Love and Vengeance

45 0 0
                                    

Chapter I.  Ang Nakaraan

Sorry. Hindi ko alam kung paano sabihin sa’yo na hindi na kita mahal. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. I’m sorry. Mas maiintindihan natin ang pakikipagrelasyon balang araw.

‘Yun lang naaalala ko sa lahat ng sinabi ni Andrew saken pagkatapos ng apat na taon naming pinagsamahan. Totoy at Nene pa kame noon. Second year high school pa lang, kame na. Hindi kame naging magkaibigan dahil hindi rin naman kame magkaklase. Crush niya ko, hindi ko siya crush. Ilang araw lang kameng nagkausap pero magaan na ang loob namin sa isa’t isa. Hanggang isang araw, inamin niya na lang na mahal niya na ko at gusto niyang manligaw.

Isang buwan ang nakalipas at naging kame na ni Andrew. Hatid sundo niya ko hanggang sakayan. Minsan sinasadya kong hindi sumakay kasi gusto ko pa siyang kasama dahil tuwing uwian lang kame nagkakasama. Mahiyain siya ‘pag kasama ko kaya kadalasan ako lang dumadaldal. Pero ‘pag kasama niya kaibigan niya ang daldal niya.

Ang swerte nga raw ni Andrew saken. Maganda na, matalino pa ang girlfriend niya. Section A ako, Section B siya. Swerte rin naman ako. Gwapo rin kasi si Andrew. Marame ngang mga upper naming nagkakagusto sa kanya. Malakas chick magnet niya, pero hindi siya nagpakita ng interes sa mga ‘yun. Doon ko naramdamang mahal niya ko talaga.

Isang taon ang nakalipas, third year na kame. Ganoon pa rin mga section namen. Hindi naman naging issue samen ‘yan. Basta nagkakasama at nagkakausap pa rin kame. Madalas nga kameng magkatext kahit na nagka-klase. Minsan nga nahuli pa ko ng teacher kong nagtetext.

Pero dahil third year na kame, mas naging busy kame. Nanalo kasi siyang president ng Boy Scout samen. At dahil president siya, kelangan niyang um-aattend ng conference sa Laguna ng isang linggo. Ilang araw bago siya umalis, nagkaaway pa kame.

“Akala ko ba tabi tayong manuod ng play?”, sambit ni Andrew.

“Sorry na Ney(Honey). Tumabi kasi mga kaibigan ko saken,” depensa ko. Naisip ko sobrang babaw ng pinagtatalunan namin. Pero galit na galit siya saken. Pero dahil mahal ko siya, I took the blame.

Hanggang umalis na siya at hindi pa rin kame nagkakaayos. Kahit ganun, constant ko pa rin siyang tinetext. Pero hindi niya ko nirereplyan. Nagtext siya, isang araw.

Bakit ka ba sorry ng sorry?!

Hindi ko alam i-rereply ko kaya hindi na lang ako nag-reply.

Sige. Huwag ka na lang magreply total ayaw mo naman tayong magkausap.

Mas lalo akong kinabahan sa text niya. Kaya Sorry. :( na lang ang na-reply ko. Hindi siya nag-reply. Tinawagan ko siya pero hindi niya naman sinasagot. Pakiramdam ko galit na galit siya sa’ken. Dumating ang Linggo at alam kong nakauwi na siya. Inantay kong mag-text siya pero hindi siya nagtetext. Hindi ko na lang siya kinulit baka mairita pa siya saken at lalong magalit.

Kinabukasan, hindi ko nakita si Andrew sa pila nila.

Pumasok ka ba honey?

Pero hindi siya nag-reply. Galit pa rin siya saken. Ramdam ko ‘yun. Uwian na pero hindi ko pa rin siya nakikita, kahit noong recess, o kung mag-cr man lang. ‘Pag labas ko sa classroom, wala rin siya, na alam kong parati naman siyang andun para sunduin ako. Nakita ko si Brent, kabarkada ni Andrew.

“Hi Brent! Nakita mo ba si Andrew?” tanong ko sakanya.

“Nauna na siya e. Apurang-apura nga ang mokong. Akala ko susunduin ka. Teka, magkaaway ba kayo?” sabi ni Brent.

“Mejo,” na lang ang nasagot ko. “Salamat Brent!”

“Sige-sige. Magkakaayos din kayo niyan.” Nauna na ko. Dumaan muna ko sa canteen at bumili ng Piattos. Mabuti pa ang Piattos sinasamahan ako pauwi. Nag-aantay ako ng jeep. Lahat punuan. Ngayon pang mag-isa ako saka punuan ang jeep. Lumalabo na paningin ko, naiiyak na ko. Kahit na isang linggo kameng hindi nagkasabay pauwi, iba pa rin ‘yung alam kong andito siya sa campus pero wala siya sa tabi ko. Niyakap ko ‘yung piattos ko. Malapit ng tumulo luha ko nang may kumuha ng piattos ko.

“Pinagpapalit mo na ko sa piattos?”

Love and VengeanceWhere stories live. Discover now