Chapter Three

6.9K 160 6
                                    

Kinaumagan maagang tumapat si Aniza sa kanyang laptop. Habang binubuksan nya iyon ay nag-iisip siya kung anong paraan ba ang gagamitin niya para umayon sa 'maitim' na plano niya ang lahat.

            "Hahahaha," nakakalokong tawa niya. "Humanda ka, Lance. Mapapasaakin ka..." tumawa uli siya ng nakakaloko.

            Binatukan siya ng nanay niya na ng mga oras na iyon ay nakatayo pala sa kanyang tabi. "Hoy, kanina pa kita tinatawag. Paglapit ko bigla ka nalang tumatawa ng parang baliw d'yan. Ano ba 'yang ginagawa mo?"

            "H-ha? Ehh..." mabilis na pinindot niya ang Alt at Tab button pagkatapos ay nagkamot lang siya ng ulo. "Nag-iisip po ako ng magandang layout para sa pinapagawang website ng bago kong kliyente."

            "Ah ganon ba. Para kang baliw d'yan eh. Kumain ka muna bago ka humarap d'yan sa trabaho mo. Aalis na ako at magbabantay muna sa shop."

            "Sige po, 'Ma." HInalikan niya ito sa pisngi. "Ingat po."

            Bumaba siya sa hapag-kainan dala ang kanyang 'best friend.' Ang kanyang laptop. Pagkaupo niya ay agad siyang nag-research habang kumakain ng tinapay.

            "Hmm... hmm.. ganoon pala 'yon. Pwede pala 'yon..." bulong niya sa sarili.

"Kumusta na yung mga tinatayong raw houses sa Elite Residences?"

            "Okay na okay, Sir Lance. As of now, pipinturahan nalang and then finishing na. Yung model house is furnitures nalang ang kulang. I already approached Ms. Martinez for the interior design. Siya na nag bahala roon. I think tomorrow the model house is good to go."

            "That's great," sabi ni Lance habang sumisimsim ng kape. Maaga siya ngayon sa kanyang opisina. Sa hindi mawaring dahilan ay hindi siya makatulog at maaga pa siyang nagigising. In short, puyat siya.

            "Okay ka lang ba, Sir?" tanong ni Rick. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya. Ito ang kanyang marketing supervisor at kalapit niya ng loob.

            "Medyo puyat lang," napabuntong hininga siya.

            "Bakit Sir, pinuyat ka ba ng girlfriend mo?"

            "Crazy," sabi niya at bahagyang natawa. "I can't sleep for some reasons. I sleep late, I wake up early. Almost 3 hours lang yata ang tulog ko. Which is so unusual."

            "Hmm..." hinimas nito ang baba nito, tipong nag-iisip. "Baka Sir may nag-iisip sa inyo."

            "Nag-iisip?"

            "Sabi kasi ng iba, kapag hindi ka makatulog, maaaring may taong iniisip ka or may taong napapanaginipan ka."

            "I didn't see any logical reasons behind it."

            "Hay naku, Sir. Hindi ka mabiro. Kaya ka wala pang girlfriend e," ang lakas ng tawa nito. Binato niya ito ng papel na nilamukos niya.

            "Anyway Sir, I need to go. I need to check the sales first. Inihahanda na ung documents para mai-report ko na sa'yo."

            "Okay no problem. Pasabi na rin sa sekretarya ko na pumasok siya rito sa office to tell my schedules for today."

            Nang pumasok ang sekretarya niya at sinabi nito ang mga schedule niya, napahilot nalang siya ng sentido. Masakit ang ulo niya.

            I deserve to have a good night sleep...

Nag-umpisa na si Aniza. Naka-plot na sa isang papel ang mga notes na hindi niya pwedeng kalimutan dahil baka magkamali siya.

            "Sorry Lance, but I have to do this..."

            She started her hacking adventures.

When Miss Hacker Meets the MillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon