Chapter 17: The Escape

Humigop si Serena ng tsaa at napatingin kay Chase. "Narinig kong nasira ng mga bata ang training room. Sa tingin mo ano nanamang bang pinagawa ni Jett kay Ariela?"

Wala sa sarili na hinalo ni Chase ang tasa ng kapeng nasa harap niya. "Sa tingin mo handa na siya?"

Natigilan si Serena. She looks away for a moment. "Hindi ko alam Chase. Para sa akin masyado paring mabilis ang lahat."

Patuloy padin sa paghalo ng kape si Chase. "May natanggap akong balita mula sa dalawang studyanteng nagmanman sa Augury."

Nailapag ni Serena ang iniinom niya sa mesa at nagtatakang napatingin kay Chase. "Tungkol saan?"

"Plano nilang kunin si Ariela sa eksaktong gabi ng Sabado." kalmadong sagot ni Chase na iniiwasan ang tingin ni Serena.

Hindi agad nakasagot si Serena. Isang hampas sa mesa ang umalingawngaw sa office nito.

"At kailan mo ito planong sabihin sakin?!" tanong nito. Tumayo ito at galit na humarap kay Chase.

"Chase, ilang araw na mula nang bumalik ang mga batang yun sa mission. Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Dahil alam kong gagawa ka nanaman ng plano para maiwasan ang pag atake. Hindi tayo pwedeng umiwas nalang lagi Serena." nagsimula na ding tumaas ang boses ni Chase.

"Pero hindi nila pwedeng makuha si Ariela!"

"Kailangan niyang harapin ang mga taong pinagmumulan ng takot niya. Alam mong mangyayari yun ano mang oras mula ngayon."

"But not now." Serena says with finality. "Ako ang makakapag sabi kung kailan siya haharap sa mga taong yun. At sinasabi ko hindi sa Sabado."

"Kung ganun anong gusto mong mangyari?"

"Ilayo mo siya. Ilabas mo siya sa Academy sa araw na yun."




Snow's POV

"Snow!"

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko and I saw one of our classmates waving at me. "Yes?"

"Pinatatawag ka ni Sir Chase sa office niya." she inform with a serious face.

"Moi?" I ask while pointing a finger at myself. Hey, I didn't do anything wrong this past few days. Why would he have to call me?

"Oo. Ikaw. Ha'la anong ginawa mo?"

I stare threateningly at my classmate. "Haha! Joke. Baka may sasabihin lang yun."

I gave her my most dazzling smile. "Of course. Baka namimiss niya lang ako." I muttered playfully.

But deep inside I know there must be something wrong here. Last time pinatawag niya ako we ended up in a punishment. I hope it's not about punishment this time. Or maybe there's something worst?




"Snow, kailangan niyong umalis ni Ariela sa Academy ngayong darating na Sabado."

My eyebrow automatically formed into a knot. "What? Why?" I ask with suspicion. Ok. This is so unexpected. Wala kaming ginawang masama ni Ariela.

"Is this all about the training room incident?" Kung tungkol ito sa nasirang training room wala akong kinalaman doon. Baka nakakalimutan ni Sir na si Jett ang training partner ni Ariela.

"No. This is not a punishment. I need your help, Snow. Kayong dalawa ni Freya."

Napatayo ako. "Owh!" Hearing that name makes this situation a thousand times worst.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!