Chapter 49: Solar Island

Magsimula sa umpisa
                                    

Dio's POV



Hinila na ni Eunice si Elly, Umiwas ako ng tingin nung nagpuppy-eyes siya sakin. Pasensya ka na Elly, wala akong magagawa dyan. (_ _")


Mari's POV


Dinala na ni Ley si Elesis sa changing booth para ipasuot yung mga 'Daring' swimsuits niya. Dati, naiinis ako sa tuwing magsusuot si Ley ng mga swinsuits na kaunting hangin lang ay makikitaan na siya para magpapansin lang kay Sieg. Pero ngayong nagkakilala na kami ng maigi ay natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ko yun...




Arme: "Tara na sis." Kalabit sakin ni Arme. Oo nga pala.




Me: "Arme, bakit parang hindi ata lumalaki ang tyan mo?" Ilang buwan na kasi ang nakakalipas eh pero parang ilang linggo pa lang siyang buntis.



Arme: "Ahh.. Nasa lahi namin ang hindi nalaki ang tyan kapag nasa ika-3 o ika-4 na buwan. Nasa ika-3 buwan pa lang naman akong nagdadalang tao eh. Tska ok na rin yun.(^__^)" Uhh...


Me: "May naisip na ba kayong pangalan ng baby niyo ni Lass?"

Arme: "Meron na..(^__^)" Ang bilis naman.


Me: "Ano namang pangalan ang naisip niyo?"



Arme: "Agnesia Denise. (^__^)" Agnesia? That name looks familliar to me.



Arme: "Wag mo nang pagurin ang isip mo sa kakaisip ng kung anu-ano. Tara na!" Hindi na niya ko pinagsalita at hinila na lang ako bigla.



3rd Person POV


Nakahanap na ang mga boys ng matutuluyan nila para mamaya. Nagbihis na sila ng kanilang 'Summer' wear. (T-shirt, Trunks, Towel, Etc.) At lumabas na ng rest house. Since summer destination ang Solar Island, maraming turista ang pumupunta dito para magbakasyon. Natural lang na maraming babae ang magtitilian kapag nakita sila.



Ryan: "Asan na sila?"



Ronan: "Tingin ko nandoon sila." Turo niya dun sa mga lalaking nagkukunpulan sa kabilang direksyon.



Dio: "Walang duda. Kay Eunice pa lang maglalaway na yang mga ugok na yan kaya siguradong nandun sila." Agad silang pumunta sa mga kalalakihang nagkukumpulan.



Sieg: "Brad anong meron?" Tapik ni Sieg dun sa lalaking mukhang aso.



"Wag ka ngang magulo, ang ganda ng view ko dito eh." Tinignan naman niya kung saan ito nakatingin. Napanganga na lang siya ng makita niya kung saan siya nakatingin. Nakatingin ang loko sa kanyang girlfriend. I mean, LAHAT ng lalaki ay nakatingin kay Mari habang nagbabasa ito ng libro at naka-earphones. Naka two-piece bikini ito na color light blue at nakalugay ang asul nitong buhok.



Hindi naman napapansin ni Mari na napapaligiran na siya ng mga lalaki dahil hindi naman nila hinarangan ang dagat kung saan siya nakaharap.



Sa isip ni Sieg: "*facepalm* Tinamaan nga naman ng lintek oh." Umikot si Sieg sa kabila para makadaan siya, lumapit siya kay Mari at umupo sa harapan nito.




Todo pigil naman ng tawa sina Jin, Ryan at Luxus. YES! Nahawaan na ng pagiging playboy si Luxus ng makasama  niya ang mga tito niya noong bata pa ang mga ito.



Ryan: "Grabe pala magselos si Sieg. Hahaha."


Jin: "Hindi ko siya masisisi, ang hot kaya ni Mari ngayon." Dagdag pa nito.



Tinapik ni Sieg si Mari para mapansin siya nito. Hindi naman siya nabigo dahil napatingin naman si Mari sa buhanginan kung saan naka-upo si Sieg.



The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon