Ang istorya pong ito ay hango sa short film na CAROUSEL ng IV-Affability Batch 09-10 ng Mater Carmeli School. Click niyo po yung external link para mapanuod. :D Hindi po ito katulad na katulad ng Carousel pero yung idea po ay dito ko nakuha. Favorite ko po kasi yan eh. :) yun lamang po! No Plagiarism Meant. Kaya iniba ko. :D
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"*Yaaaaaawwwwwnnnnn*" yan ang unang bukambibig ni Larrence pagkagising niya.
First day of school niya ngayon, 4th yr. HS na siya.
Nang maidilat na niya ang mata niya, nagulat siya!
"0_______0"
"SHT. SHT. SHT! Late na ko!!!" sigaw niya.
Humarurot siya bigla papasok ng cr at naligo na.
Matapos niyang maligo at maghanda sa pagpasok niya, lumabas na siya ng kwarto.
Ang nanay niya, nasa dining at kumakain ng agahan.
Akmang lalabas na siya ng bahay pero nagsalita bigla yung nanay niya.
"Anak di ka ba kakain?" tanong nito kay Larrence.
"Malelate na po ako eh."
"kumain ka muna kahit onti lang."
Bumalik naman siya at kumain ng tatlong subo ng kanin at hotdog. Yun lang pagkain nila eh.
"Sige po ma, alis na po ako." sabi niya pagkatapos niyang kumain.
"Sige anak ingat ka."
Walking distance lang naman yung bahay nila sa school niya. Mga tatlong minuto lang. Bobo rin neto eh, late na daw siya eh 6:15am palang naman, 7am pa pasok nila. Shunga ka?
Pagkarating niya sa school nila, tumakbo naman siya na parang ninja paakyat sa 4th floor, doon kasi yung classrooms ng mga fourth year.
Nang marating na niya yung classroom niya, ang nasabi niya, "Hayy, buti naman di pa ko late. :)"
Pero andami nang nandun sa room nila kahit maaga pa. Ilan? Tatlo. Pang apat si Larrence.
"Yo dude!" bati sa kanya ng kaibigan niyang si Karl.
"Uy pre!" sagot naman niya.
"Aga rin natin ah?"
"Maaga? Muntik na nga kong ma-late eh!" tapos napakamot si Larrence sa batok niya.
"HAHAHA! Ambobo mo talaga!" tumingin si Karl sa relo niya, " 6:25 palang oh! Pano ka malelate! Hahaha!"
"HAHAHAHA!" biglang dumating na yung iba nilang kaklase, nagtatawanan sila, parang isang batalyon ng mga timang lang.
"Pre pramis ang weird talaga may eyeglasses pang malaki! Mukhang kpop!" sabi ng isa sa mga timang.
"Hahaha! Pre bat alam mo yung pormang kpop? Hahaa!" hirit nung isa pa.
"HAHAHA!" nagtawanan nanaman sila. Timang nga.
"Pre ano bang meron?" tanong ni Larrence kay Karl.
"Bobo ka ba talaga o sadyang wala ka lang talagang alam sa mga nangyayari sa mundo?"
"Wow ah! Below the belt na yan pre!"
"Hahaha! Eh kasi naman. XD Basta ayun may bago tayong kaklase na mukhang nerd. Alam mo naman, ang mga nerd looking people eh dedma dito."
"Ahh.." tanging nasagot niya.
"Gag* pre dami kong sinabi, yan lang reply mo!"
"Anong reply ka jan? Nagtext ka? Nagtext ka? Bobo ka rin pal----- Aray ah!" binatukan siya ni Karl. Hinimas himas niya lang yung batok niya.
