Matututuhan mo rin

53 4 0
                                        

Dahil sa sinag ng araw nasilaw yung mga mata ko at yun na din siguro ang dahilan kung bat ako nagising agad.

Inikot ko ang aking katawan simula sa pagkadapa at sinakop ko ang buong waterbed.

Pero parang kay kulang? Nawawala kasi yung presensya ni Joshua na kagabi ay kakulitan ko lang naman tapos naalala ko nanaman yung kissing scene namin kagabi kaya eto na paparating na yung mga ngiting hinahanap ko. Walanjo naman talaga naman. :')

Pero asan ba talaga yung lalakeng yun? "-_-

Bumangon na ako ng kama kahit na ayoko pa pero ewan gusto ko lang hanapin yung mahiwagang boypren ko.

Kinuha ko yung pangbalabal ko kasi ng medyo maginaw pa dahil halos madaling araw palang ata at dahil doon naisipan ko nang lumabas ng room at pinuntahan ko ang restaurant kaso wala siya doon tapos pinuntahan ko yung beach at ayun andoon lang pala nagpapahangin.

Nilapitan ko siya at tatanungin sana kung anong ginagawa niya.

"Ano ginagawa mo?"

"Wala nagpapahangin lang."

"Ikaw di mo naman ata nabanggit saakin na early riser ka pala."

"Ah hahaha kelangan pa ba sabihin yun?"

"Erm- hindi naman."

Baliw! Na-cut yung usapan ang awkward tuloy hindi ko din alam kung anong nginingitian niya doon sa malayo. :|

"Gusto mong maligo?" tanong niya.

"Eh pero- hindi ako naka-swimsuit."

"Hindi naman kailangan eh. Hindi ko na kailangan makita yang katawan mo masuka pa ko." smirk.

"Pangasar ka talaga eh no! Baka nga mamaya lumuwa pa yang mata mo pag nakita mo to." cross arms.

"Niloloko ka lang! Ano gusto mo bang lumangoy o tutunganga ka lang diyan at papanoorin ako?"

"Hindi ba malalim yan?"

"Dagat yan! May mababaw at malalim sa dulo. Ano akala mo diyan? Swimming pool."

Pinalo ko siya sa balikat niya.

"Sorry naman! Sige na mauna ka na." bilin ko sakanya.

"Aish bilisan mo na diyan ang dami mo pang satsat eh."

"Eto na nga!! Ikaw lang naman inaantay ko eh."

Ngumiti siya at naghubad nang shirt sa harapan ko.

Wtf abs. Hindi naman ako na-inform na dito na pala ise-serve yung breakfast ko. :') Putcha naman ang gwapo naman nito.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?"

"Uh-ah a-ako ba?"

"Sino pa ba tao dito? (taas kilay) wag ka magalala balang araw mahahawakan mo din to pag naging tayo na." what?! pag naging kami?!

"Wag ka feeling diyan at tsaka tayo naman na ah. Hindi ba?"

"Ang ibig sabihin ko is pag naging tayo na officially for real kaso parang malabo eh. Tara nga nga!!"

Anong mga pinagsasasabi nito? Eh.

Hinila niya ako papuntang dagat at doon nag swimming swimming.

"Brr~ ang la-lamig naman dit-dito."

"Malamang! Umaga pa kaya."

Tinalikuran ko siya at lumangoy palayo sakanya. Sorry Lord hindi ko po ma-take yung hotness niya.

Fallen Too Far Gone Too FastWhere stories live. Discover now