The Writers' Camp

283 28 2
                                    

The Writers' Camp

"Accept challenges

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

"Accept challenges.

Gain knowledge.

Meet friendly people.

Unleash your hidden talents.

Love your passion."

Ang Writer's Camp ay isang workshop na kung saan ang mga piling masusuwerteng manunulat ay hahasain at sasanayin sa larangan ng pagsulat.

Hindi ito kwento, kontes o book club. Isa itong nonprofit project na tinayo ni cindylyna, isang manunulat na may limang taong karanasan sa pagsusulat ng Fantasy. Siya ang magsisilbing guro, mentor, facilitator o ate niyo sa camp.

Kasama niya sa proyektong ito si @Kookiepoochie na official graphic editor ng workshop.

Lahat ay hinihikayat na sumali, maging estudyante ngunit ilan lamang ang maaring pumasok. Kung ikaw ay pursigidong matuto at matibay ang loob, ikaw na nga ang karapat-dapat.

Ano ba ang layunin ng Writer's Camp?

• Layunin ng Writers' Camp na sanayin ang mga manunulat sa genre na Fantasy.

• Layunin ng Writers' Camp na hikayatin ang bawat isa na gumamit ng lengguwaheng Filipino o Tagalog.

• Layunin ng Writers' Camp na tulungan ang bawat isa sa pangarap niyang maging mahusay na manunulat.

• Layunin ng Writers' Camp na ipakilala at ipagmalaki ang mga kwentong ang genre ay Fantasy.

• Layunin ng Writers' Camp na pagkaisahin ang mga manunulat na may isang adhikain.


Ngayon, naghahanap ang Writers' Camp ng mga manunulat na handang sumubok at makisaya.

Kung sa tingin mo ay ikaw na ang hinahanap namin. Sali na!

Paano?

Maari lamang ipagpatuloy ang pagbabasa.

Lyn,
The Head

The Writers' Camp Onde as histórias ganham vida. Descobre agora