Chapter 32: Moments

Magsimula sa umpisa
                                    

"Heh! Asar ka kasi ng asar!" 

"Sungit mo talaga!" sabay tawa.

"I don't care.." 

"Nasan na kaya yung dalawang yun?" tinanggal nya yung unan sa muka nya saka tinignan ako ng masama.

"Hayaan mo nga sila, tayo nagmomoment dito iba iniisip mo.." nagpout pa.

"Eh.. nag-aalala lang..'

"Safe si Andrea kay Jason, don't worry.." nagnod na lang ako.

Maya maya lang hinawakan nya yung tyan ko. More of, haplos.

"Ang laki na ng tiyan mo.." comment nya.

"Alam ko." tinignan nya ko ng masama.

"Ang laki ng tiyan mo tas patpatin yung katawan mo.."  kinurot ko siya.

"Makapanglait ka eh no? Kala mo macho!"

"HAHA. kumpara sayo.." pinalo ko sya ng unan.

"Hindi man ako biniyayaan ng magandang katawan, biniyayaan naman ako ng pusong ikaw lang ang laman.." haha makabanat eh no? WAHAHA

"Ikaw ha..Hindi ka lang pandrama, pang comedy ka na din.." nginitian ko lang siya.

"Well, ganun talaga.. umaasenso eh.." with matching hand gestures

"Yumayabang ka na din.." sabay kurot sa ilong ko.

"HAHA. Parang ikaw?" sabay dila sakanya.

"Hindi ako mayabang no. Honest lang!" 

"Che!"

Hinila nya ko papalapit sakanya at niyakap. 

"Haaaaaaay. Ang hirap mo yakapin.." reklamo niya.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon