Biglang naging ‘significant’ ang lahat ng bagay sa paligid ko: ang tunog ng malalim na paghinga ko, ang pagtugtog ni Christian sa keyboard sa kabilang kwarto, ang pagbaba ng namuong tubig sa labas ng pitsel, ang mali at asymmetrical na pagkaayos ng mga libro sa bagong shelf, at maging ang pagbukas ng mga labi ni Allen.

Parang gusto kong tumakbo nang paikot-ikot.

Compulsions.

Panic.

Gusto kong bumaba para uminom ng Prozac.

“Are you mouthing ‘what the fuck’?”

Nakakabinging tunog ng paglunok ko lang ang narinig ko.

Sinubukan kong magsalita, pero walang lumabas sa bibig ko. How do you try to stop yourself from falling, and breaking, and dying?

“Ano?” tanong ko sa kanya. Umupo ako sa kama para marinig ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatulala. Sana nga lang hindi umabot ng ilang minuto.

“Dapat matulog ka nang maaga, dear Baby Boy.”

Baby Boy’? Mas matangkad pa nga ako sa kanya, at ‘Baby Boy’? Ngumiti lang siya at kinuha ang pitcher at ang baso. Sinubukan kong ibato sa kanya ang dalawa kong unan pero nakailag siya.

“‘Wag na ‘wag ka nang babalik dito!”

Pumayag si Christian na sa kwarto niya muna ako makikituloy. Kahit na magiging ‘annoying’ daw ako, sabi niya. Sinabi ko sa kanya, na kahit naman sinong tao, kukulitin siya pag naka-pyjamas siya.

Oaklee Pendergast. Naka-pyjamas.

“Isipin mo,” sabi ni Mommy kay Christian. “Makikita ka ni Nicole nang naka-pyjamas.”

Naitaas ko pa ang hawak kong drumstick ng tinola sa tuwa. “CJ, Nik-Nik, sitting on a tree.”

At tinapos ni Mommy ang kanta, “K-I-S-S-I-N-G.”

“Mom!”

Kung hindi ko napigilan ang sobrang pagtawa, baka nalunok ko na ang drumstick.

“Na-miss ko na si Cynthia.”

At nangyari na naman ang kinatatakutan ko—ang mabanggit sa harap ng hapagkainan ang pangalan ni Cynthia.

Nakatulala lang si Christian sa harap ko. Wala namang imik si Mommy sa tabi ko. Ramdam ko ang mga mata nila. Para ngang naririnig ko ang mga sinasabi nila sa loob ng mga utak nila. Kitang-kita ko ang paghinto ng pagnguya ni Christian, ang napahintong pag-inom ng tubig ni Mommy, ang mga linya ni Julia Montes sa TV, at maging ang pag-ikot ng ceiling fan sa ibabaw naming tatlo.

Tinapos ko na lang ang kinakain ko. Di nagtagal, bumalik na rin sila sa pagkain.

Naisipan kong manood na lang ng The Two Towers kaysa tumambay sa labas. Inabot pa ako ng ilang minuto kakahanap sa DVD. Sabi pa ni Christian, di ko pa raw dapat simulan kasi manonood din siya. Pina-luto ko na lang siya ng popcorn. Barter trade.

Nag-text ako kina Fritz, Glenn, Candice, at Allen kung gusto ba nilang sumabay. Pumayag naman silang lahat..

Sigurado na ako na may bitbit na ice cream sina Fritz at Candice, dahil nakasanayan na. Si Glenn, okay na hindi okay, San Mig ang ililibre. Alam na niyang manonood din si Christian kaya itatago niya sa backpack. Si Allen, anim na pack ng Moby Caramel. Para lang daw kay ‘CJ’.

Busy lahat kaming tatlo nang mag 8 PM na. May kausap si Mommy sa telepono. Siguro si Dad. Nakasandal siya sa mesa kung nasa’n ang main na telepono, malapit sa pinto. Mabilisang nagsusulat sa notebook ng mga petsa. Hindi ko naman alam kung para sa’n.

CynthiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon