Part One

10 0 0
                                    

     
 
A Very Not Nice Encounter With You


Sumakay na ako ng tricycle papuntang school and 15 minutes  ride lang ang school namin pero kung maglalakad ako it will take 30 minutes bago ako makarating.

   
      "Para po manong, ito po ang bayad. Salamat po!". Nakangiti kong sabi sa driver at umalis na ito. This is it nasa gate na ako ngayon at pinag-mamasdan ko ang kabuuan ng school. Ito ay two-storey and ang front nito ay may parang terrace na may nakasulat na Our Lady of Fatima. Ang ganda tapos may pathway din sila at ang linis. Hindi pa ako  tapos magmasid sa school ay may bumangga sa akin na halos ikatumba ko.

       
        "Aray! ang sakit ng balikat ko!." mariin kong sabi.

   
        "Eh! tatanga-tanga ka kasi! kung hindi kapa tanga! eh, hindi ka haharang-harang sa gate! You've blocking the way! tanga ka ba?". Sabi nong antipatikong lalaki.

Dahil sa sinabi niya nag-init ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya at the same time umusok yong ilong ko dahil sa sobrang galit! akala mo kung sinong umasta! hinarap ko ang lalaki at BANG!  sinuntok ko sa mukha at dinig na dinig ko ang pag singhap ng ilang estudyante hindi agad naka react ang lalaki sapul niya ang kanyang mata.

     
      "Hoy! lalaki, alam mong nakatalikod ako! bakit ha? bulag ka ba? umiwas ka na lang sana! at ikaw pa ang may ganang sumigaw sa isang babae!" nang-gagalaiti kong sabi sa kanya pinahiya niya ako! akala mo kung sino! kumag siya!.

    
        "Look miss, I don't care if hindi kita nakita at wala kang karapatan para suntukin ako!" nakapikit ang mata niya at nakakuyom ang isang kamay halatang kinontrol ang galit nito. You'll gonna pay for this!" seryoso nitong sabi sabay talikod sa akin.

       "Sige! hindi ako natatakot sayong lalaki ka! bakla lang ang gumaganti!" pahabol kong sabi sa kanya at nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakasaksi.

      Mabilis akong pumunta sa silid-aralan ko fourth year section St. Ma. Goretti. Patay lagot, 30 minutes na akong late dahil sa kumag na yon! ahhh....nakakairita talaga! kinakabahan na ako. Huminga muna ako ng malalim. Hooohhhhh.

Tok! Tok! Tok!

        "Ahm.. Good Morning Maam, may I come in?" kabado kong tanong sa teacher at rinig na rinig ko ang bulong-bulongan ng mga estudyante.

       "Good Morning too, and you are?" tanong sa akin ng teacher.

       "I'm Roselle Del Mundo, Maam. I'm sorry for being late" nahihiya kong sabi.

         "Ah! so, you are the new student who transferred in this institution. It's okay, Roselle since first day of school naman pero next time I will not tolerate if ever you will be late again. Understood?" sabi ng teacher ko.

        "Yes, Maam." Sagot ko dito.

       "Welcome to the class! Take your seat Ms. Roselle.

       "Class, meet Roselle. She's a transferee, be kind and good to her and Roselle, I'm Teacher Shiela Cortez." Pagpapakilala ng teacher sa akin.

Nakakahiya talaga kapag unang klase.. hay...umupo na ako at nagsimula na ang klase hindi ako maka focus kasi iniisip ko pa rin yong lalaki. Hindi ko gaanong nakita ang pagmumukha niya dahil sa sobra kong galit at pagkapahiya. Hindi pa rin nawala ang galit ko sa kanya hanggang sa may maramdaman akong marahang tumapik sa balikat ko at napalingun ako dito.

   
   
         "Hi! I'm Joy, Joy Monsoon".

    sabi nong magandang babae ang tangos naman ng ilong niya.

  
 
         " Ako pala si-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may nag-salita sa likuran niya.

        "Hi! ako pala si Remelyn Deparine."

Nakakindat nitong sabi. Wow ha! ang puti-puti niya at ang ganda pa!.

        "Ahm..Hi! I'm Roselle Del Mundo". Nakangiti kong sabi. Mabuti naman at may nakilala na rin ako  ang hirap kapag walang kakilala lalo pa't transferee lng ako.

"Pwede ba! pakihinaan niyo mga boses niyo."  mahina pero mariing sabi ng babae.

" Ano ba ang ingay diyan sa likuran, Joy?" tanong ng teacher namin.

"Ah.. ahm.. wala po maam, were just sharing of ideas here with Ramelyn and Roselle." Sagot ni Joy.

" Next time if you are sharing, please minimize your voice. Is that clear?" Sabi ni Maam.

"Yes, Maam." Sabay naming sagot

Pagkalipas ng ilang oras.

"Goodbye, Class."  Sabi ng guro.

"Goodbye and thank you Maam Shiela."

"Hoy! Roselle, pahingi ng number mo para matext kita kung may gala." Sabi ni Joy.

"Oo, ba! heto." Sabi ko kay joy sabay abot ng cellphone ko na keypad yon lang kasi ang kaya ko.

"Joy, i-text mo na lang sa akin ang number ni Roselle ha? Sabi naman ni Ramelyn.

" Okay, Rem. Just wait and I'll send it to you." Sagot naman ni Joy.

"See you tomorrow Roselle." Sabay nilang sabi.

"O sige, basta mag-iingat kayong dalawa." Nakangiti kong sabi at lumakad na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heart Can Still RememberWhere stories live. Discover now