Crazy.

"Let's get inside, baka ikaw ang madala ko sa kwarto mo." he whispered.

Gago!

Pinigilan ko ang matawa nang makapasok na kami ng opisina, nagulat pa ako nang naroon din si Ate Ahleira at may tasang hawak na tila nagkakape sa tanghaling tapat.

Umangat agad ang dalawang kilay niya sa gulat na makita kaming magkasama. I guess she's not really into Instagram, huh? Panay ang posts ko ng litrato namin ni Reidjan roon, pero mukhang hindi niya pa rin alam.

"Good afternoon, Tito Arnold and Ahleira..." pormal na pagbati ni Reidjan sa dalawa, totoo nga na wala siyang katiting na bakas ng kaba.

I guess he's always ready for this. Mukha naman hindi talaga siya kinakabahan kahit saan, parang kahit saan siya dalhin ay may kapangyarihan siya at walang aapi sa kanya.

Tumikhim si Daddy nang makabawi sa aming pagsulpot. Mukhang siya'y gulat at mangha rin na makita kaming dalawa rito.

"Reidjan," pormal rin na tango ni Daddy.

Lumakad kami para makalapit sa kanila, nakaupo si Daddy sa gitnang single couch habang si Ate ang nasa mahabang sofa na nasa gilid. Sumenyas si Daddy na maupo kami sa katapat na sofa, kaya iyon ang ginawa namin.

Mapanuri ang tingin ni Ate sa aming dalawa, she glanced at our entwined hands and cleared her throat like she went thirsty.

Natawa ako.

"Magandang tanghali, Daddy, Ate Leira." ngayon lang ako nakabati.

Daddy is looking at me, puzzled. "So what do we have here?" aniya na may pagkamangha.

Ngumisi ako.

Noon pa man ay alam kong gusto ni Daddy si Reidjan parati na andito sa bahay. Kapag nagsusundo nga siya sa akin noong nagpapanggap siyang boyfriend ko ay nagkakaroon pa sila ng oras magkukwentuhang dalawa.

"Wala naman, Dad. Just wanna introduce my boyfriend, Reidjan. Nakilala niyo na siya, but we broke up. So..." I shrugged and grinned. "Here we are again to face you."

Suminghap si Ate sa pagkamangha, hindi alam kung matatawa o ano. Daddy shook his head in amusement, too. Wala namang negative sa kanilang reaksyon. Reidjan cleared his throat, I looked at him.

"I know you are back, I'm stalking you, Alzhera. I'm asking what's new? Alam ko namang magkakabalikan kayo, ngayon..." he sighed. "Ang gusto kong malaman ay kung narito ba kayo para magplano ng kasal?"

Halos mawalan ako ng dugo at nagpuntahan sa aking mukha ang lahat ng iyon. Suminghap ako sa pagkahiya at nakangiwing tiningnan si Daddy.

Reidjan's lips parted in amusement.

"Daddy!" impit kong sigaw. "Napakaaga mo naman magtanong niyan! Nag-uumpisa pa lang kami ulit!"

"If you really want that, Tito. I can call a judge now, we can get married-"

Kinurot ko ang hita niya para magtigil sa pinagsasabi. Humalakhak sila ni Daddy. Wow! Really?

Isla Verde #2: The Sweet Escape Where stories live. Discover now