako. Pero alam natin sa isa't isay ika'y akin at akoy sayo. Nagsimula tayo sa ikaw at ako hanggang sa naging tayo. Magkaibigang palaging nag babangayan na halos di mailalayo. Hanggang tayo'y nahulog at dun nabuo ang "tayo"

Naging masaya at nangakong magmamahalan hanggang sa dulo. Maraming pagsubok pero nalagpasan natin to. Tumagal ang ating relasyon ng 2 taon, grabe pala noh? Di ko akalaing ang dating palaging nag babangayan ay umabot sa ganito. Doon ko naramdaman na ganito pala kasaya ang magmahal at minahal, na para bang nasa langit na naka lutang sa ulap habang pinapanood ang makulay na bahaghari. Masayang masaya tayo hanggang sa umabot na nakita kong unti unti kang nag bago at natuklasan kong ika'y may bago.

Parang akoy nawala sa mundo. Umiyak ako hanggang lahat ng sakit ay mawala dito sa puso ko. pinanghahawakan ko ang salitang tayo, ngunit sa bawat sambit ko ay isinisigaw mo ang "tapos na tayo"                                                                              Akala ko noon walang hangganan pero may dulo pala sa ating pag mamahalan. bakit ka lumisan na parang walang tayo? Bakit di mo sinabing di mo na ako mahal? Oo, mahal kita sobra at ipnakita mong mahal mo din ako pero ang tanong, bakit? Nasaan na ang pangako na magmamahalan tayong dalawa hanggang dulo? Wala na ba akong puwang sa puso mo? Paano na ako? Akala ko ako ang iyong mundo pero akala ko lang pala. Ang hirap mag mahal ng taong may mahal na iba.                                                                  Bakit nga ba nabuo ang salitang tayo? Dahil ba sa pagmamahal mong di naman totoo? Naguguluhan na ako. Kinalimutan ko ang sarili ko, mailagay ka lang sa tamang pwesto. Ngunit ang aking sinakripisyo ay parang naging bula na madaling nawala at kinalimutan mo.                       Ikaw yung tipong di madali kalimutan. Yung akala kong pagmamahal, ay palagi kong hahanap hanapin kahit saan. Ikaw yung pagkakamali na ang sarap ulit ulitin pang muli. Ikaw man ay nangloko at akoy sinaktan mo, pero ikaw parin ang gusto ko.                                                                                     Ngayon nakita kitang masaya sa piling ng iba na para bang walang nangyari sa ating dalawa. Masakit man pero pipilitin kong mag bago. Unti-unti kong tuturuan ang sarili ko. Babangon at lalaban ako para ipakita ko na kaya kong kalimutan na naging tayo,                                                          At maibabalik ko ang dating IKAW AT ang dating AKO.....

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 05, 2019 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

IKAW AT AKONơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ