Chapter 1: Ako

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi," sagot ko na lang. "Pero puwede kong i-refine ang utak ko hanggang sa makakita ako ng taong ka-vibe ng utak ko. Ilang beses ko bang sasabihing di ako nagmamadali sa love life?"

"Refine, refine. Woo! Ah, sa bagay. Chill ka lang naman talaga kasi may taong naghihintay sa 'yo."

Napairap ako. I know where this is going.

"Tigil-tigilan n'yo kami ni Jake, ha. Sabing—"

"Ano'ng pinag-uusapan niyo?" sabi ni Jake na kararating lang.

Kung si Geanne ay may Nica, ako naman ay may Jake. Sweet as a "best puwet," which is 'yung tawagan namin. Maraming nagkakagusto riyan, unfortunately. Oo, malas talaga dahil lahat ng nagkakagusto kay Jake, inaaway ako. Ang sa akin lang, kung gusto nilang makaiskor, di ba, dapat mas maging friendly sila sa 'kin?

Kasama ni Jake si Migs, ang "babe" ni Geanne. Madalas silang magkasama kasi pareho silang nasa basketball team ng school. Mahilig man-trip at mang-alaska, pero kapag dating kay Geanne, sweet. As in. Para siyang nag-iibang anyo kapag magkasama na sila ni Geanne. Napapaisip nga ako minsan na baka silang dalawa ang dahilan kung bakit ayokong magka-love life. Di ko yata kaya na may gano'n ka-clingy sa 'kin.

"Magkakaklase pa rin pala tayo," sabi ni Migs saka pumunta kay Geanne para mabilis na i-kiss sa lips.

"Eww," komento ko. Tumingin naman ako kay Jake. "Baka gusto mong pigilan 'tong dalawang 'to bagong may mag-report na bitter-ela sa kanila sa guidance ng PDA?"

"'Tong inggeterang 'to!" natatawang sabi ni Geanne. "Puwede naman kasing kay J—"

Sakto namang nag-bell. At least di ko na titiisin ang cringey lovey-dovey moments nina Geanne at Migs. Isa pa, alam ko namang matagal na nila akong pinu-push kay Jake, pero wala, e. "Best puwet" lang talaga.

Kasi kung meron, e di, matagal na sana naging kami. Siya ang unang naging kaibigan ko after ko mawalan ng alaala isang summer bago ang pasukan sa Grade 5.

Oo, I lost my memories. Alam ko namang iyon din ang dahilan kung bakit napapanaginipan ko ang kababata ko na sa pictures ko na lang nakikita. Ayaw na rin pag-usapan nina Mama, e. Sensitive issue, kumbaga.

Isa pa, di naman na iyon mahalaga ngayon. May silbi pa bang alalahanin kung bakit? Bata pa lang naman ako noon. Tingin ko, wala pang "mabibigat" na nangyari sa 'kin. Ang alam ko lang, iyak daw ako nang iyak dahil sa pagkawala ng kababata kong si Leilyn. Then, months later, natagpuan akong duguan ang ulo sa may park. May nakakita raw na may kausap ako noon pero bigla raw tumakbo noong nabagok na ako.

Whoever that was, I hate "whoever that was."

Ang pagkakaintindi ko sa sitwasyon ko, binura ng utak ko ang mga pangyayaring nakapagpalungkot sa akin. Baka it would take days or weeks or months or years bago bumalik ang nawala kong alaala. Baka nga hindi na raw. Kung ako lang, kahit hindi na bumalik. Sino ba'ng may ayaw mawala ng mga nakakapagpalungkot na alaala, di ba? I will take that anytime.

Naisip ko ang mga 'to habang nakatitig kay Jake na nasa stage. Proud talaga ako sa kanya. Siya ang "governor" ng level namin, which means kabilang siya Supreme Student Council. Nangunguna talaga siya sa mga leadership ek-ek sa school. Isa rin siya sa mga photojournalist ng school paper namin.

Naalala ko tuloy 'yung una kaming nagkita. Lumipat kasi kami—one municipality away lang naman. Meaning, lumipat ako ng school para din sa ikatatahimik ko, sabi nina Mama at Papa. 'Tapos no'ng nakita ako ni Jake, parang gulat na gulat. Saka ko napansin na kapag dating sa akin, nahihiya. Mas maliit pa nga siya sa akin noon, kaya literal na minamaliit din siya ng mga mas matatangkad sa kanya dati. Naging magkaibigan kami nang madalas kaming pinapares sa mga group work. 'Tapos inaaway ko rin 'yung mga umaaway sa kanya. Kaya nga gulat na gulat ako no'ng nag-summer, parang hinipan lang siya ng hangin at tumangkad.

"Akin na 'yan," alok sa 'kin ni Jake na gustong kargahin ang bag ko pagkababa na pagkababa niya ng stage. Papunta na rin kasi kami sa mga classroom namin.

"Ano ka ba? Para namang malaking bato 'tong dala ko," sabi ko naman.

"Puso mo raw, bato," pang-aalaska naman ni Migs. Di ko na lang pinansin.

Inayos muna kami by heights ng adviser naming si Ms. Lorna, saka pinaupo. Alternate boys and girls para walang out of place "daw." Nasa first seat si Nica kasi siya ang pinakamaliit, nasa may bandang hulihang row naman sina Geanne. Ako, nasa second row. Di bale, first quarter lang 'to. By second quarter, magdidikit-dikit na rin kami ng upuan.

Nasa may kanan sa likod ko si Jake. Siya ang pinakamalapit sa puwest ko. Si Migs nasa dulo. Natuwa naman ako na di na kailangan ng orientation; kilala na raw namin ang isa't isa. Isa pa, si Ms. Lorna din ang adviser namin last year.

Malapit nang mag-recess, pero di ko na kinaya ang pantog ko. Itinaas ko ang kamay ko at nag-"C." Naiihi na talaga ako. "Ma'am, may I go to the comfort room?"

Pumayag naman si Ms. Lorna. At dahil ihing-ihi ako, dere-deretso ako sa banyo na alam kong pinakamalapit. Nakita kong "under renovation" ang dalawang cubicle sa dulo, dalawang naka-lock, 'tapos may laman naman ang isa. Ano ba 'to? Bakit kung kailan first day of classes, saka di gumagana 'yung mga cubicle.

Napabuntonghininga ako at hihintayin sana 'yung taong nasa loob ng cubicle. Doon ako napatingin sa may kaliwa, saka napataas ang kilay. Bakit may mga ihian ng lalaki rito? Napatalikod ako sa mga cubicle at napaharap sa salamin, gulat na gulat

Oh shit—

Saktong pagtingin ko sa salamin, lumabas na 'yung nasa loob ng cubicle. Napasigaw na lang ako sa gulat. Lalaki 'yung lumabas!

"Ano'ng ginagawa mo rito?! Girl's CR 'to!" Ewan. Nilipad ng hangin ang logic ko. Alam ko na ngang may men's urinals, nirason ko pa rin 'yon. Sumilip pa ako sa cubicle kasi baka may ka-make-out. If yes, eww. Sa banyo pa talaga.

Tumitig lang siya sa 'kin. Noong una, parang di alam ang sasabihin. 'Tapos nagbuntonghininga siya, pumunta sa may sink, at naghugas ng kamay. "Tumingin ka kaya," chill pa niyang sabi. "Men's CR 'to."

Alam kong mali talaga ako. Ayoko lang aminin.

Ano ba naman? Bakit naman pinalitan? Madami bang napapaihi na lalaki sa pants dahil sobrang layo ng CR nila?

Pumunta ako sa tunay na banyo ng babae. Di ko naman kasi nakita na magkatabi na pala. Dati, malayo ang CR ng lalaki sa CR ng babae sa puwesto na 'to ng school. O, ano ba, nalito lang ba ako dahil lang sa ibang side na kami ng school?

Never mind. Pero tingin ko, kailangan kong mag-sorry. Ang weird lang na paglabas ko ng banyo, nando'n pa rin siya 'tapos ang bagal pa ng lakad.

"Sorry," sabi ko kahit medyo labas sa ilong. Pero ayun, tumitig na naman sa 'kin ang kumag. Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko? "Hoy, ano na? Nag-sorry na nga, e."

"Basta sa susunod, tumingin ka." Saka niya ginulo ang buhok niya.

Come to think of it, alam ko, ka-section ko 'to kasi nabanggit na nina Geanne at Nica kanina. Kaso wala siya no'ng nag-attendance kanina.

"Late ka ba? Section one ka rin, di ba? Kanina pa nag-attendan—"

"Oo. Kilala mo naman siguro ako. Sikat ako, e."

Aba! Sandali lang. Tama ba ang narinig ko? Oo, kilala ko siya. Pero tae, ang yabang, ha! 'Kala mo kung sinong umasta. Signal number eleven agad. Napatingin tuloy ako sa name tag na nakatahi sa may uniform niya: Smith, Aiden Gabriel A.

Wow, Smith. Gusto ko sanang mag-joke na produkto pala siya ng pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, pero di ko na tinuloy at baka ma-offend.

Sinungitan ko na lang. Kapal naman ng mukhang sabihing sikat siya. Nang makabalik na 'ko sa classroom, ayun, kumakain na. Kasunod ko nga si Aiden, e. Nilapitan pa siya ni Ms. Lorna at tinanong kung bakit late.

Habang naglalapag naman ako ng mga gamit sa locker, nakarinig ako ng bulungan.

"Ang guwapo talaga ni Aiden," sabi ng isa.

"Balita ko nga may girlfriend siya na namatay na."

"'Wawa naman! Palitan ko kaya?" 'Tapos tumawa 'yung nagsabi niyon. Di ko na tiningnan kung sino kasi hindi naman relevant.

Isa pa, ano'ng nakatawa ro'n?

Walang nakakatawa sa pagkamatay ng isang tao, ng isang kaibigan . . . lalo ng minamahal.

Siya at Ako (Siya Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon