"What? Sa cheeks lang, Alzhera! Napakadamot mo naman pala!"

Damn, batuhin ko kaya ng bola ang asshole na 'to?

Bigla akong nawalan ng gana na makita siya noong araw na iyon kaya kahit may training ay umuwi na ako ng mansyon para lang iwasan na makita siya dahil naiinis ako.

She shouldn't have let Theo kissed her! Hindi nga dapat siya lumalapit dahil manyakis ang pinsan kong iyon, hindi na nga dapat siya lumalapit pero nagpahalik pa siya!

What was that, Alzhera Heirans?

You don't really know how much I want to scold you right now, I don't want you near any other guys.

That's an eyesore for me.

Binato ko ang bola sa dingding, paulit-ulit kong ginawa iyon dahil sa kaburyuhan.

Iyon ang parati kong ginagawa sa araw-araw, stalking her, following her like it was just an accident to be where she is. Since when did I start doing it? Hindi ko alam, hindi ko sigurado pero bago ako mag second year highschool ay ginagawa ko na iyon ng pasimple.

Medyo nabawasan lang nitong nakaraang araw dahil masyado ng dumadami ang nakapaligid sa kanya, mas ahead rin siya sa akin ng isang taon kaya hindi kami nagkapareho ng schedule at hindi ko na siya gaanong masundan dahil may klase rin ako.

"Gago, pre! Tigilan mo na ang pagdodroga baka matokhang ka." panunuya ni Lander kay Devyll.

Umismid si Devyll.

"Ulol, tigilan mo na ang magpagwapo dahil wala ng pag-asa, mapapagod ka lang." ganti niya.

Humagalpak sila sa tawa. Ngumisi ako at napailing.

Narito kami sa mansyon nila Ten, ganoon din ang aming mga kaibigan na ngayon ay nag-aarcade. Ten have a game place inside their home, parati kaming dito nagtatambay pagkatapos ng klase. This is a room to bond, sa kanilang magpipinsang mga Saavedra.

"Si Reitius?" tanong ni Theo sa akin nang maupo sa sofa.

May gana pa talaga siyang magpakita sa akin pagkatapos nakawan ng halik si Alzhera, huh?

This pervert asshole!

Hindi ko siya masisi dahil wala naman siyang alam sa pagkakagusto ko roon, hindi naman si Theo iyong tipo ng tao na magtatraydor sa akin o kahit kanino sa amin para lang sa isang babae.

Nagkibit ako ng balikat at pinagulong ang bola sa lapag. Sobrang ingay nila Devyll at Lander habang naglalaban ng tekken sa arcade.

"Parang nalalagas ang tropahan, huh?" halakhak ni Theo. "Si Matrix ay wala rin parati..."

"Abala sa pag-aaral." balewalang sagot ni Evander habang abala sa kanyang cellphone.

Ten sat beside me, kasunod na pumasok ang kanilang dalawang kasambahay na may dalang meryenda para sa lahat.

"Where's your best buddy?" mahinang halakhak niya na may panunuya at ramdam kong may kahulugan.

I shrugged, kumuha ako ng isang baso ng juice at sumimsim roon. I looked at him and smirked.

"How's the HU's team? Mananalo na ba kayo sa Elitians?"

Umismid siya, nagyayabang.

"Why not?"

Humagalpak ako at napailing sa kanyang kayabangan.

Xythen is next to Reitius for me, he's my cold best buddy, too. Kaya lang ang pinagkaiba ay si Ten ang walang suporta, si Reitius ang suportado sa lahat ng bagay.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon