a

8 1 0
                                    

"Ahh putangina!" sigaw ka na naman ng sigaw.

Para ka talagang tanga kapag ganitong lasing ka.

"Manahimik ka gago uminom ka na lang ng tahimik," naibato ko pa tuloy sayo yung maning sugo na isusubo ko sana.

Umisang lagok ka muna bago ka tumayo na lang bigla, nagulat ako amputa para talagang sabog walang pasabi sa mga ganap!

"Ano, tara? Lakad lakad muna pampagising."

Kinuha ko muna lahat ng chihiryang pulutan mo na ako lang naman tumitira bago ako tumayo.

"Teka pagpagan mo muna likod ko, hawak ko pagkain mo eh."

"Ang lamig lamig kasi bakit ka nag short lang tapos puti pa, tapang mo ah."

Hindi na lang ako nagsalita at nagsimula na maglakad pagkatapos mo pagpagan likuran ko gamit tuwalya mo.

"Ma, labas lang kami saglit! Wag mo na 'ko intayin, tulog ka na kaagad!" hinintay kita sa gate nyo habang nagpapaalam ka kay tita.

Paglabas mo, may dala ka ng maliit na bag. Yung bag na naiwan ko last week.

"Oh, lagay mo muna jan mga pagkain para madali bitbitin. Balik mo yan sakin ah."

"Gago ang kapal, eh bag ko 'to???"

"Ako nag alaga dyan ng isang linggo, basta ibalik mo inaamoy ko 'yan minsan!"

"San ba tayo punta?" di pa ako nakakapagsabi sa mga kasama ko sa bahay eh.

"7-11."

"GAGO KA??? SABI MO LAKAD LAKAD LANG???"

"Oo nga, medyo mahabang lakaran ibig sabihin 'non" natawa ka pa saglit sabay tapon mo sa kung saan nung bote ng beer na kakaubos mo lang.

Di na lang ako sumagot. Talo rin naman ako, naglalakad na ako kasabay mo eh.

"Kumusta?"

"Ha" ako ba kinakausap nito o gumagawa na naman 'to ng tula bigla?

"Ilang buwan tayo di nagsama ng ganito? Dalawa? Tatlo, no?"

"Dalawa lang doi."

"Tagal 'non, gago. Pa'no mo ako natiis ng 61 days?"

"Ewan, paano mo ba ako natiis 30 nights before that 61 days?" fresh pa sa orange juice ni tita yung atake ko pabalik tangina.

"Gago, ano yan?"

"Sus" sinisipa ko na lang palayo yung mga bato na nasa harapan ko.

"Pero seryoso , pa'no mo 'ko natiis?"

"Seryoso rin ako."

"Hindi ka naman kasi nagsabi sa akin eh. Walang pasabi, wala man lang kahit text amputa."

"Bakit, handa ka bang makinig ng time na 'yon?"

"Ba't mo naman iisiping hindi? Gago ka ba ha?"

"Bigyan mo muna ako ng rason para hindi ako mag isip ng ganon." Di ka na nakakibo.

"Musta thesis nyo?" inakbayan mo na lang ako bigla sabay halik sa ulo ko.

"Ayun, on going pa rin naman."

"Nasagutan mo na ba yung mga possible questions na binigay ko?"

"Ahh hindi pa tapos lahat. Medyo mahihirap yung iba 'don eh."

"Bigay mo na lang sa mga kasamahan mo, patulong ka."

"Hmm... ge."

Tas tahimik na ulit tayo.

FinallyWhere stories live. Discover now