Chapter 50: The funeral

10.6K 226 23
                                    


3rd person POV



Malungkot na bumalik ang guild sa Serdin. Kasama ang walang buhay na katawan ni Elesis. Pagbukas pa lang ng malaking pinto ng paaralan ay nasa daan lahat ng mga estudyante na naghihintay sa pagbabalik ng kanilang ka-eskwela ngunit hindi nila inaasahan na sa pagbalik nila, mga malungkot na mukha ang makikita nila. Buhat-buhat ni Ronan ang katawan ni Elesis. Halos lahat ng mga estudyante ay nagulat ng makita nila ang walang buhay na katawan ni Elesis. Sinalubong sila ni Priestess Lime kasama ang kanilang mga guro.



Ronan: "Nandito na po kami. Patawad po at nabigo kami sa aming misyon. Dalawa sa apat na susi lamang ang nakuha namin dahil naunahan na pala kami ng mga alagad ni Darius." Nakayuko niyang sabi. Lunapit si Lime sa walang buhay na katawan ni Elesis, pinagmasdan ang payapa nitong mukha.


Lime: "Masasabi kong.... payapa siyang pumanaw." Hindi na napigilan ni Amy na umiyak. Hindi pa rin kasi niya matanggap na wala na ang itinuring niyang bunsong kapatid. Tumingin naman si Lime sa direksyon ni Lire.



Lime: "Ibigay mo kay Ronan ang ipinabibigay ni Miyura sa kanya, Lire." Tumango ito at lumapit kay Ronan. Si Ronan naman ay gulat na tumingin kay Lire.





Sa isip ni Ronan: "Sulat... Para sakin?" Nang makalapit na ito kay Ronan ay ini-abot niya ang sulat para dito.




Lire: "Nung nasa solar Island kayo, ipinaabot niya sakin ito. Sabi niya, kung sakaling may mangyaring masama. Ibigay ko raw sayo ito." Tinanggap naman ito ni Ronan. Lumapit si Sieg kay Ronan.





Sieg: "Ako ng bahalang magbuhat ng katawan niya. Basahin mo na yang sulat na ginawa para sayo ng kapatid ko." Binuhat ni Sieg ang katawan ni Elesis at dinala na sa loob ng chapel. Nang maglakad na si Sieg ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha, mga luha na pinipigilan niyang tumulo simula ng umalis sila sa Solar Island.





Sa isip ni Sieg: "Ang daya mo... Sabi mo walang iwanan ah."




Pagpasok niya sa chapel ay nakahanda na ang paglalagyan ng katawan ni Elesis. Inihiga niya ito sa gitna ng altar na puno ng mga puting rosas. Hinaplos niya ang mukha ng kanyang kapatid, pinagmasdan niya ito kahit nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata.



Sieg: "Sana sinabi mo na lang sakin para mas madali kong natanggap kesa ilihim mo pa sakin." Sa umpisa pa lang ay alam na rin niya ang mangyayari sa kanyang kapatid. Paano? Hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawang Elesis noong nasa Snowport City sila. Noong una ay hindi siya makapaniwala dahil sa mga narinig niya, gusto niyang pumunta at sigawan ang dalawang Elesis pero pinigilan siya ni Luxus.




Sieg: "Bakit kelangan mong ilihim sakin ang mangyayari sayo? *hinahaplos niya ang buhok nito* Magkapatid tayo di ba? Magkasangga tayo sa lahat ng bagay... Bakit kelangan mong pagdaanan to mag-isa?" Yumuko lang siya, ilang minuto pa ay hinalikan niya ang pisngi nito at lumabas na ng chapel.




---------



Paglabas niya ng chapel ay nagtaka siya dahil lahat sila ay may nakatingin sa direksyon malapit sa entrada ng kanilang paaralan. Nang tignan niya kung sino ang tinitignan nila ay nagulat siya sa taong tinitignan nila ngayon. Biglang sumiklab ang galit niya ng makita niya ang taong nasa harap nila ngayon.





Sieg: "ANONG GINAGAWA MO DITO!?!!" Sigaw niya sa lalaking may Blue Violet na buhok at ginto ang mga mata.





"Hindi ako naparito para makipaglaban sainyo. Gusto ko lang makita si Elesis." Sabi ng lalaki.





The Guardian's keysNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ