Goodbye Philippines

23 0 0
                                    

Fresh grad lang ako na kumuha ng Bachelor in Secondary Education major in English dito sa Pilipinas. Dati pa nung college ako mahilig na ako magexplore ng iba't ibang langauge. Pero mas nagkainteres ako sa language ng bansang pupuntahan ko sa araw na ito. Third year college ako nang simulang kong aralin ang salita nila dahil pangarap ko narin makapunta sa bansang yun. Nakikita ko kasi sa mga pinapanuod ko at pati narin sa internet na maganda talaga ang bansang yun. Sabi ng pinsan kong nandun magaral daw ako ng salita nila at pagkagraduate ko nga ay kukunin niya ako dun.

Si Ate Shane ang pinsan kong nandun, isa siyang company manager dahil nakapangasawa siya ng taga doon si Kuya Francis (hindi pinoy, native ng bansang tinutukoy). Tamang tama naman ang timing ng graduation ko dahil nangangailangan daw ng English Teacher ang school kung saan nagtratrabaho ang isang kaibigan ni Kuya Francis. Private school yun at namomoroblema na daw sila dahil tatlong buwan nang walang English teacher. Inireserve na slot sakin dahil nakapasa naman ako sa exam para sa license na makapagturo abroad. At ngayon na nga ang araw ng alis ko.

"Anak, lagi kang magiingat dun ah. tatawag ka sa amin kahit minsan lang sa isang linggo para naman di kami magalala ng papa mo dito." si mama. Ilang bese na ba niyang sinabi sa akin ang bagay na yan simula pa ata nung nagaayos ako ng papers ko eh. Hanggang ngayon ba naman at nasa airport na kami.

"Ma, huwag na po kayong magalala. Kasama ko naman po si Ate Shane dun, may matatakbuhan po ako kapag may kailangan po ako. Tsaka kung gusto niyo po tatlong beses pa ako tatawag sa isang linggo eh." sabi ko nalang. Alam ko naman na lahat nalang ng mga kapamilyang naiiwan sa Pinas ganyan ang reaksyon kapag aalis na isang myembro ng pamilya. Kaya normal nalang yan.

"Kuya, huwag ka munang makikipagboyfriend dun ah. Baka mamaya may susuportahan ka nang boyfriend dun, makalimutan mo na kami." si Rona. Alam ng pamilya ko kung ano ang sexual preference ko at masaya ako dahil okay lang sa kanila yun. Di ako nagdadamit babae dahil lalaki parin naman ang tingin ko sa physical na itsura ko ang nagbago lang talaga ang puso ko.

"Oy! Rona huwag mo ngang ginaganyan ang kuya mo. Kung makikipagboyfriend man yan doon wala na tayong magagawa don dahil natural lang na maghanap naman ng masasandalan ang kuya mo. Lalo na, wala siyang gaanong kakilala dun. Pero Kenny anak, pipiliin mo naman ang magiging boyfriend mo ha? Yun namang may kaya para ikaw ang suportahan niya." eto na naman sila papa.

"Pa naman. Trabaho po ang ipinunta ko dun hindi boyfriend." maya maya ay narinig ko nang i in inaannounce ang flight ko.

"Sige na anak baka mahuli ka pa sa pagsakay." si mama habang paluha na naman.

"Bye anak magiingat ka lagi ah." si papa.

"Opo ma, pa. Gagawin ko po lahat ng bilin niyo. Sige na po. Kuya Roy, Rona, alagaan niyo sina mama at papa ah. Sige alis na ako." huling paalam ko.

"Sige tol. Twag ka kaagad pagkarating mo ah." smile nalang ang isinagot ko kay kuya.

Tatlo kaming magkakapatid. Ang panganay namin nagtratrabaho na pero maliit lang kita. Siya kasi ang nagsakripisyo para ako muna ang makapagaral. Pero pinageenrol ko na si kuya para matapos niya na ang huling dalawang taon. Maganda naman buhay namin noon, hindi mahirap at di rin naman mayaman. May kaya lang pero nung magkasakit si papa medyo nagiba ang lahat kaya hindi kami pwedeng magsabay ni Kuya magaral noon. Nasa 2nd year High school ako nun  at 2nd year college din siya nang magkasakit ang papa namin. Tinapos niya lang ang taong yun at nagdecide na maghanap ng trabaho para kami nalang ni Rona ang pagaralin. Kaya ngayon time ko naman para suklian si Kuya. Pati narin sina mama at papa.

Di ko namalayan ang oras at nakarating na kami ng bansang aking pinangarap. Paglabas ko palang ng eroplano ay dinig ko na ang salita ng mga tao at nang makita ko ang mga itsura nila mas lalo akong naexcite. Para akong nasa ibang mundo ang ganda ng lugar, airport palang pak na pak na. Ang puputi at ang kikinis nga nila talagang katulad ng nasa napapanuod.

Nakita ko ang papel na may nakasulat na pangalan ko at nakilala ko naman agad ang taong nakahawak nun. Si Ate.

"Ya! Kamusta ka na? Mis na mis na kita. Aiisshh ang cute cute mo talaga. Teka lumaki ka ba talaga?" nakakasakal na nga ang pagyakap niya mas masakit pa pala ang tanong niya.

"Oo sige na ate. Ako na tong maliit, cute, pandak. Ano pa ang itatawag niyo sa akin?" Oo maliit ako para sa age ko na 21 flat 5 lang ako.

"Pero atleast di naman papahuli ang fes. Hindi halatang 21 ka na. Eh mas mukha ka pang college freshman kesa sa mga college na tutruan mo eh. Dito kasi matatangkad ang mga lalaki. Iilan lang ang maliit. Ang maliliit dito mga babae. Naku baka naman pagkamalan kang babae kapag dinamitan kita ng pambabae niyan hahahaha." nasa kotse na niya kami kaya nama ganun nalang siya tumawa.

"Ate naman. Ayoko naman magdamit babae. Ikaw talaga di ka pa nagbabago."

"Naku! alangan naman magbago ako no. Kahit naman nagasawa na ako ako parin to. Alam mo ba mas funny pa ang mga kaibigan ko dito. Oo nga pala, magpahinga ka na pagdating ng bahay ah para paggising mo pupunta na tayo sa party ng kaibigan ni Francis. Dun mo narin mamimeet ang boss mo." paliwanag nito.

"Ate naman. Agad agad? Tsaka party? naku di ba nakakahiya naman yun?"

"Ano ka ba ininform na ni Francis ang mga kaibigan niya na pupunta ka para makapirmahan narin kayo ng kontrata dun. Naku! kung alam mo lang maraming gwapong kaibigan ang asawa ko no." eto na naman siya.

"Sige then ate. Ang lamig dito eh anung isusuot ko sa party?"

"Eh di daan tayo ng damit mo para mamaya. Game ka ba?"

"Sige."

Pagdating namin ng mall. Manghang mangha ako sa gaganda ng mga damit nila. Nahirapan ako sa pagpili pero sa huli nakapili din kami. Di ko alam kung kakabahan ba ako o maeexcite para sa party mamaya. Di bale, bahala nalang mamaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinky finger and the Middle FingerWhere stories live. Discover now