EARPHONE [ONE-SHOT]

105K 2.4K 649
                                    

AN: Storyang nabuo sa di malamang dahilan.. ;)) 


SOMEONE'S POV



Sa pagsakay ko nang Jeep nakasabay ko na naman siya and again she's a snob.


Tuwing sasakay siya ng Jeep magbabayad agad siya and after that tatanaw na lang siya sa bintana ng jeep buong byahe. She always wear an earphone.


Hindi ko pa siya nakakasabay sa jeep na hindi nakalagay ang earphone sa tenga nya. She snob people, kapag may nagpapa-abot ng bayad kahit siya ang malapit sa driver. Hindi niya ito pinapansin, kaya naman naiinis sa kanya ang ibang pasahero.


Then one time sa pagbaba niya naiwan niya yung earphone niya sa inupuan niya. Hindi niya siguro napansin dahil nang pababa na siya tinanggal na niya ito sa tenga niya.


At dahil ako yung katabi niya ako na ang kumuha pero hindi ko ito nagawang ibigay sa kanya dahil umandar na din ang jeep pero di bale pag nakasabay ko ulit siya saka ko na lang din ibigay ito sa kanya.



Nung gabi bago ako matulog pinagmasdan ko muna yung earphone na hawak ko. Pano kaya kung hindi ko muna ito ibigay dun sa babae... siguro naman hindi na siya magpapakasnob. Sayang ang ganda pa naman nya pero hindi naman kagandahan ang ugali.


At ayun nga nagkasabay na ulit kami pero laking gulat ko  nang pagkakita ko sa kanya may bago na pala siyang earphone. Ang bilis naman niyang nakabili. Tsk. Buong byahe pinagmamasdan ko lang siya at tulad ng dati snob parin siya.


Nung pababa na siya this time nahulog naman sa kanya yung wallet niya. Kaya bago pa umandar ang Jeep kinuha ko na ito at hinabol siya.


Nakita ko naman siyang lumapit dun sa isang babae, kaibigan niya ata. Nilapitan ko naman silang dalawa.


"Miss, naiwan mo wallet mo atsaka....." Napatingin naman siya sakin at mukhang nagulat, kinuha ko naman sa bulsa ko yung earphone niya "e'to nga pala naiwan mo din 'to nung isang araw" Agad naman niyang kinuha sakin parehas.


Nagulat na lang ako sa itinugon nya sakin. She make a hand language. Napansin siguro nang kasama niya na mukha akong nagulat.


"...Yes, she's unable to speak and ......  and she's also deaf" mapait na ngumiti ito.  "Malimit syang magsuot ng earphone dahil para isipin na lang ng mga tao na hindi lang sya naririnig nito kaya wala syang tugon sa mga nangyayari kaysa naman ang kaawaan siya sa kundisyon niya. " malungkot na sabi sakin nung kasama niya.


Sa pag-alis nila naiwan lang akong nakatayo dun. Gulat sa nakita ko at nalaman. Hindi ko pala dapat siya hinusgahan. 


Napayuko ako at naglakad sa kabilang direksiyon, may kung anong bigat akong naramdaman sa mga nalaman ko.


Napahinto ako at muling nilingon sila. Pinanuod ko lang silang maglakad palayo. Ang lakas ng ihip ng hangin napaka-presko.


Nagulat naman ako ng nilingon ako ng babaeng parati kong nakakasabay at nginitian ako, napakaliwanag ng ngiting ibinigay nito sakin. Isang malungkot na ngiti naman ang rumihistro sa mukha ko kasabay ang malalim kong buntong hininga. Life was so unfair.



                                                             ******************************




VOTE. COMMENT. HAVE TIME TO READ MY OTHER STORIES.  XOXO

Kiligin sa mga Behind The Scenes na kaganapan sa buhay nina Chuck at Kiera. Malapit nang ipalabas in All Theaters Nationwide "You Belong With Me" - Completed

Let me take you to the wolf's Era were werewolves really exist. And find what's is "The Wolf's Damn Thing" - Completed

Two different person, Two different world, Two different personalities, Will this two person world collide? Will Lixien make Clyde to say "She's Mine. Only Mine" - Completed


 Thank You!

EARPHONE [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now