"Pumunta ka na kasi! Ang arte naman ni'to." pangtutukso ni Lyle sa akin habang marahang inaayos ang laylayan ng pantalon niya.
"Eh hindi ko nga kasi kaya! Nananahimik ako dito tapos ngayon pipilit-pilitin niyo at kayo pa may ganang mainis sa'kin." naaasar na sagot ko sakanya
"Baklang to. If I were you isasayaw ko na siya," sabay nguso kay Fabian "Saka isa pa, last na to. Might as well do the same thing kung anong ginagawa ko. Magpaka-walwal ka naman giril kahit minsan lang. Ikaw rin, sige ka." sabay taas ng kanang kilay niya.
Well, I really hate talking to guys. To be specific na rin, ayokong nakikipag-usap sa kanya. Kahit nga hihiram ng gamit sa akin si Fabian, puro tango at iling na lang ang isinasagot ko. I don't know. Iba kasi talaga yung feeling kapag kaharap ko na siya.
Ironically, I hate boys. I know, I know, settle down. Paano mo nga ba mai-imagine na hindi mahilig sa lalaki ang isang bakla? Hindi ko rin naman alam ang sagot d'yan. I just find them annoying all the time. Himala na nga lang ata at nagkagusto ako kay Fabian eh.
But please, don't judge my taste for men. As much as possible hindi ko dapat binabanggit kasi nakaka-guilty but I fell for Fabian's unusual charms. Ako lang ata nakaka-appreciate ng mga ginagawa niya. Yes, he is famous and isang varsity sa school namin. But lingid sa kaalaman ng lahat, may passion din siya. Hindi lang naman puro pagba-basketball ang alam niya. I always see his depth everytime na nagpe-present siya sa buong klase. He hates talking in front of everyone but whatever he is presenting speaks for himself.
One time we had a project na make some kind of sculpture out of dried leaves and putik. Lahat kami may kanya-kanyang strategy kung paano kami makakagawa ng "art" du'n sa dried leaves at putik na yun. Pero noong time na ng presentation lahat kami natahimik nung siya na yung nasa harap. Mahina ang boses niya pero noong time na yun napatahimik kami lahat.
He just presented an ordinary dried leaf tapos nakapaton sa ibabaw nun yung putik. I don't know if that's really an art pero ang naalala ko lang na sinabi niya is: "Ito. Di ko rin alam kung ano to eh. Tinatamad kasi ako gumawa. So ayun, dry leaf symbolizes the tranquility and composure and this leaf tries to carry the mud kahit na marupok na siya. Yung putik naman sumisimbolo sa depression, stress, pain, heartaches, family problems at iba pa. No matter how hard life gets, always remember that composure at pagtiya-tiyaga will bust your way to success and glory."
Lahat kami napanganga. Yung Art teacher pa namin natahimik din at binaba yung pencil na hawak niya sa pagi-score sa criteria paper namin.
So ayun na nga. People don't see that part of his life. Ang alam lang nila magaling siya mag-basketball. Ang alam lang nila varsity siya. Ang alam lang nila reserved siyang tao at tipid kung magsalita. Ang alam lang nila achiever siya ng klase. Ang alam lang nila yung common na inaalam ng mga tao.
Hindi nila alam na he has passion. Hindi nila alam na he has depth. Hindi nila alam na sa kabila ng pagiging overrated niya, may aspeto pa rin sa buhay niya na underrated and old-fashion. Hindi nila alam that he loves art. Hindi nila alam na marunong siya mag-appreciate kahit sa maliliit na mga bagay.
Bakit masyado naman yata akong mapalad at ako lang nakakakita nun?
Napatingin naman ako sa likod nung biglang may kumuhit sa akin. Si Chris at si Gwen. My two straight friend. Ang mga natatangi.
"Magpasayaw ka na kasi. Tatawagin na namin ah." sabay hagikgik ni Gwen
"Ano na naman ba? Magsayaw na nga kayo. Iniistorbo niyo ako, gusto ko na ngang umuwi at inaantok na ako."
"Sira. Kakaupo nga lang namin tapos pansin namin na wala kang kasama. Everybody's on the dancefloor na oh. Join him na!" medyo pasigaw na sabi ni Chris sa kabila ng maingay na music
YOU ARE READING
Veintiocho
Teen FictionForgive me for another prom-themed story. Special talaga sa akin basta prom. (Maraming typo, di ko pa ma-edit.)
