"Honey? May problema ba?" tanong niya sakin
"Bat mo natanong?" nakataas yung kilay ko
"Namumula ka kasi eh. Yung buo mong mukha namumula. May masakit ba sayo?"
Oo meron! Ngayon lang bumilis ng ganito yung pagtibok ng puso ko! Tapos parang ewan yung tyan ko. Parang may something na di ko alam. Masakit na hindi? What's this?!
"Bumilis ba tibok ng puso mo tsaka di mo alam kung masakit ba or hindi ang tyan mo?" tanong niya sakin. O pano nya nalaman?! Lumaki lang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita.
"Alam mo honey, kilig tawag diyan." sobrang wide yung ngiti niya!
"Ano ka hilo?! Kanino naman ako kikiligin?! Sayo?!" grabe! Assuming niya!
"Woah deffensive! Pero ako din kinikilig na sayo!" sabi niya. He smiled and winked! Ew
"Tse! Di ako kinikilig!"
"Aminin mo na hon"
"Anong aaminin ko?! Hindi kaya!"
"EEEEH!"
"tse!"
"Ito talagang honey loves ko! Wag kang mag-alala kinikilig din ako sayo!" ngumiti siyang nakakaloko.
"Hindi nga ako sabi kinikilig sayo eh!"
"Pero namumula ka hon oh!" he said while poiting my face
Napahawak ako sa mukha ko! Mainit yung mukha ko!
"Namumula ako kasi naiirita ako sayo!"
"Naiirita nga ba?" he is till grinning
"Tigilan mo nga ako sa ngiti mong ganyan!!!"
"Bakit naman honey?"
"Tsaka sa pagtawag ng honey sakin! Ano ba?!"
"Sige babe"
"Tapos babe naman tawag mo?! Argggh!"
"Loves nalang!\"
"EEEEH!"
"Sweetheart?"
"Yuck!"
"Hannah ko nalang" he said and winked.
Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko nung sinabi niya yung pangalan ko tapos may KO. Ano ba to?! Argh! Ayoko ng ganito!
"Anong nangyayari?" blank face niyang sinabi.
"Kobe?!" nasambit ko nalang ang pangalan ng nagsalita.
"Hi bro!" He said. Pero nararamdaman kong may tense.
Hinawakan ni Kobe yung wrist ko papalayo kay James. Oh? Ano nanamang drama to?!
Nagulat ako nang biglang hinigit ni James yung isa ko pang wrist! Tapos nag-aagawan na sila sakin?!
"Let go!" sabi ni Kobe
"NO! You let go!" sabi ni James.
"Body guard niya ako!" -Kobe
"So what bro? M.U niya naman ako." M.U?! What the?!
"Are you kidding me?! Tigilan mo yan! Nandito si Hannah sa school na to para mag-aral! Hindi makipag landian! Maraming ibang girls diyan. Wag siya. Wag si Hannah!"
"Bakit?! Boyfriend ka ba niya ha?!" Lalong hinigpitan ni Kobe yung pagkakahawak sakin ng marinig niya yan mula kay James!
"Hindi nga. Pero pinagkatiwalaan ako ng magulang niya para bantayan siya. Kung pababayaan ko lang siya na makipaglandian sayo,edi masisira tiwala nila sakin. Let go bro! Don't touch her" galit na galit na sabi ni Kobe. Nag-aapoy siya sa galit. Nakakatakot!
"Fine" nakangiting sinabi ni James.
Hinigit na ako papalay ni Kobe. Kinakaladkad niya na ako. Sobrang higpit ng hawak niya sakin!
"HOOY! LET ME GO! IT HURTS!" tapos bigla niya ako binitawan tapos natumba ako sa sahig.
"Napalabas ka sa classroom because of him. Tapos M.U kayo?! Anong utak meron ka?! DON'T BE SUCH A FLIRT!" sabi niya sakin at the top of his lungs! Argh! Sumusobra na to ah?!
"Hoy! Sumu—" di ko pa natatapos yung sinasabi ko.
"Stob being so stubborn, spoiled brat and a flirt at the same time!" galit na galit niyang sinabi sakin. Pulang pula yung mukha niya. Grabi ang pagkakasigaw niya sakin which I don't freaking like! Ngayon lang ako nasigawan ng ganyan. Sa lahat ng ginawa ko na kalokohan never pa akong sinigawan ng ganyan katindi ng parents ko! And the fact that he called me stubborn, spoiled brat and a flirt?! Gosh! The nerve! That's too much!
But I didn't say anything but I ran away from him instead. Lalabas sana ako sa gate ng school kaso pinigilan ako ng guard ng school.
"Let me go! I need to go home!" sabi ko sa guard.
"Di po talaga puwede." guard said while blocking my way.
"I said I need to go home!" I repeated.
"Let her go." sabi ni Kobe sa guard. Sinunod naman ng guard si Kobe. Di ko pinansin si Kobe. Tumakbo ako palabas. Nagtaxi ako papunta sa bahay.
Habang nakatingin ako sa bintana ng taxi. Hindi ko napigilan umiyak. Never pa akong sinabihan ng ganon! Anong karapatan niya para husgahan ako?! At nakakainis pa, bakit ako umiiyak?! Ako si Hannah Cruz! Bakit ako mapapaiyak ng isang Kobe Perez?! Hindi to puwede. Pero hindi ko talaga napigilan umiyak.
Pagbaba ko ng taxi, sympre nagbayad ako. Bag door bell agad ako sa gate ng bahay namin. Walang sumasagot.
Badtrip! BV na nga ako sa school BV pa ako sa bahay?! Wala bang magbubukas ng pinto?! Asar!
"Ma'am?" biglang lumabas yung katulong namin.
"Ano pang hinhintay mo?! Buksan mo na yung pinto!"
"Hindi po puwede ma'am. Bilin po nila sir na wag po kayo dito matutulog pag wala sila. Kila Mr. Kobe daw po kayo matutulog." sabi nung maid.
"What?!" muntik ko nang masampal yung maid kaso umilag siya. Sanay na ata siya sakin.
"Umalis po kasi sila sir at ma'am kasama din po yung kapatid niyo. Nasa Paris po sila. Di ko po alam yung balik eh. Pero pagkakarinig ko po pagkatapos pa po ng 5th year niyo."
Di ko na kayang makipag-usap. Umalis na ako sa bahay. Naglakad-lakad ako. I'm freaking angry right now! Very angry!
How can they leave me just like that?! No good byes and explanations? And what the heck they'e thinking of letting me sleep to Kobe's house?! Oh my gosh! Parang sasabog yung puso ko sa inis! Grabe! How can they do this to me?! Bat nila ako iniwan mag isa?! Why?!
"Don't cry. I'm sorry"
YOU ARE READING
Nerd University
Teen FictionNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...
Chapter 3
Start from the beginning
