Isang araw pa
Muling gigising, muling maiisip ka
Isang araw pa
Oras ay lilipas, limutin ka'y magagawa
Isang araw pa
Sa pagitan ng pagkakataon, ika’y maaalala
Isang araw pa
Sa pag sapit ng gabi, puso ay hanap hanap ka
Isang araw pa
Muling magbabalik, muli kang makikita
Isang araw pa.. ikaw ay maaabot ko na.
Isang araw pa
Sa muling pag gising, ako’y kapiling na
Isang araw pa
Lilipas na oras, di na natin alintana
Isang araw pa
Mabubuo lahat ng matamis na alaala
Isang araw pa
Halaga ng gabi’t araw, hindi na mag iiba
Isang araw pa
Panahong lumipas ay pupunan ko na
Isang araw pa.. ako ay maaabot mo na.
Kaya't isang araw pa.. pasasaan ba..
makikita, mahahawakan, mayayakap, makakasamang muli kita.
A/N: Para sa isang taong palaging umaalis, dalawa lang ang klase ng kalungkutan, yung una ikaw ang iniwan at yung pangalawa, ikaw ang nangiwan.
BINABASA MO ANG
Isang Araw Pa
PoetryPara sa isang taong palaging umaalis, dalawa lang ang klase ng kalungkutan, yung una ikaw ang iniwan at yung pangalawa, ikaw ang nang iwan.