DUET ft Berry Sweet

54 1 0
                                    

“Ahhhh… ang sakit na nang likod ko!!!”

“Gosh!!! Ang mga mata ko.”

“Hay naku! Sumasayaw na ang mga numero. Gumagalaw na ang mga letra. Waaaaaaaaa!!!”

Ilang ulit na bang binabanggit ni Berry ang mga katagang yan sa mga nagdaang araw? Busy kasi sila nang kanyang mga kasamahan sa pag-accomplish ng mga forms. Bilang ina ng iba’t ibang batang hindi naman lumabas sa kanya, kailangan nyang gampanan ang kanyang tungkulin. Isa siyang guro sa isang malayong barangay ng kanilang lungsod. Take note: Isang dalagang guro.

“At last we’re done! SM tayo!” anyaya ni Abby.

“Sure, go ako jan!!!” dugtong naman ni Wen.

“Magkaka-ikals pa kaya ako nito?” sabay kunot sa noong sabi ni Berry. Nililigit na nya ang kanyang mga gamit pagkatapos itong ma-i-check ng mga school heads ng kanilang district.

Grabe kung makapag-alala si Berry sa kanyang lovelife.

Maganda, witty, charming, ma-appeal. Ayon nga ng ibang tao beauty and brains- hindi nga lang katangkaran. Kaya hindi na sya nag dream maging next Miss Universe. At dahil sa hindi naman daw sobrang demanding ang pagiging guro pagdating sa physical appearance kaya go na sya dito. She spent her single life being a noble and respected teacher. Pero mas hinangaan sya dahil sa kanyang angking galing sa pagkanta.

“Hay naku, Berry. Makipag-duet ka na kasi.” Sagot ni Leizel sa kanya. Nakasakay na sila ng jeep papuntang mall.

“Duet?” curious sya sa tinuran ng kaibigan.

“My God, Berry. Ano bang meron sa duet at hindi mo maintindihan hah babae?” maypa roll-eyes effect pang sabi ni Abby.

“Berry, try mong mag duet-like figuratively and literally.” dagdag ni Wen. Roll-eyes na rin ang response ni Berry sa sinabi ng mga kaibigan.

Bakit nga ba?

Dahil ang buhay nya ay isa ring malaking FIGURATIVELY at LITERALLY SOLO one.

Iginugol nya ang buhay n’yang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH sa pagsali sa mga singing contest mapa-solo or choir category. Never pa niyang na try sumali ng may ka-duet. At takot syang kumantang may ka duet dahil baka masira lang daw ang composure at consistency nya sa pagkanta.

Nang makarating sila ng mall, dumiretso sila sa Timezone upang ibuhos ang stress nila sa mga laro. Pagkatapos bumili ng tokens at cards para maglaro, naglibot muna sila upang makahanap ng mas magandang pagbuhusan ng kanilang stress. Nang biglang hilahin ni Wen si Berry.

“Hoy! Ano ba, Wen. Hinay-hinay lang. No energy ako ngayon.” tamad na pagrereklamo nya.

“Girl, this is your moment! Dali!!! I-todo mo ang stress sa pagkanta friendship. Go!” excited na sabi ni Wen sabay tulak sa kaibigan sa maliit na stage ng videoke booth.

“Miss, ano po bang dapat gawin ng kaibigan namin?” tanong ni Matet sa babaeng naka-assign sa booth.

“Today is our anniversary po kasi. Free lang po ang singing booth namin. Pero po, bubunot po ng number ang sasali. Kung solo po, of course, sya lang po ang kakanta. Kung group naman po, kailangan  po nyang maghanap po ng ibang ka grupo para po awitin nila ang choosen song. At kung duet naman  po, maghahanap po ng kapareha. Kung girl po kayo dapat po boy po ang kaparehas na kukunin ninyo at vice versa.” paliwanag ng attendant.

“Gora na sis. Choose properly hah. Sana mabunot mo ang group para tayo ang sumira ng videoke machine nila.” At sabay namang nagtawanan ang mga kaibigan nya. Minsan hindi niya maisip kung bakit at papaano niya nakakayanan ang ugali ng mga kaibigan nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DUET ft Berry SweetWhere stories live. Discover now