(12:00pm)
Ugh katawan ko ang sakit...
Nandito ako ngayon sa basement ng bahay namin , nakakadena na naman.
Simula kasi ng mawala si tatay , palagi ng kaming binubugbug
Tsk kung pwede lang akong lumaban sana ginawa ko na tsk ;(
Kawawa naman ang mga kapatid ko ;(
Eto ako ngayon nakatingin lang sa sahig , hinihintay ang susunod na mangyayari tsk tsk
Ipipikit ko na disin ang mata ko ng biglang may sumigaw
Napadilat ako bigla at pinakinggan mabuti yung ingay
ATEE!! Tulungan mo ako huhuhu!! Aray tama na po huhu di na po mauulit " narinig kong sigaw ng kapatid ko na Ana ,
Kaya nataranta ako bigla at pinilit kong makawala sa kadena na nakakabit saken ,pero ayaw talagang matanggal , nilibot ko ang paningin ko sa paligid at naghanap ako ng bagay na pwede kong magamit
at nakakita naman ako ng isang Maliit at mahabang bakal,
Kaya pinilit kong kunin Ito..
nakakadena ako kaya pinangabot ko ang binti ko ng maabot ko na mabilis ko Itong kinuha at ginamit na susi sa kadena
Narinig ko na naman ang sigaw Ni ana Kaya
Lalo akong nataranta at nagmadaling I unlock itong kadena
At nakawala naman ako , kaya nagmadali akong tumayo at agad kong hinanap si Ana , marami na akong binuksan na pinto pero wala parin hanggang sa isang pinto nalang
di ko pa nabubuksan ang pinto ng marinig ko ulit ang sigaw ng kapatid ko
Kaya nagmadali akong puntahan yung pinto
Kahit masakit sakit pa yung pasa at sugat na natamo ko kagabi pinilit ko paring tumakbo
binilisan kong tumakbo at binuksan ang pinto
Nang mabuksan ko na Ang pinto halos manlaki Ang mata ko sa nakita ko
Nakita ko si Janna (step mother ) at jessa ( step sister) na tumatawa
Nakita ko rin ang kapatid kong nakatali at sira sira ang damit at maraming sugat sa likod , medyo natulala ako di rin ako makagalaw hanggang sa
Natauhan na ako kung ano ang nangyayari sa kapatid ko
Kaagad akong gumalaw at nagmadaling lumapit sa kapatid kong nanghihina
Di ko mapigilan ang luha ko at tuluyan ng bumuhos ng makalapit na ako
Lalo akong napaiyak ng makita ko ng malapitan ang katawan nya
Madaming pasa, madaming sugat , uka uka ang buhok , sira sira ang damit , putok ang labi at mugto ang mata nya
Kaya di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw!
Anna!!?? MGA HAYOP KAYO ANONG GINAWA NYO SA KAPATID KO !!???" Di ko nang napigilan mapasigaw sa Galit na nararamdaman ko ngayon
Tsk bitch, were not animal duh " -jessa
Wag ka ngang sumigaw pasalamat ka ngat iyan lang ang inabot ng walang hiya mong kapatid!" Nakakalokong sabi ni Janna
Bakit ano bang ginawa ng kapatid ko ha!!?? Para maranasan nya ang ganto mga p*tangina nyo , di pa--"
I was cut when my sister speak, D*mn how can they do this to my sister!!
A-ate? "Kahit hinang hina na sya pinilit nya parin magsalita
"Sshhhh wag ka muna magsalita ha?? Pahinga ka muna si ate bahala dito " malungkot kong sabi sa kanya , naaawa ako sa kapatid ko sa murang edad ay naranasan nya na ang ganto
Di na sya nagsalita at sumunod nalang
Napakawalang hiya nila Una ako pangalawa si Anna anong susunod si Arol!!!???
Tangina ang walang ganti!!
Di ko na napigilan ang sarili sa sobrang Galit , dahil sa dinanas ng mga kapatid ko at ako sa mga walang pusong taong to, kaya sinugod ko si jessa gamit ang kutsilyong nakita ko sa lamesa malapit kay Anna na sa tingin ko ang dahilan kong bakit may hiwa sa magkabilang pisngi Ang kapatid ko
Isasaksak ko disin sa kanya pero bago ko pa isaksak sa leeg nya ,nakarinig ako ng dalawang putok ng baril at kasabay nun may naramdam akong masakit sa bandang tiyan ko nakita ko ang tama ng baril at nilingon ko kung sino ang may gawa at nakita ko naman ang nakakalokong ngisi ni Janna habang hawak ang baril sa kamay nya
Mamamatay ka na Aleyah! Hahahahah!!" Narinig kong sabi ni Janna habang tumatawa bago ako matumba sa sahig
Tiningnan ko ang kapatid
Pero nagulat ako ng makita kong nakatingin sya sakin habang tumutulo ang luha
"Diba sa-sabi ko s-sayo magpahinga k-ka muna *cough* bakit mo iminulat a-ang mata mo , nakita m-mo tuloy si a-ateng ganito *cough*
"A-ate *sob* b-bakit ginawa mo yun *sob* dapat pinabayaan mo na lang eh huhuhuh!" Umiiyak na sambit nya
H-hehe d-diba sabi ko si ate n-na ang b-bahala , b-basta Anna *cough* a-alagaan m-mo si Arol at ang s-sarili mo b-basta tandaan n-nyo m-m-mahal k-kayo ni ate" pagkatapos kong sabihin yun, unti unti nang nanlalabo mata ko pero bago pa tuluyan maglaho ang paningin ko
Narinig ko pang sumigaw si Anna
kasabay ang pagtawa ng mag ina
A-atee gumising ka p-please ate!?? Ate gumising ka kailangan ka n-namin a-ate..MGA PUTANG*NA NYO BAKIT NYO BINARIL ANG ATE KO ,WALA KAYONG AWA!!!" -Anna
Bakit gusto mo ulitin namin , okay kung iyon ang gusto mo eh "-Janna
H-huwag m-maawa kayo! Wag Ang ate ko "-Ana
Tsk! Bitch pls hahaha patay na naman yan eh Bwahahah!! - Janna
HUWAAAGG!!!-Ana
Bang!
Bang!
Bang!
Nakarinig ako ng tatlong putok ng baril and
Everything went black ......
