Hinhin: 1

1.6K 36 2
  • Dedicated to Vin Montelegre
                                    

AKANE's POV

“Hindi ka pa ba tapos jan?” Tanong sakin ni Aiji habang inaayos ko yung mga bagahe ko. Kakagaling ko lang sa Milan dahil nagkaron kami ng show dun.

“Matatapos na ko teka lang. Una ka na baka naiinip na si Mayden sa baba susunod na ko.” Sabi ko sakanya at isinarado na ulit ang pinto upang ipagpatuloy ang ginagawa kong unpacking sa mga gamit ko.

Habang nag-aayos ako ng gamit ay nakita ko yung isang kwintas na bigay sakin kagabi ng isang griyego na guest sa show. Isang necklace with INFINITE pendant.

Kinuha ko ito at tinitigan na para bang may hinahanap ako na di ko Makita.

Naalala ko na naman siya.

Ilan taon na ba ang nakalipas? Gano ko na siya katagal na hindi nakikita?

Sa loob ng apat na taon mula ng umalis ako sa Pilipinas ay wala akong ibang ginawa kundi mag-aral, magtrabaho at pamahalaan ang business na iniwan sakin nila Mommy.

 Apat na taon na. Apat na taon ko na rin hindi binibisita ang puntod ng mga kinilala kong magulang.

Isa na ko ngayong fashion model/Fashion Journalist. Pinursue nko yung pangarap kong maging isang journalist at sa awa ng diyos isa na kong kilalang fashion journalist dito sa Europe.

Ibinaba ko sa gilid ng kama yung kwintas at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Mayden at si Aiji na masayang nag-uusap sa salas.

Si Mayden ay isa ring Filipina na nakilala ko habang nag-aaral ako sa Indianapolis. Isa siyang fine arts student. Mabait siya, masayahin at magaan ang loob ko sakanay.

Si Aiji naman ay ang kababata ko. Mula sa Japan ay lumipad siya papunta ng Greece ng malaman niya ang nangyari sakin.

“how’s the show?” Nakangiting tanong sakin ni Mauden ng makita niya ko papalapit sakanila.

“It was fabulous! It was one of my favorite! Most of them are the top designers! May ilalagay na naman ako sa article ko and the experience? It’s a WOW!” Excited na kwento ko sakanya.

“A, Lola called today.” Napatingin ako kay Aiji.

“Ano? Uuwi daw siya dito?” Nakangiting tanong ko sakanya

“No. You will go home this year.” Seryosong sabi niya. Mukang naramdaman ni Mayden yung pagiging seryoso ni Aiji kaya nagpaalam na ito at umalis.

Sa kabilang kalsada lang naman bahay niya eh.

Pag-alis ni Mayden ay agad kong hinarap si Aiji.

“I’m home. This is my home.” Malungkot na saad ko sakanya.

“No A, your home is in Phils. In his arms. You need to go back to face your fears. I know everything has changed but yung feeling mo? Hindi pa naman diba? Mahal mo pa rin siya.” Nakangiting sabi niya sakin.

Mahal ko pa siya?

Hindi. Hindi niya ko mahal pero ako? Di siya nawala sa isip at sa puso ko.

Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya? Bading pa din kaya siya?

“A-ayoko.. N-natatakot ako..” Nauutal na sabi ko kay Aiji. I looked away. Ayokong isipin niya na tama siya. Na mahal ko pa rin hanggang ngayon si Miguel.

“Edi inamin mo na hanggang ngayon naapektuhan ka pa rin! Hindi mo ba namimiss yung mga kaibigan mo? Pati sila tinalikuran mo. Sa loob ng apat na taon Akane kinulong mo ang sarili mo sa mundo na hindi mo gusto.” Pangongonsensya niya sakin.

When They Meet Again [HIATUS]Where stories live. Discover now