Love me for me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ka ba natutuwa?" tanong sa akin ni Avryll

"huh? Bakit naman ako matutuwa? Wala naman dapat ikatuwa"

"Best naman eh. Ano ka ba, lahat kami dito nagdidiwang tapos ikaw ganyan?"

"hind naman kasi big deal kung lilipat sila sa section natin"

"hay nako Nicole, kaya walang nanliligaw sa iyo eh. Maganda ka sana kaso ugaling manang. Daig mo pa yung ibang matatanda"

Hinampas ko si Avryll nang mahina sa ulo. Aba, loka-loka itong babaeng ito ah. Sabihhin ba naman na daig pa ako ng matanda.

"Nicks ano ba?"

"sige ulitin mo pa yung sinabi mo?"

"ito naman, binibiro ka lang."

"tingin mo natawa ako?"

"sorry na. Manang"

"ewan ko nga sayo Avryll. Minsan napapaisip ako kung bestfriend ba talaga kita eh"

Chapter 2 - Love Attack

Ngayong araw lilipat sa section namin ang mga varsity kaya naman ang mga babae dito sa room ay mga nagtitiliian. Hindi man lang maubusan ng boses. 

Nang dumating ang prof namin, kasabay niyang pumasok ang buong team. Sa section nalang daw kasi namin lahat ililipat. Kaya naman ang mga classmates ko ay kilig na kilig.

"ok class, these boys will be your new classmates." Sabi ng teacher namin.

Pumili na sila ng mauupuan nila, at dahil nga labindalawa sila halos lahat ng sulok ng buong room ay napwestuhan nila. Lahat ng babae sa room namin ay todo-papansin sa mga basketball players na iyon, mukhang ako lang yata ang tao dito sa room na hindi interesado sa kanila. 

Merong isang lalaki na sa tabi ko umupo at bigla ba naman nagpahangin(nagpayabang) sa akin.

"Hey, hindi ka ba masaya na nandito kami. Tignan mo lahat ng classmate mo kilig na kilig sa amin oh"

Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi niya, pagtapos ay tumalikod ako sa kanya. Ang yabang ng lalaking ito akala mo naman napakagwapo. Nakakaainis, buong school year ay magiging classmate ko tong mga mokong na ito.

"Hey, hindi mo ba ako kakausapin. By the way I'm Lucas."

Humarap lang ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Sigfuro natural na talaga sa katawan nila ang pagigig mahangin.

"do I ,look great?" tanong niya sa akin

Aba, ang hangin talaga ntong taong ito. Ano bang pakialam ko sa kanya at sa itsura niya. Hay bwiset.

"nma'am may I go out" paalam ko sa teacher ko.

Lumabas ako ng room dahil hindi ako nakatiis dun sa katabi ko. Hindi ba nya alam ang salitang HUMBLE. Hindi nga ako nagkamali sa maga ugali nila, mayabang at bastos. Akala mo kung sinong mga perpekto eh puro lang naman basketball ang alam. 

Pagkabalik ko sa room ay nakita ko na nasa upuan ko yung Lucas at niya si Avryll, at eto namang si A vryll ay kilig na kilig.

"excuse" sabi ko

"ayos lang ba sayo kung dun ka muna sa upuan ko?" sabi ng Lucas nay un

"best ok lang ba?" sabi naman ni Avryll

"Avryll?" sigaw ko

"sige na best. Please"

Wala akong nagawa kundi umupo dun sa upuan ni Lucas at ayun tulad nga ng sinabi ko nagkalat sila sa buong room kaya may katabi nanaman akong player. Si Anthony naman ang katabi ko ngayon, ang team captain niila. Kilala siya dahil sa pagiging magaling niya sa basketball, heartthrob daw siya sa school pero hindi ako naniniwala. Mahaba ang mukha niya, mayabang at maputi. Gwapo siya pero napakataas ng Pride. Gusto niya lahat perfect, ayaw niyang may nagkakamali. Minsan pa nga daw kapag may absent o di kaya naman ay late sa practice nila, pinapahirapan daw niya. Push-ups ng 50 times, minsan naman daw ay pinapatakbo niya sa buong school ng 30 times. Nalaman ko lahat yan dahil kay Avryll, patay na patay kasi siya sa varsity players na ito kaya halos every week may bago siyang balita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon